34

86 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina pa 'ko di makatulog, diary. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Renji kanina. Naaalala mo pa ba yung nabanggit ko sayong si Zio? Yung ex ko sa college. Yung first boyfriend ko at first love ko kaso minulto ako. Sakto pa namang november yun. Hindi man lang nakipag-break ng maayos. Hindi man lang humingi ng closure. Syempre sobrang sakit non. Minahal ko yun e. Mahal na mahal ko yun. Halos 3 years akong di naka-move on sakanya. Hinanap ko siya, diary. Nagtanong tanong ako kung kani-kanino, pati sa mga kaibigan niya. Pero mabuti nalang at kaklase ko yung kababata niya. Dun ako minsan nagtatanong at mabuti nalang sinabi niya sakin na nasa pangasinan si Zio. Kaso hindi rin ata maganda na nagtatanong ako dun sa kababata niya. Ang sakit kasi nung nalaman ko pa sa ibang tao na may iba na siya. Pero mas masakit ata yung wala pang tatlong buwan may bago na siya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Renji kanina sakin. Parang bumalik kasi yung sakit na naramdaman ko 5 years ago. Sa loob rin kasi ng limang taon never ko na siya nakausap, hindi ko nga alam kung anong social media accounts niya, wala na akong alam sa nangyayari sakanya. Para siyang isang bula na bigla bigla nalang naglaho.

Pero sana nagkamali lang si Renji. Sana hindi si Zio yung taong sinasabi niya. Sana mali lang siya ng dinig. Ayoko na kasing makita si Zio. Nasasaktan lang ako.

Dear Attorney,Where stories live. Discover now