Ten

16 0 0
                                    

"Oh tapos?" balik tanong ni Sara sa akin pagkatapos ko ikuwento yung nangyare kahapon.

Hinawakan ko ang nuo ni Sara, wala naman siyang lagnat. Okay lang ba yung comprehension, logic and ano pa bang skill? Bakit di niya magets kung ano yung mali sa nangyari kahapon?

"Wala ka namang lagnat! Bakit di ka manlang magkunwareng nabigla ka atsaka asan na ba si Mary??" patuloy pa din siya sa pagpphone at nag peace sign sa akin habang sa phone niya pa din siya naka tingin.

Hinahanap ko yung isa kong kaibigan na natanaw naming nasa men's section sa mga brief. Nagmadali na ako at hinigit ko si Sara sa braso sa nakita ko

"Ano ba sis! Dahan-dahan naman Ohhhh— Mary ... pahawak nga din kung legit" hahawakan na sana ni Sara yung abs nung lalaki ng bigla kong tinampal ang kamay

"Ano ba yan Mary! Bigla bigla ka nalang nawala tas makikita ka namin dito? At pahimas himas ka pa dun sa abs nung sales man!" pinandilatan ko siyang pinagsabihan habang yung lalaki naman ay naka ngisi na nagpaalam kay Mary

"Di siya salesman dito! Tinutulungan nga niya ako eh" naka pout na sagot ni Mary

"Ahhh, kita namin Mary. Nakaraos ka ba agad sis?" tanong ni Sara

"Tara na, pinagtitinginan tayoo. Kilala mo ba yun ha?" hinawakan ko nang mahigpit ang dalawa kong kaibigan sa magkabi kabilang gilid.

Nasa MOA kasi kami ngayon. Nagyaya sila na mamasyal naman saglit. Pumayag na ako kasi nag eexpect pa naman akong makakapag open sa kanila sa mga nangyayari sa buhay ko. Mauuwi lang pala sa pananaway sa kanila.

"Den, crush mo ba si Shawn?" sobrang late na tanong ni Sara habang nagpphone pa din siya sa gilid ko

"Sanay lang ako na close kami, ewan ko. Crush na ba yun? Para kasing kilala ko yung mga mata niya kapag tinitingnan niya ako. Mag ex ba kami?" mahaba kong litaniya kahit alam kong malabo ata na may past kami. Nagtitingin kami ngayon ng menu.

Late na kasi kami pumunta dito para dito na mag lunch dahil kailangan ko na din umuwi mamaya dahil ngayon yung meeting ni Sir with Sir Daniel.

"Kung sa exam, 2 pts ang sagot mo Den dahil hindi mo nasagot yung tanong. Yung points para sa consideration sa laway at oxygen mo kaya may pts ka pa. Oo o Hindi lang pero ginawa mong essay." pag irap ni Sara sa akin

Napangibit naman ako dun haha. Eh kasi di ko alam.

"Hep. Ako nalang. May nangyari na ba sa in—" bago pa tapusin ni Mary ay binatukan ko na siya. Eto talagang babaeng ito. Mary ang pangalan pero kung gaano kabanal sa pangalan ay siya namang kabaligtaran ng inugali

"Mary. Ikaw ha! Masyado kang expose sa mga ganyan! May jowa ka na ba?"

"Hoy Den! Baka sa isang araw malaman kong may anak ka na pala! Ano ba nakakahiya kung may sex—-" tinakluban ko ang bibig niya dahil nakatingin yung mga katabi naming customer din

Dumating din ang order namin dahil pagkain lang talaga makakapagpatahimik dito. Minsan di mo nalang talaga tatanungin dahil kahit iba ang usapan ay mapapansin mong papunta dun ang magiging sagot niya

"Sarap ng shrimp dito ano? Lalo na yung shrimp heads" sabi ko sa dalawa.

"Masarap nga ang he—" sinamaan ko ng tingin si Mary kaya humagikgik nalang siya dahil alam niyang mapipikon na ako

"Tara muna sa book store bago umuwi" yaya ni Sara

Pagpasok namin sa loob dumiretso ako sa mga notebook. Nasa kabila lang naman yung dalawa. Ewan ko kung anong book ang tinitingnan ni Mary, knowing her. Nung lilipat naman ako sa kabila ay biglang may ulong sumulpot sa gilid ko. Sa gulat ko ay napalingon ako

"Sir!"

Ang taas kasi ni Sir kaya nakatingala ako sa kaniya

"So it's you. Akala ko kamukha mo lang.." sabi ni Sir na di pa din siya umaalis sa pwesto niya

Napansin niya sigurong awkward na kaya lumayo siya ng kaunti sa akin

"Are you okay??"

"Ginulat niyo kasi ako. Bakit po kayo nadito?"

"Di ko alam na bawal na pala ako dito?"

"Hindi po, I mean ano po ginagawa niyo dito? May kasama po kayo?"

"May binili lang ako. Ikaw? Pauwi ka na ba? May meeting tayo mamaya. Sabay ka na pabatangas?"

"Hindi na po, kasama ko mga kaibigan ko. Thank you"

"Okay, sigee. Ingat Denise. By the way, you look great in your dress" puri niya bago umalis

Kita ko naman ang dalawa kong kaibigan na nakatingin na sa boss ko habang papunta sa akin

"Si Marcus ba yun?" tanong ni Mary

"Oo. Kilala niyo? Sayang di niyo naabutan. Boss ko. Nasa beach din siya dati nung nag outing tayo"

"Ahh boss lang? Eh bakit iba tingin sayo?"

"Huh? Paanong iba?" curious kong tanong

"Si Marcus! Tanda ko na. Schoolmate natin siya dati nung elem. Siya yung tinulungan mo sa Math!" Sabi ni Sara habang tahimik siya kanina ay nag iisip pala

"Schoolmate?? Wala nga ako matandaan. Buti nga kayo tanda ko pa"

"Okay, small world ano? Tinuturuan mo dati, boss mo na ngayon."

After nun, umuwi na din kami at hinatid ako sa bahay. May sasakyan naman si Sara. Natulog muna ako saka ako nag ayos ng sarili.

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now