Thirteen-Mabini

33 0 0
                                    

"Where are we?" Nasa loob lang kami pero pakinig pa din ang lagaslas ng tubig sa labas..

may mga ibon din at iba iba ang kanilang kulay

Nung papunta kami dito ay may mga paru-paro naman sa kabilang gilid.

Mapapansin na nature ambiance mismo ang gusto nilang ibigay sa mga bisita

Ang presko din dito dahil na rin siguro sa mga puno na humaharang sa araw

"It's still part of the hotel. May rooms din sila dito" Shawn answered while eating his breakfast.

He's in front of me. We are in the two seated table having our breakfast in this wonderful place.

"I already called your boss and he told me that you can have your day off so we can check your foot at the Hospital"

He continued while I am busy mesmerizing the interior and exterior design of the place.

"Do you like me?" Narinig ko yun at medyo naalog naman ng kaunti ang utak ko sa out of place niyang tanong.

Napaubo ako sa tanong niya. Yung do you like it ay naging me

"Excuse me?" kunot noo kong binalik ang atensyon ko na galing sa mga disenyo ay napunta na ngayon sa mukha niya

Tapos na pala siya kumain at naka relax na siyang naka upo sa harap ko.

Dinampot niya lang ang napkin at ipinahid sa kaniyang labi na sana ay labi ko nalang ang ginamit ay este

"I won't tell na masyado mo akong tinitingnan at tumutulo na yung laway mo nga—" at bago ko pa siya patapusin ay tinikom ko na ang bibig ko at pinakiramdaman ang mukha ko kung tumutulo nga, leche to

Sinimangutan ko nalang siya habang tinatapos ko ang aking breakfast.

"Denden" tawag niya para makuha ang atensyon ko

"Oh ano na naman? Ang hangin na ha, wag mo na dagdagan" pambabara ko, kaunti nalang at siya na ang makakasira ng mood ko ngayong umaga

"Baby" namamaos niyang sabi

Nagdadalawang isip ako kung lilingunin ko ba siya o hindi. I mean, we're best friends right?

Best friends don't kiss each other... they do not give you goosebumps or something sexual you know what I mean and damn I feel the opposite!!

If tinuloy niya yung kagabi, goodness! I might give in!! I feel like I want to grab him and own him but I can't...

Tumigil ako sa pagkain. Binaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko atsaka ako lumagok ng orange juice.

Umayos ako ng upo at tiningnan ko siya, it's like giving him a signal na I want a serious talk and I think he receive it correctly

"Let's talk. About.. us? No! I mean yes? Hindi ba magulo? Magbest friend tayo and I don't think it's appropriate na .. Shawn!! Are you even listening to me?" halos ihilamos ko na ang mga palad ko sa mukha ko

Nakatitig lang siya sa akin and specifically sa lips ko at nakaka ilang yon!

Naramdaman ko nalang na tumayo siya at dinampian niya ang aking labi at pagkatapos ay naupo na siya

"What the?! See? You kissed me and it's not normal.."

"But you allow it" singit niya

"So ako pa ang may kasalanan? Hindi ba ikaw itong basta nalang humahalik?"

"Because you want it"

Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin ng ayos kung sa ganitong kalagayan ang kausap mo.

Mababato mo nalang ng kung ano at kung ano lang din naman lumalabas sa bibig niya

"Shawn, mag ex ba tayo kaya ka ganyan kaconfident? Yun ba yung kasama sa di ko maalala?"

Humalakhak lang siya. Ano ba nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso ba siyang maglalaro kami ng guessing word? Ano ito? Tao?

Bagay? Ganun ba gusto niya? Napaka complicated niyang tao

"Mag ex? Come on Denise. You're better than that. I trust you.. You'll remember it."

"Why don't you just tell me??! Huh?? Ang hirap manghula. Alam mo naman ang sagot!"

"It's hard for me also. But I should do it this way baby.. You'll understand it soon. I need to help you. We need your memories back! So please? We'll talk about it when you remember na, okay?

We need answers.. and we miss you" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi sa bahay ko. Nagpacheck up na din kami at okay na naman daw ang paa ko.

Mabuti nalang at naagapan. Hindi ko pa din siya mailalakad at after 1 week ay babalik ulit ako for check up. At masasabi na nila kung kailan na ako pwede pumasok.

Sobrang hassle at masaya ako na nahihiya dahil naiintindihan naman daw ni Sir Marcus.

Nakapikit ako pero wala akong balak matulog. Pilit pa ding tumatakbo sa utak ko yung mga nangyari at yung mga sinabi ni Shawn

"Stop stressing yourself.. I just told you we need your memories back and you will not get it if you'll be stressed"

Sobrang ingay niyang lalaki na para bang nanay ko kahit di ko na maalala kung kailan ko huling nakarinig ng sermon

"Wow, yeah? Hindi nakakapressure ha? Daming arte. Ayaw pa sabihin nalang kasi"

Di na siya sumagot pero naramdaman ko na may palad na humahaplos sa binti ko. Nakapikit pa din kasi ako.

Ang init ng kamay niya, ramdam kong kamay palang busog na ako! Char..

"Aww!!" Kunware nasaktan ay tinampal ko nalang naman ng buong pwersa ang kamay niya pero walang epekto yun kung tutuusin

Minulat ko na ang mata ko at tinaasan ko siya ng kilay

"Aba't akala mo makaka puntos ka dahil lang may something sa atin nuon? Ni di ko nga maalala. Napaka hinhin mong gurang ka nung pumunta ka sa bahay tas ngayon may pahalik at haplos ka na nalalaman?!" Walang pigil kong sabi ko sa kaniya.

"Did you have sex with someone?" ano ba at kung saan saan niya nadadampot ang mga tanong niya

"Yes, OUCH!!! SHAWN DAHAN DAHAN NAMAN SA PAGPRENO!!" Nilakihan ko siya ng mata at di pa din natitinag ang gurang. Nagjjoke lang naman ako! Kakaumpisa ko nga lang makarecover!

Naisip ba niyang di ako makakapag sex while in coma?

Madilim na ang kaniyang mukha at seryoso siyang nakatingin sa akin at pinag aaralan ang aking mukha

"I'm joking! Laugh na ikaw" sinusundot sundot ko ang kaniyang pisngi

"Get your things. Sa akin ka matutulog."

"Ayoko! Di nga kita maalala bukod sa best friend kita tapos tutulog ako sayo? Malay ko ba at baka mamaya may manabunot na sa akin! May girlfriend ka diba?"

"Are you asking indirectly if may girlfriend ako?"

"Shut up"

"Then get your things and sleep with me"

"Sleep with you!? No!"

Huminto na kami sa harap ng bahay, hapon na kami nakadating dahil na rin sa pagdaan namin sa hospital.

Binuksan ni Shawn ang pinto at di ko na inantay na alalayan niya ako dahil tinapak ko na ang paa ko at pinilit kong —bwiseeet sobrang sakit

Naka abang na agad ang kaniyang mga braso para buhatin ako.

Nilapit niya lang ang kaniyang bibig sa tainga ko "I told you, you'll sleep with me" in a manly voice na para bang sure na sure siya na siya ang nanalo sa argumento

Napa ismid nalang ako at wala namang mag aalaga sa akin dito.

Kinamusta ko ang mga kaibigan ko kanina sa biyahe at mga busy ang mga luka and still di ko pa din macontact yung isa kong kaibigan..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now