72

100 6 0
                                    


"Hi Riah!" pagkasagot ko sa tawag ni Elli ay bumungad sa'kin ang matinis nitong boses. Palagi nalang hyper sa tuwing kausap ko ito.

"Hello! Bakit ka napatawag?" Tanong ko dito. Tumawa siya na parang bata na kinikilig na ewan.

"P'wede mag-favor? hehehe" Napa-irap ako sa hangin kasabay nang pag-guhit ng ngiti sa aking labi. Sinasabi ko na nga ba't may kailangan 'to.

"Oh ano?" I asked.

"Balita ko kasi pauwi ka na mamayang gabi, p'wede pagka-uwing pagka-uwi mo dumiretso ka sa The Alpha Suits? Mag-ayos ka na rin pala, magsuot ka ng formal dress. Iyong maganda ha?" Napataas ako ng kilay kahit alam kong hindi niya ito nakikita. Anong meron?

"Ha? Ano meron? Bakit?" tanong ko rito.

"Basta sumunod ka nalang." aniya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon." I chuckled. Natawa ako sa sariling sinabi.

"Pag hindi ka pumunta ipagkakalat ko lahat ng sikreto mo sa kanila Rie. 7 pm ang uwi mo di ba? Mga 7:30 sana nandoon ka na. May kikitain ka lang naman na client. Alam mo naman na 'yong gagawin mo dahil minsan na kitang naging proxy." Tsk. Ito lang pala. Wala ng bago sa aming dalawa na ako palagi ang gagawin niyang proxy sa tuwing busy siya.

Lumipas ang mga oras at nakabalik na siyang Manila. Umuwi agad siya sa condo para mag ayos. Bigatin kasi minsan ang mga client ni Elli. Palibhasa kilala ang apilyedo nila sa business world.

Saktong 7:30 ay nakarating na siya sa sinasabing The Alpha Suits. Hotel ito at mayroong restaurant. Nabanggit ni Elli sa text na meron na daw naka-reserve na table para sa kanila nuong client.

May sumalubong sa kaniyang waiter at tinanong nito kung siya raw ba ang sinasabing si Mariah Selena. Iginaya siya nito papuntang rooftop dahil nandoon daw ang client na kikitain niya.

Pagkarating sa rooftop ay bumungad sa kaniya ang magarbo nitong disenyo. Mayroong lamesa sa gitna at dalawang upuan na para sa dalawang tao. Makulay rin ang paligid na nagmumula sa christmas lights na nakapalibot sa kanila.

May isang taong nakaupo sa isa sa mga upuan. Pamilyar ang taong 'yon. Pinuntahan ito ng waiter at binulungan. Siguro sinabihan ito na nariyan na si Mariah.

Tumayo ito at dahan dahang humarap sa direksyon niya. Nang tuluyan na siya nitong  masilayan ay gumuhit ang napaka-tamis na ngiti sa labi nito.

"Uh... Hi?" He's biting his lips because he can't find the exact words to say to her. She chuckled. 'Parang ewan, akala mo naman this is the first time na magd-date kami.' She thought to herself.

"Sorry kung kailangan pa mag-sinungaling sa'yo ni Elli. I texted her earlier para humingi ng favor sa kaniya. Sorry if i used her." She smiled. Natutuwa siyang nahihiya sa kaniya si Morgan, minsan lang daw kasi ito.

"Alam mo, para kang tanga. Ilang months mo na kong kinukulit ngayon ka pa mahihiya?" Aniya. Napa-simangot si Morgan dahil sa sinabi niya. Alam niyang pinagkakatuwaan siya nito dahil nahihiya ito sa kaniya ngayon.

"Panira ka talaga ng moment. Minsan lang ako maging ganito sa'yo kaya tini-take advantage mo naman. Hmp." He pouted.

