17

115 5 0
                                    

Dear Diary,

Sorry diary, wag ka sana magtampo sakin kung mas nauna akong magrant dun sa online diary kaysa sayo ha? wala kasi akong nahanap na ballpen at inis na inis ako kahapon.

Meron kasing isang pasahero na tingin ng tingin sa legs ko, grabe naka stockings na nga kami at 2 inches above the knee na yung palda namin pero di pa rin sya nagpapa-awat, hinihintay pa na yumuko ako para makita nya kung anong nasa ilalim ng palda ko. Diba nakakainis? Pero yung mas nakakainis pa ay yung kinuhanan nya ko ng litrato na walang permiso ko. Mabuti nalang napansin yun ng kasamahan ko. Not to mention na salamat dun sa isang babaeng pasahero na napansin rin pala yung kakaibang tingin sakin nung matandang lalaki. Hinawakan nya rin pala yung braso ko, diary. Di ba alam mo naman yung hawak na walang intensyon at hawak ng may intensyon na masama o iba? Ay hindi mo pala alam yon diary kasi hindi ka naman tao hehehe.

Ang daming comments dun sa rant ko diary, nagshare din sila ng mga experience nila na katulad nung sakin. Karamihan din ang sinasabi mag-iingat daw ako palagi at ugaliin na magdala ng pepper spray. Huhu di naman pwede yon sa trabaho ko baka mabaligtad pa yung sitwasyon.

Nang dahil sa rant ko diary, may nag dm sakin. Sabi nya attorney daw sya. If ever daw na may mangyari sakin, handa nya daw ako tulungan atsaka ipaglaban. Grabe ha!! muntikan na kiligin diary kasi sya yung unang nag-chat sakin na hindi ginagawang omegle yung online diary pero parang pinag dadasal pa ata nya na mapahamak ako ha!!! pero okay lang yon, nag-sorry naman na siya kaya apology accaepted hehehe. Rupok ko no?

Dear Attorney,Where stories live. Discover now