Chapter 7

255 27 3
                                    

Gabb's PoV

"Anak ng-- Ate Brei, paano ka nakapasok dito?!" Inis na tanong ko.

Ang sarap pa naman ng tulog ko. Kung di lang ito nanghila si Ate Brei edi sana maganda gising ko.

"Well di naman nakalock door mo duhhh." Sagot niya pabalik tsaka inirapan ako.

"Nagtataka talaga ako kung paano ka natitiis ni Ate Lara." Bumangon na ako at naghilamos while si Ate Brei nakaupo sa kama habang nag-iiscroll sa twitter.

"Bakit ba ako ang una mong dinisturbo? Pwede naman sila Ate Ecka." Tanong ko ulit tsaka pinitik noo niya.

"Syempre dahil bahay mo to and may hangover sila Ecka at Lara. Baka itakwil ako ni Lara at ihagis ni Ecka sa veranda wala sa oras pag sila kinulit ko." Maarteng sagot niya at hinalungkat ang mga damit ko.

"Hiramin ko muna to na hoodie mo. Walang pangtaas na pamalit si Lara eh. Tsaka bumaba ka na baka masunog bahay mo." Paalam niya.

Baka masunog ang bahay?? Ano ibig sabihin niya??

Bumaba ako agad at naabutan si Ate Belle na kinakalaban ang prinipritong hotdog.

"Ate what the heck are you doing? Bakit suot mo helmet ko at hawak mo yang napakalaking takip ng kaserola?"

"Ah good morning Gabb! Sabi ko kase kay manang ako muna magluluto pero mukhang palaban tong linuluto ko. Nakakainis nga eh!" Pasigaw niyang sagot kase nakahelmet siya.

"Tutong na yan ate! Sila manang na palutuin mo! Umalis ka na diyan!" Sigaw ko sabay hila sakanya at pinatay ang apoy ng stove.

"Nang. Kayo na po magluto."

"Sige sige. Asikasuhin mo muna yung mga kaibigan mo." Sagot ni manang at pinalabas ng kusina.

Naabutan namin si Ate Ecka nakaupo sa sofa habang hinihilot sintido niya.

"O andiyan ka pala Belle. Kanina pa kita hinahanap."

"Ate Ecka turuan mo nga to magluto. Baka pagnagkaroon na kayo ng sariling bahay masunog lang."

Bigla akong nakaramdam ng kurot sa tagiliran ko.

"Matututo rin ako. Pagdating ng panahon na napakagaling ko na magluto di kita bibigyan ng pagkain." Inis na sambit ni Ate Belle at umupo sa tabi ni Ate Ecka.

"Wag mo namang awayin siya Gabbo. Magiging magaling din naman to." Pambobola ni Ate Ecka tsaka yinakap si Ate Belle.

Talaga ba naman sa bahay ko pa sila maghaharutan. Sarap pagbuhulin.

"Maawa naman kayo sa bata Ecka. Kung maghaharutan kayo dapat sa hindi niya nakikita. Baka di na maging virgin eyes ni Gabb." Pagsaway ni Ate Lara habang tinatakpan eyes ko.

"Hindi naman talaga virgin eyes ni Gabb. Nanonood kaya yan ng mga R-18 scenes and movies." Ayan nanaman si Ate Brei.

"Hoy di kaya! Pinagsasabi mo Ate Brei."

"Defensive ka ibig sabihin totoo." Asar pa niya.

"Ate Lara pwede ko na ba siya ihagis from the veranda?" Tanong ko habang nakaturo kay Ate Brei.

Ate Lara just laughed kagaya nila Ate Ecka.

"Tama na yan. Wag mo na kasi asarin Brei. Nabubuking ang bata." Ate Belle.

Dumagdag pa itong bebe ni Ate Ecka grrr

"Pag Aubrey talaga ang pangalan mapang-asar. Bahala kayo diyan uubusan ko kayo ng ulam."

Nagwalk-out nalang ako baka mas lumala lang pang-aasar nila eh.

Coleen's PoV

"Hmm Gabrielle Skribikin." Sambit ko habang sinesearch pangalan niya sa FB.

Tamang scroll lang sa profile niya. Syempre dahil sa may lahing chismosa ako, hinahanap ko yung dating jowa niya.

"Wala naman sila dito pics or anything. Sure ba si kuya staff na totoo yun or pinagtitripan lang sila ng boss nila?" Kausap ko sa sarili ko.

"Sa IG kaya? Baka meron dun."

Bubuksan ko na sana ang IG nang may tumawag.

LOML calling....

"Hello love? Napatawag ka ata."

"Nangangamusta lang love. At magpapalaam sana."

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Pinapapunta ako ni Dad sa New York. May asikasuhin lang ako doon."

"Aww hanggang kailan ka doon?"

"Di ko alam love pero sana madalian lang. Babalik ako agad love pramis."

"Sige love ingat ikaw ah. Update me pagdating mo doon. Sige na love, inaantok na ako. Bye and I love youuu" Paglambing ko.

"Love you too love. Sleep well and wag masyado magpagod ah. Baba ko na to. Babye."

Binaba na niya ang tawag at inayos ko na higa ko sa kama.

Pipikit na sana ako nang biglang pumasok si Ate Abby.

"Knock first, will you?" Antok na sabi ko.

"Sorry pero sabi ni Dad ubos na gamot mo. Dapat sinabi mo agad saakin. Mabuti nga may nabili na kami." Sagot niya na parang mama.

"Alam mo 'te dapat bigyan mo na ng baby si Ate Sela. Para magamit mo na yang skills mo sa panenermon paglaki ng bata."

"Hoy wag mo parinigin yan kay Marsela. Baka magkababy fever yun at kulitin ulit ako. Alam mo naman nangyari last time."

"Oo na baka araw-araw nanaman yun pumunta sa bahay-ampunan na di mo alam. I'll zip my mouth." Sabi ko na parang nanunumpa sa watawat.

"Mabuti. Magising ka rin maaga bukas. Whole day tayo ah. Isave mo yang creative juices mo." Paalala niya bago lumabas.

Bukas ko na pala makikita si Gabrielle. Di ko alam kung bakit pero I have this feeling na parang kinikiliti ang kaloob looban ko.

-----------------------------------------------------------
Helloooo late update nanaman hehehehe ngayon ko lang naalala na may nakastock dito na update hehehe also next chapter abangan niyo hehehehe

String Of FateWhere stories live. Discover now