Eleven

16 0 0
                                    

"Ahhhhhhhh..."

"Sirrr! Ahhhh ang sakit!"

"Don't move. Look at me, stay still"

"Mhmmmm, I caaan't ... damn it hurts"

Nakapikit kong sabi habang si Sir ay nasa baba ko.. pakiramdam ko ang dugo ko na umaakyat sa mukha ko

Nang biglang pagmulat ko ay

"WHAT THE FUCK! MARCUS?!" Kunot noong tanong ni Shawn

Bakit nadito siya sa hotel?? Papaanong nalaman niya??

"Shawn!" tawag ko nang di pa niya ako binabalingan ng tingin

Madilim ang titig niya kay Marcus habang bumaba ang tingin niya sa baba ko, hawak-hawak ni Sir ang aking paa na siya namang hinihilot niya dahil sa nangyare sa akin sa hagdan.

Iniisip ko yung sinabi ni Sara. Sinabi ko kasi yung problem solving ba matatawag yun na binigay sa akin ni Sir..

"Den, magaling ka naman sa Math nun kahit di ka nakapag college. In Math, leading zero and zero right after the digit, alam mo yun. Alam mo kung sino may value sa dalawa. Ang tanong, sino ba yung tinutukoy niya na 2 zero?"

Hindi ko alam na dahil masyado akong busy kakaisip ay napamali ako ng tapak sa hagdan na siyang kinadulas ko.

"Shawn" plain na bungad ni Marcus habang dahan dahan niyang binababa ang aking paa

Tumalikod si Sir at nakaharap na kay Shawn. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa loob

Nakatingin si Shawn kay Sir na para bang nag aantay ng paliwanag ngunit kita ko sa gilid ng mukha ni Sir Marcus ang pag ngisi niya kay Shawn

"Scared?"

Nakakuyom na ang kamao ni Shawn, di ko naiintindihan kung bakit mainit ang ulo neto

"Don't worry, nagkamali lang siya ng tapak sa hagdan. Nagpatawag na ako sa baba at mamaya ay iaakyat na yung ice"

Tinapik tapik nalang ni Sir ang balikat ni Shawn habang si Shawn ay nakapikit na at nakatungo sa lupa, nakapamaywang na para bang kinakalma niya ang kaniyang sarili

"Sir yung meeting niyo po.." paalala ko. Di ko alam kung pano ako makakatayo dahil may meeting pa kami mamaya

Napamura nalang ako sa sarili sa sobrang clumsy ko!

"Nah, it's okay. I can handle it.. and Denise??"

"Yes, Sir?"

"Moan again next time" sabay kindat sa akin o kay Shawn? Na ngayong nakaharap na kay Sir Marcus at hahakbang na palapit sa pinto

"Seriously??" Shawn shouted, tumawa lang si Sir sabay alis bago maabutan ni Shawn

Kaming dalawa nalang ngayon ang natitira sa kwarto.

"Shawn! Kanina pa kita tinatawag! Ano ginagawa mo dito? Bakit ka nadito??" tanong ko sa kaniya kasi wala na naman siyang nababanggit sa akin well sabagay, di naman lahat kailangan niya sabihin

"I'm with Daniel. Are you okay?" Shawn asked. He looks worried now unlike a while ago na para bang wala siyang nakikita kundi si Sir Marcus

Lumapit siya sa akin at nakaluhod sa harap ko habang chinecheck yung ankle ko

He sighed deeply..

"Thank God" he mutters.. pabulong lang yun pero umabot sa tainga ko

He looked at me.. ang lalim ng mga mata niya.. na para bang ang dami niya gustong sabihin sa akin. Kita ko ang paglunok niya bago niya sabihing

"I'm running out of patience, Denden.. we need you"

This time, I knew that those words were meant for me to be heard..

Bring Me Home (Batangas)Where stories live. Discover now