Seven-Mount Maculot

25 0 0
                                    

"Denise, eto yung 10 food packs, ito muna yung dalhin mo para di ka mabigatan" ngiting sabi ni Claudia, katrabaho ko

3 weeks palang ako sa kompanya bilang trainee as secretary pero di ko alam na may mga ganito pala na ginagawa ni Sir. Medyo ilang pa ako nung una pero habang tumatagal, nakakalimutan ko din yung nangyari sa beach.

Mapresko dito sa bundok, oo bundok. May pa charity event pala si Sir Marcus. At syempre bilang sekretarya, lagi ako kasakasama ni Sir. Nasa Cuenca kami. Isa ito sa sikat na puntahan ng mga mahilig sa hiking. Madalas estudyante. Ang Mount Maculot.

It is one of the places to view Taal Lake.

Sabi nila, kapag naka akyat ka sa tuktok tapos maghagis ka lang ng 3 bato. Oo, 3 bato. Parang wishing well lang, tapos saka ka hihiling ng 3. Madami na daw ang mga natupad na kahilingan, sabi ng tour guide, sila din yung madalas na bumabalik lalo na daw yung mga estudyanteng nakapasa sa board! Yung sa mga di naman natupad, sila daw yung mga taong may nagawang mabigat na kasalanan sa kapuwa, kaya depende din daw kung mabuti ka o masama.

Syempre, di ko na pinalagpas para di naman sayang yung pinunta namin dito. Madami kasi akong tanong pero ayoko naman maka apekto sa kung anong mayroon ako ngayon.. Madaming puno na may bunga ng mga prutas habang papaakyat ka, medyo mahirap din dahil kaunting pagkakamali lang, pwede ka mahulog. Kaya bumili na ako ng gloves for safety..

"Sir, eto po tubig." Nagllunch na kami at katatapos lang ng feeding program. Every month daw nadito si Sir.

"Thank you, Denise"

"Okay, guys! Pa check nalang ng mga gamit natin tas sa loob baka may maiwan tayo"

Nagligpit na kami matapos kumain, nagpapaalam nalang kami sa mga bata. Isa isa ko silang tiningnan habang sila nakangiting nakatingin sa amin. Sa mga mata nila makikita mo ang kanilang kasiyahan.. di ko alam pero parang may humaplos puso ko. Ang mga bata—

"Denise, are you okay? Nadun na silang lahat"

"Ay sorry po Sir, papunta na po"

25 minutes palang kami bumibiyahe nang marinig ko yung 2 putok ng baril

Bang bang!!

Nawala ang antok ko sa katawan, napatingin ako kay Sir na nasa likod ng sasakyan. Halatang nagising din siya sa narinig.

"Mark, tumawag na ba sa iyo yung mga nauna sa atin?" Tanong ni Sir Marcus kay Mark na driver namin. Tatlo lang kami sa sasakyan, dalawa kami ni Mark na nasa unahan samantalang si Sir ay nasa likod lang.

"Sir, wala pa po."

Bang bang!!

Nadaplisan ang sinasakyan namin, nakatingin lang ako kay Sir kasi di ko alam kung ano ang gagawin—

"Denise, call them please."

"Yes Si—"

The fuck?! Muntik na ang ulo ko tumama sa dashboard nang biglang nagpreno si Mark!

"Si-sir" mahinang tawag ni Mark

Pagtaas ko ng ulo ko, may mga naka tutok na sa aming baril sa harap.

Seryoso? Makakaranas kami ng ganito?

"Calm down Mark, Denise. Wala naman tayong malaking perang dala kaya wala silang makukuha. Just stay calm" sabi ni Sir,

Anong stay calm??! 5 tao ang may hawak ng baril tapos 3 lang kami, stay calm???

Di ako makapaniwala sa payo ni Sir na stay calm!! How can we stay calm?!

Tahimik na ako nagdadasal, di ko alam kung maiiyak ba ako dahil halo halo na yung nararamdaman ko. Nagpapanic na ako at sumasakit na naman ang ulo ko..

Pilit na nilang binubuksan ang pinto hangang sa sinabihan na ni Sir na buksan na bago pa nila paputukan.

Grabe. Anong teleserye naman kaya etong nangyayari sa amin..

"Itaas niyo ang inyong mga kamay! Walang kikilos kundi papuputukin ko yang mga kamay niyo"

Nakakunot noo kong tinaas ang aking mga kamay habang hinahanap ko kung sino sa kanila yung nagsasalita. Narinig ko na ang boses niya nuon, tinagilid ko ang aking mukha habang inaalala kung saan pero di ko matandaan..

Tinatalian nila ang aming mga kamay at pagkatapos ay piniringan—

Pero bago pa niya ako mapiringan ay tinuhod ko ang kaniyang alaga, masakit ba? Tama lang yan, kita ko kung gaano niyang hindi inaasahan ang pagtira kong iyon

Nagulat ang mga kasama niya kaya dali dali kong kinalas ang pagkakatali sa aking kamay. Ewan ko pero instinct ko lang kung papaano ko nakalas gayong alam kong mahigpit naman

Naibagsak nung lalaki ang baril niya kaya dinampot ko yun pero di pa ako nakakaputok ay dali dali na silang 4 na umalis habang hila hila nila yung isang natuhod ko

Tangina, ano yun? Mangingidnap pero walang balls, nakatingin ako sa baril na hawak ko pero nang marealize kong baril yun, binagsak ko yun dahil yung fingerprints ko! Di ko alam gagawin ko at nung tumingin ako sa likod ko ay kinalas ko na yung pagkakatali nung dalawang kasama ko

"Sir yung baril" nag aalala ako kasi grabe ayoko naman makulong dahil andun fingerprints ko, pano kung illegal ang pagkakapurchase dun

Gulong gulo na utak ko

"Denise!! Are you okay?? Nasaan sila?" tanong ni Sir Marcus

"Tumakbo Sir eh nung dinampot ko baril nung kasama, pano sir fingerprints ko??"

Nakatitig lang sa akin si Sir at di nakatakas sa akin ang pag angat ng labi niya, he smirked pero sandali lang yun.

Umiling siya at napapikit tas tumingin sa akin. Tumayo na siya sa pagkakaupo at kinuha niya ang baril sa lupa

"Get in, Denise. Don't tell it to anyone about this, okay? I'll be calling someone to investigate this. Baka balikan ulit tayo"

Huminga ako ng malalim, "okay Sir"

"Good"

Hindi ko mapigilang hindi mag isip sa biyahe

"Thank you Denise for saving us.." tumingin ako sa mirror para ngitian si Sir

"No worries, Sir.." madalas ba itong mangyari sa kaniya? Tumingin ako kay Mark pero parang normal na ulit siya. Ano? Ganun nalang yun? Kakalimutan na may mga nagtangka sa buhay namin?

"How did you do it? Do you have knowledge for self-defense?" tanong ni Sir, tinitingnan niya ang aking mukha at pinag aaralan

"I really don't know Sir" i exhaled again, pagkatapos nun di na nagtanong si Sir.

Pinipilit kong isum up lahat ng nangyayare pero wala akong makuhang pattern. Sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko na bumisita sa clinic

Nakasandal lang ako sa bintana at hinihila na ako ng antok, medyo traffic kaya aabutin na kami ng dilim

__________________________

"Nakita na namin kung sino yung kinauutangan ng mga magulang mo"

"Okay. Meet me kung san tayo huling nagusap"

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now