Five- Buracai De Laiya Part 1

43 0 0
                                    

2nd day of our outing. Yesterday after I asked Shawn, I've decided na this event with my friends should be memorable and enjoyable only.

I do not want unnecessary stress, I'll be dealing it soon. I should choose right dates to deal with it. Hah! The power of my mind is working. It should! Gusto ko muna magrefresh bago magstart ang training..

We are here at Buracai De Laiya Hotel & Resort, located in Laiya, San Juan Batangas. It is a private resort and may pool din tapos dagat na sa labas. Kami lang ang guest ngayon dito.

It's not too glamorous or high maintenance type of resort but you can feel the simpleness, relaxing and friendly vibe.

Nag ayos lang kami ng mga gamit kahapon, nag lunch tapos nagrest na since ang layo pa ng pinagmulan nina Sara at medyo maaga din kami bumiyahe habang si Shawn halatang antok pa.

Nung hapon nagswimming kami sa pool, chikahan kami kasi matatagalan na siguro ulit bago masundan ang ganitong outing. May movie night silang service na kasama sa package na inavail namin so nakapag movie na din kaming apat after we had our dinner. Ayaw pa nga namin matulog at pumunta sa mga kwarto pero we have no choice dahil maaga pa kami para dun sa mga activities na gagawin kinabukasan.

Dalawa ang kinuha naming room and both are king size bed, kami ni Shawn ang magkasama sa room then Sara and Mary sa kabila.

I am putting sunblock on my skin ngayon dahil katatapos ko lang din magshower.. nag swimsuit na ako ng red sa loob pero nagsuot muna ako ng white large t-shirt pagkatapos ay short. Natatakluban na ang short ko kaya parang naka dress lang sa laki. Magbbreakfast muna kami sa veranda bago kami magproceed sa mga beach activities.

"Natalie calling"

I heard the ringtone of Shawn's phone pero nasa comfort room pa siya.

Natalie? Trying to remember if we have common friends named Natalie but there's none.

I was about to grab his phone but there's Shawn already. I didn't know na nakalabas na pala siya.. He only have his towel to cover his uhm.

I look at him from behind habang sinagot na niya ang tawag and he's walking papunta sa sliding door. Maybe it's about business, I guess?

But I heard him saying... baby?

Tama ba narinig ko or hallucinations lang? Baby? Wala naman siyang girlfriend, duh. Hahaha

I rolled my eyes. Bakit masyado akong pakialamera e lovelife niya yun. Di ko nga alam kung may nadiligan na ba yun.

After ko magsuklay, lumabas na ako para pumunta sa breakfast area. Nagtext na sila sa akin na nadun na daw sila. Mga bruhang yun, parang di nakakakain. Hahaha

I just texted Shawn na lumabas na ako kasi magbibihis pa yun. Wow, ang ganda ng sikat ng araw! Hindi ngayon umuulan o masyadong mainit, mukhang sumasabay sa amin ang panahon.

"Oh saan yung jowa mo?" Mary asked, teasing me na parang may something sa amin ni Shawn!

"Mandiri ka nga sa bibig mo. Gandang babae e, kalibugan nasa utak" agad kong sagot.

"Aba Denise! Advance mo mag isip. Di ko kinaya. Anong kalibugan? Ang tanong ko lang ay kung nasaan? Nagtanong ba ako kung ano posisyon niyo kagabi? Medyo oa friend!"

"May jowa ba si Shawn?" di ko napigilang magtanong. Kasi baka nga mayroon? Di ko lang alam dahil naaksidente ako diba? Wala naman siya nakkwento

Sara pause for a moment and look at me like I said something crazy! Why? Is it wrong to ask? then she smiled

"Wala naman, bakit mo natanong?"  and she continue to eat hotdogs. Punong puno pa bibig niya pero sa mga pagkain pa din naka focus ang mga mata, asan na ba mga friend kong mala Maria Clara kumilos?

"Paano kung mayroon?" bulong ni Shawn sa likod ng tainga ko! How come na nadito na siya? Di manlang ako sinabihan! Tumaas bigla mga balahibo ko dahil naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Ang dalawa niyang braso ay nakapatong sa tagiliran ng inuupuan ko.

I wouldn't dare to face him dahil alam kong malapit lang mukha niya sa mukha ko!

"Edi wow!" trying to act cool kasi ang awkward naman ng posisyon namin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay pero nakita kong gusto na niya tumawa. Problema neto? May sapak ata.

Activities:

Boating & Snorkeling
Banana Boat
Jet Ski

Madami na kaming na experienced na ganitong activities at hindi na bago pero yung place kasi iba. As much as I can, gusto ko magbigay ng chance sa iba't ibang lugar. I want to know more on what they can offer, it maybe less or more, still the experience and ambiance will always be different.

After that, we had our lunch na, kwentuhan ulit then we decided na magrest muna kasi mag babar kami mamayang gabi outside the resort.

Lambot na lambot na kami ni Shawn nang mahiga kami sa kama. I am closing to sleep until I heard someone... I cannot tell if it is on my mind

"I missed you"

Ughhhh. I'm tired...

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now