"Ayan ka nanaman sa pagiging bibe mo. Minsan talaga naiisip ko kung pure human ka ba talaga o may breed na duck." Natawa siya sa sarili niyang sinabi. Sandaling napatitig si Morgan sa tumatawang si Mariah. Kinabisado niya ang mapungay at kulay brown na mga mata nito, matangos na ilong, mahabang pilik-mata, kulay rosas na labi. Napahinto si Riah nang mapansin niyang nakatitig sa kaniya ang binata.

"Gandang ganda ka talaga sa'kin." Ngiti nito.

"Tinititigan ko lang yung babaeng hihintayin ko sa altar 3 years from now." Aniya. Her cheeks became red. Umiwas siya nang tingin dahil siya naman ngayon ang nahiya.

"H-hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na 'ko." Basag niya sa sandaling katahimikan.

She heard him chuckled na lalong nagpa-pula sa pisngi niya. 'Swerte ko naman sa manliligaw ko, ang pogi na pati pa tawa.' Napa-ngiti siya sa naisip.

"Tsk. Oo na, kakain na tayo." Maya maya pa ay dumating na ang mga pagkain na pina-reserve ni Morgan. Agad na nilantakan ni Riah ang nakahain sa harap niya. Hindi na iniisip kung ano ang iisipin ng waitress na nasa sulok lang nila at nanonood.

"Kamusta ang flight mo kanina?" He asked.

"Same lang. Lahat naman ng flights ko pare-parehas lang. Ikaw? wala ka bang nire-review na case ngayon?" Totoo naman ang sinabi niya. Walang ibang nangyayari sa mga flights niya. Good thing na rin iyon para sa kaniya. Ang pinagkaiba lang ay iyong bansang pupuntahan niya.

"Good thing. wala pa naman." Binalot sila ng katahimikan hanggang sa matapos kumain ay wala pa rin nagsasalita sa kanilang dalawa. Tumayo si Morgan at kinuha ang isang gitara na hindi napansin kanina ni Riah.

"I got a heart and I got a soul
Believe me I will use them both
We made a start
Be it a false one, I know
Baby, I don't want to feel alone."

He start singing while strumming his guitar. He's singing while looking in my eyes. I can feel his emotion. Parang mayroong strings na nag-dudugtong sa aming dalawa para maramdaman ang emosyon ng isa't isa.

"So kiss me where I lay down
My hands press to your cheeks
A long way from the playground."

I remember that day. The day where he explained his side and i understand it. He still ask for forgiveness kahit sabi ko ay matagal ko na siyang napatawad.

"I have loved you since we were 18
Long before we both thought the same thing
To be loved, to be in love."

Tinototoo niya ang sinabi niya. Ginawa niya ang lahat just to win my heart back. Luckily he succeed. It's been 6 months when he courted me. Nung una tinataboy ko siya dahil sa takot na baka iwan niya ulit ako ng walang pasabi. Sabi ko ay tama na yung closure. Masaya na ako sa closure pero hindi siya pumayag. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na bumigay na ulit ako sa kaniya. Kaniya na ulit ang puso ko.

"All I can do is say that these arms were made for holding you
I wanna love like you made me feel
When we were 18."

I realized that he's been always my day one and my number one. He's the only one who made my heart skip a beat, the only one who made my cheeks red, the only one that i love the most.

"Will you be my girlfriend... again, Selena?" He stopped singing at ibinaba ang gitara sa lamesang katabi niya. Seryoso siyang naka-tingin sa mga mata ko. I smiled and nod.

"Oh my God, i love you, Sel. I love you so much." He looked at me with his teary eyes that's full of love and joy.

"I love you too, mí Morgan. I love you too." Niyakap niya ko nang sobrang higpit. Iyong takot na mawala ako sa tabi niya. Niyakap ko rin siya pabalik. Mahigpit. Kasing higpit ng yakap niya sa'kin. God knows how much i love this guy. Kahit na minsan ay pilosopo at paiba-iba ang mood niya, kahit minsan ay daig niya pa ang babaeng may mens. Mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit iniwan niya 'ko nang walang paalam 5 years ago, bumalik siya. At dahil marupok ako tinanggap ko ulit siya.

Dear Attorney,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon