Chapter 3

29 4 10
                                    


[ KENJIRO ]

Habang naghuhugas ng mga plato, napansin kong lumabas na galing sa cr si Yesha. Nagsusuklay na ito ng basa nyang buhok at pinagmasdan ang suot nyang damit, akin nga pala 'yun. Nakasuot sya ng tshirt ko na hanggang hita nya at short.

Nginitian nya ako nang makita ako kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Nakita ko pang binuksan nya ang tv at naupo nalang sa sofa sa sala para manood.

Nang matapos naman akong maghugas ng plato ay naligo na rin ako para fresh tignan at mas gwapo sa paningin ni Yesha. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit natitiis ni Yesha ang tulad kong saksakan ng kagwapuhan.

--

Habang hawak-hawak ko ang twalya ko at pinapatuyo ang buhok ko, narinig ko na tinawag ako ni Yesha at tinanong kung tapos na akong maligo.

"Tapos na, bakit?" Lumapit ako sa kanya sa sala para malaman kung bakit nya ako tinawag. Nakatingin sya sa pinapanood nya sa tv at nang makalapit ako sa kanya ay lumingon sya sa akin.

Napakunot ang noo ko dahil kay Yesha, nakatulala lang ito sa akin na hindi ko naman maintindihan.

"Yesha," ilang ulit ko pang sinabi ang pangalan nya at winagayway ang kamay ko para tumigil na sya sa pagtulala. Namumula na naman 'yung mukha nya, ano bang mayroon?

Nang mapagtanto nya na nakatulala na sya ay agad syang nagiwas ng tingin sa akin, "B-bakit wala kang d-damit?" Nauutal nyang tanong.

Napatingin ako sa sarili ko at tumawa. Wala nga pala akong pang-itaas, naiinitan kasi ako ngayon. Napatingin ako ulit kay Yesha na nagiiwas ng tingin. Teka! Nagba-blush ba sya?

"Sus. Parang ilang beses mo naman na akong nakitang naka-topless, ngayon ka pa nahiya," pangaasar ko sa kanya kaya tumingin sya sa akin ng masama na ikinatuwa ko.

Mas okay sa akin ang nakikita si Yesha na napipikon dahil sa pangaasar ko sa kanya kaysa namang makita ko syang umiiyak nang pasikreto. Ang sakit na makita si Yesha na ganoon ang sitwasyon, sobrang sakit.

"Bakit mo ba ako tinawag?" Pagiiba ko ng topic para naman hindi na sya mailang pa.

Pero aaminin ko na ang saya ko kapag nakikita syang nahihiya dahil para syang kinikilig kapag nakikita nya ang abs ko. Kaya nga ako nagwo-work out para sa kanya, para dagdag pogi points, baka sakaling masagot nya na ako bago pa sya maging eighteen years old.

Binuhat ni Yesha 'yung teddy bear na iniregalo ko sa kanya saka sya ngumuso, "Si Lili kasi hindi na nagsasalita." Reklamo nya kaya natawa ako. Pinangalanan nya na 'yung teddy bear na binigay ko? Lili? Not bad.

Naupo ako sa tabi ni Yesha at pinagmasdan ang teddy bear na si Lili. Kakabili ko lang nito nung isang araw lang, bakit naman hindi ito gagana agad? Pinindot-pindot ko pa si Lili para masigurado kung nagana ito pero wala pa rin.

Bad trip naman!

Binuksan ko ang lalagyanan ng batterey sa likod ni Lili, inayos ko ang battery nito para tignan kung magsasalita at nang pindutin ko ulit ang teddy bear, lumawak ang ngiti ko nang gumana ito. Nakita ko rin ang pagngiti ni Yesha na parang gusto kong kuhanan ng litrato at tingnan palagi.

"Thanks," nakangiting sabi ni Yesha at kinuha si Lili saka nilaro-laro. Tumango lang ako at pinagmasdan sya, simple lang ang damit na suot ni Yesha ngayon pero ang ganda pa rin nya tignan.

Mayamaya, nilipat ni Yesha ang channel ng tv at tumambad dito ang romantic movie, napahinga naman ng malalim si Yesha sa hindi ko alam na dahilan.

"Napanood ko na 'to e, hindi sila nagkatuluyan ng bida." Sabi ni Yesha habang nakatingin sa tv.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero mabuti nalang ay nagsalita ulit sya, "Pero okay sa akin 'yun." Nakangiti nyang sabi.

Adik ba sya? Okay sa kanya na hindi magkakatuluyan ang dalawang bida sa palabas?

"Bakit naman? Deserve naman nila na magkaroon ng happy ending, mas maganda kung ganoon." Paliwanag ko habang nakatingin kay Yesha kaya natawa ito. Para siguro akong tanga na pinaglalaban ang opinyon dahil lang sa isang palabas.

Tumingin ng darecho si Yesha sa mga mata ko kaya natigilan ako, "Hindi naman kasi lahat ng tao ay may happy ending. Pinapakita ng movie na 'yan na may sari-sariling love story ang lahat at ang iba sa kanila, nagtatapos ang istorya sa hindi maganda."

"Sometimes, we fall in love with people we can't have." Dagdag pa nya.

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin pa rin ako kay Yesha at parang tumatak sa akin ang mga sinabi nya. Bakit? Bakit ang unfair? Bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang dalawang tao na nagmamahalan naman nung una?

"Hoy! Tulala ka dyan?" Natatawang sabi ni Yesha saka inilipat ulit ang channel ng tv.

Hindi ko maintindihan pero nagiba ang mood ko nang marinig ang mga sinabi ni Yesha. Parang may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko naman maintindihan.

Tumayo nalang ako para magpunta sa kusina at uminom ng tubig, nagbihis na din ako ng tshirt. Napatingin ulit ako kay Yesha mula sa malayo. Tumatawa sya sa palabas na pinapanood nya habang yakap si Lili.

Sabi nila, kapag nagmahal ka ay parang magigising ka sa katotohanan. Magiging komportable ka sa isang tao at magbabago ka dahil sa pag-ibig.  Gagawin mo kung ano ang makakaya mo para lang mapa-sayo ang minamahal mo. Siguro nga ganoon ako, simula nang dumating sa buhay ko si Yesha, hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang gusto ko syang kasama palagi.

Sabi pa nila, wala pa kami sa tamang edad para magmahal at marami pa kaming makikilalang tao pero para sa akin, si Yesha na talaga ang mahal ko at mamahalin ko. Gusto kong mapatunayan sa kanila na naging tama ang desisyon ko na hintayin sya. Tama ang desisyon ko na manatili sa tabi nya. Nandito na sya e, ayoko nang pakawalan pa.

I was so young but my mind is mature enough to notice that I already love her.

Pero Yesha, matutulad ba tayo sa palabas na hindi nagkatuluyan ang dalawang bida sa huli? O magkakaroon tayo ng happy ending na sa tingin ko ay deserve naman natin?

In Another LifeWhere stories live. Discover now