10

136 5 0
                                    

Dear Diary,

So ayon nag sign in na ko sa "Online Diary" gusto ko talaga sya itry dahil curiosity is killing me. Kagaya nga sa description nung app at ang pangalan nito- "online diary" kasi nga bumungad agad sa akin dun yung mga rants ng random people. You can actually add them pero hindi naman ako ganon kafriendly dahil una bago pa lang ako sa site na to, pangalawa hindi mo kilala ang mga tao dito. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon no!

Binasa ko yung mga rants nila diary, karamihan ng nababasa ko about sa trabaho. Puro rant sa co-workers, clients at boss nila. Yung iba naman nakakatawang post. Kinukwento kasi nila kung anong nakakatawang nangyari sa araw nila. Marami rin ang nagcomment para ipahayag ang mga reaction nila. Yung iba walang comments kasi nga siguro naka turn off yung comments para na rin iwas judge o ano. Ewan sakanila.

Actually diary, para lang talaga syang twitter na may halong facebook. Masaya pala dito diary.

Pero wag ka mag alala, diary. Ikaw pa rin ang nambawan ko, hindi kita ipagpapalit kahit online to at madali lang dahil magttype ka lang. Goodnight na diary, maaga pa ko bukas.

Dear Attorney,Where stories live. Discover now