60

75 5 0
                                    

Dear Diary,

Hi diary! I'm sad and confused at the same time right now. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na 'to. Ni hindi ko nga ito pinaghandaan noon.

Bumalik na yung taong sinaktan ako ng sobra, diary. And he's begging me to talk to him para maexplain niya daw ang side niya.

Ayoko nito, diary. Natatanga ako. Parang bumabalik ako sa umpisa kung saan hinang hina ako at hindi alam kung saan maguumpisa nanaman, hindi alam kung anong gagawin dahil litong lito at gulong gulo ang utak ko.

Iniisip ko ngayon kung hindi sana ibinigay ni Renji yung number ko edi sana nakakatulog pa rin ako ng mahimbing ngayon. Hindi ko mawari kung ano ba ang tama, diary.

Tama ba na kausapin ko siya at itanong sakanya lahat ng tanong na tumatakbo sa isipan ko o takasan ko nalang ulit ito.

Siguro diary kailangan ko munang makapag-isip isip, gusto ko munang mag-leave sa trabaho kahit 3 days lang.

Good night diary, susubukan kong matulog dahil may flight pa ako pauwing manila bukas.

Dear Attorney,Where stories live. Discover now