07

161 4 0
                                    

Dear Diary,

Hi diary! i miss you. Sa wakas nasulatan na rin ulit kita. It's been 2 days simula nang magpunta ako sa sokor. At 2 days na rin kitang hindi nasusulatan. Ang ganda sa South Korea, diary. Para lang siyang Japan pero magka-iba pa rin sila. Ewan, basta diary sobrang ganda don. Ang ganda rin ng klima nila. Ang lamig kasi.

Nabili ko na rin yung mga 'pasalubong' ko don sa tatlong ungas na nagtampo. Tuwang tuwa nga sila, kay Harriet yung album ng RV, tapos album rin ng TWICE kay Renji, Sandamakmak na souvenir nalang yung para kay Sean kasi nuong tinanong ko sya bahala nalang daw ako. Wala naman akong mapili sakanya. Pano mukhang nasa kanya na lahat. I mean hindi naman lahat pero karamihan nasa kanya na. Mukhang ewan no? ang yaman yaman tapos nanghingi pa ng pasalubong sakin kahit anytime pwede naman syang pumunta ng korea. Pero sabi nya sakin "iba pa rin kasi yung pasalubong na galing sa kaibigan kaysa sariling pera o sa magulang." Pero muntikan ko na pala makalimutan kuripot nga pala sya kahit mayaman sya.

So ayon nga diary, habang nasa korea ako may nakita akong app sa appstore. Napukaw kasi ng atensyon ko kaya ininstall ko at tinry. Ang interesting kasi ng pangalan nung app, "Online Diary." Alam mo naman ako diary mahilig ako magsulat ng tungkol sa nangyayari sa araw ko para kahit na lumipas ang taon at makalimutan ko yung ibang memories ko sa pagtanda, may mababasa pa rin ako. Iniisip ko pa lang sobrang cringe na kapag binasa ko to sa future.

Dear Attorney,Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