Twelve

19 0 0
                                    

The doorbell rang and the hotel staff gave us the ice. Ito na siguro yung tinawag ni Sir Marcus kanina.

Si Shawn na yung naglagay sa paa ko, tahimik pa din kami at walang balak na may magsalita sa amin. I am confused but I do not have the balls to ask. We're bestfriends!!

Di ko lang talaga alam kung papaano sisimulan yung mga tanong kung ganong wala naman akong matandaan na may mga special na nangyare sa amin

"I know you are bothered" fb dahan dahan niya lang dinadampian ng yelo ang paa ko. Ang atensyon niya ay nanatiling naka focus lang sa paa ko...

"Huh?"

"Your face."

"Anong my face??!"

"Kumain ka na?" pag iignora sa tanong ko. Tapos na siya at kaunti nalang yung pamamaga

I try to stand habang may pinatong siya sa lamesa sa gilid ko but unluckily, dadapo na naman ako sa sahig

"The fuck!!" Di ko alam na ganito pala kasakit masprain. Nakapikit kong inaantay ang pagsalampak ko dahil sa sakit na naramdaman ko ngunit may mga bisig na agad na sumalo sa akin

"What are you thinking?!" Inis na tanong niya

"Akala ko kasi kaya ko na? Sprain lang naman, di naman ako napolio diba?" I joked pero kita kong di naman bumenta

Hirap naman pasayahin ng unggoy na ito

"Shawn!" Nagulat ako at binuhat na niya ako na pa bridal style, kumapit ako sa kaniyang leeg and I really really rolled my eyes sa mukha niya para kita naman niya

Binaba niya ako sa kama na para bang isa akong babasagin sa sobrang ingat niya. Magkalapit na ang mukha namin at yung lips niya

Yung lips niya, ang moist. Nagllip balm ba ito?

"Do you want me to kiss you?" nasa kama na pala ako at nakalingkis pa ang mga kamay ko sa leeg niya!

Dali dali kong inalis yun at tinaasan siya ng kilay

"Aba confident?"

He smirked..

Lumayo na siya sa akin na siya namang ikinadismaya ko

"I'll order food for us. Wait here. Don't even try to run huh?" natatawa niyang sabi

May halong pang iinsulto neto. Pano nga tatakbo ay pagtayo ko palang ay bagsak na agad.

Di na ako nagtaka kung bakit di na niya tinanong ang gusto kong kainin. He knows me well and I wish the same too.. hay

"Shawn! Di nga ako baldado! Akin na ng——"  sabay pasok ng kutsara sa bibig ko na may lamang kanin. Nasa bibig ko pa din yung kutsara at di ko nginunguya ang sinubo niya.

Tinitigan ko siya ng masama dahil sa ayaw niyang makinig na kaya ko naman humawak ng kutsara at tinidor ay nagiinarteng susubuan daw ako!

"Ngunguyain mo yan o daliri ko ang ipapalit ko diyan sa kutsara!"

Pakiramdam ko naman ay uminit ang mukha ko sa kalaswaan na sinabi niya.

"Aba at kailan ka pa natutong gumanyan sa akin!? Asawa ba kita ha??!"

Tumigil siya sa paglalagay ng kanin at ulam sa kutsara at saka niya tinaas ang mukha niya para silipin ang mukha kong naiinis at ayaw niya tumigil sa pagsubo

"Ikaw ang —" naputol na ang sasabihin niya dahil may biglang tumawag sa phone niya

Bago pa niya nasagot ay nakatitig ako sa screen na sana ay di ko nalang ginawa.. kung may girlfriend ito ay bakit di niya naikkwento sa akin?

"Oh bakit nawala?" bigla kong tanong ng di na nagring yung phone niya bago niya maaccept yung tawag o baka naman sadyang ayaw niya lang sagutin dahil nadito ako?

"Baka napindot lang. Anyway.." napahinto naman siyang tumingin sa akin nang nakita niya akong sunod sunod ang subo ko sa bibig. Ewan ko ba at nakaka irita na ayaw niya magkwento sa akin

"Wala ka bang sasabihin sa akin?"

"Wala naman, bakit?" Di na ako sumagot sa sobrang inis. Bestfriend ko ba ito? Napairap ako habang inuubos ko yung pagkain ko.

Paglingon ko sa kaniya ay ubos na din yung pagkain niya. Lalaki nga talaga.

"Shawn" kumunot ang noo ko at di pa niya pinapansin ang tawag ko. Patuloy pa din ito sa pagtipa sa kaniyang cellphone

Nasa kama ako habang siya ay nasa couch. Secretary ako at may trabaho dapat sa oras na ito ngunit nagmistulang guest ako. Di ko tuloy alam kung ako ba yung boss at ako pa ang parelax relax..

Nang matapos kong igala ang mga mata ko sa kwarto ay saka ko na namang naalala ang sampid na kasama ko

"OH BAKIT??" binato ko siya ng unan at saka pa niya ako napansin, malamang. Kung di pa sana ay may vase naman dito sa malapit sa hinihigaan ko e.

"Samahan mo ako sa CR!! Magtotooth—"

Napasimangot ako ng bigla nalang siya naglakad papunta sa akin at binuhat ako kagaya ng kanina. Pwede naman niya ako alalayan nalang sa paglalakad pero di na ako nagreklamo

Sabay na kaming nagtoothbrush na siya namang kasama na ibinibigay ng hotel sa mga guest..

Nauna siyang natapos kaya naman inantay pa niya ako. Dalawang beses kasi ako magtoothbrush. Tapos na ako pero napatitig ako sa salamin at biglang nagising ang diwa ko ng nararamdaman ko ang hininga ni Shawn sa bandang tainga pababa sa aking leeg

"Ang lalim ng iniisip mo"

Ikinagulat ko ang naging reaksyon ko na para bang di na ito bago, na siya namang ikinapikit ng mata ko.. bakit ako napapikit!! Hoy! Ayusin mo nga sarili mo

I saw his smile na para bang nagtagumpay siya ng sandaling yun ngunit saglit lang yun at di nagtagal

"Your body can remember me huh?" tanong niya na di ko alam kung paano ko sasagutin dahil bago ko pa siya tanungin ay dahan dahan siyang lumapit sa leeg ko

He planted a soft kiss on my skin.. napahawak ako sa sink dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse sa ginagawa niya lalo pa at di ko maitapak ng husto sa sahig ang isa kong paa

"What are you doing ... shawn hmmm"

He stop kissing my shoulder and then he look at me in the mirror while I exhaled

I opened my eyes only to see his eyes burning like a fire, it's different... it's one of the fire you wanted to play with. It's not something you normally feel with your best friend

"Do not do it again Denise. Your moan makes me hot but not when I see you with another man"

Ano ba ang sina—

"Hoy! Anong with another man!!" Bago ko pa siya lingunin ay binuhat na niya ako para dalhin sa kama

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now