Chapter 9

13 1 1
                                    


[ KENJIRO ]

Pinagmamasdan ko pa rin ang text ni Nash sa cellphone ko habang nandito na sa bus para puntahan sya at makausap, may importante daw kasi syang sasabihin sa akin.

Kung ano ano ang pinagusapan namin ni Papa at pinilit pa nya ako na kumain na ng hapunan sa bahay nila pero sabi ko ay may pupuntahan pa ako kaya pinayagan na nila akong makauwi at pinagbalot nalang ng pagkain para makain ko mamaya sa bahay.

Pero napangiti pa rin ako sa advices na sinabi ni Papa sa akin kanina nang mabanggit ko si Yesha na hindi nya pa nakikilala at nakikita.

"Dahil ba sa kanya kaya ka nagpunta pa rito?" Tanong ni Papa pagkatapos namin magyakapan na dalawa.

Tumango ako at ngumiti, "Opo. Gusto ka po sana nyang makilala pero may hindi po kasi magandang nangyari," nahihiya kong paliwanag.

Tumango-tango si Papa para iparating na naiintindihan nya ang paliwanag na sinabi ko. "Mahal mo ba sya?"

Saglit akong natigilan sa tinanong ni Papa bago sumagot, "Opo, papa, mahal ko po si Yesha." Pagamin ko saka sya tumawa.

"Binata ka na nga talaga, haha!" Pangaasar nya sa akin, "Edi habulin mo sya. Wala naman akong nakikitang rason para tumigil ka sa pagmamahal sa kanya. Sabi mo nga, hinihintay mong mag-eighteen sya para malaman ang sagot nya, kaya mo 'yan! Ipakita mo sa kanya na deserve mo ang matamis nyang 'oo'." Sabi ni Papa na halatang may kasama pa ring pangaasar.

Pagkatapos kong makipagusap kay Nash, pupuntahan ko si Yesha.

Lumabas na akong bus nang huminto ito sa isang bus stop, nadatnan ko na nakaupo doon si Nash at halatang may hinihintay. Sya ang nagsabi na doon nalang daw kami magkamita at magusap na dalawa.

"Pasensya na kahapon, Kenji," panimula nya.

Inobserbahan ko sya pero parang wala talaga akong nakikitang bakas na bakla sya. Hindi naman siguro magsisinungaling si Yesha sa akin, 'di ba?

Hindi na ako nagsalita dahil alam ko naman na may sasabihin pa sya sa akin, hindi ko nga lang alam kung ano ang importanteng bagay na gusto nyang sabihin sa akin at nagpunta pa talaga sya dito para lang makausap ako.

Yumuko sya, "Hindi kasi ako makatulog. Pakiramdam ko nagi-guilty ako na ewan. Kenjiro, bakla kasi talaga ako, ewan ko kung sinabi na ni Yesha sa'yo pero bakla ako."

Hindi pa rin ako nagsalita, alam ko na kasi ang bagay na 'yan at tanggap ko pa rin naman sya kahit na baka pa sya, hindi naman magbabago ang pakikitungo ko sa kanya dahil lang iba ang tinitibok ng puso nya.

Pero 'yun lang ba ang sasabihin nya?

"Sinabi na ni Yesha sa akin 'yan. Hwag kang magalala, hindi naman kita hinuhusgahan." Mahinahong sabi ko dahilan na mapangiti sya sa akin.

Sobrang saya talaga sa pakiramdam kapag may isang tao na kayang intindihin ka at tanggapin ka kahit sino ka pa. Ang saya lang na may taong handang manatili sa tabi mo kahit na alam nyang hindi ka perpektong tao. Masaya sa pakiramdam na kahit may kulang sa'yo, kaibigan pa rin ang turing nya sa'yo.

"'Yung kahapon, kaya kami nagkita ni Yesha ay dahil gusto nyang tulungan ko sya sa paghahanap ng regalo para sa birthday mo ngayon." Dagdag nya pa.

At 'yun ang bagay na hindi ko maaasahang malalaman ko. Hindi ko din inaasahan na makikipagkaibigan pa s Yesha kay Nash para lang sa regalo sa kaarawan ko ngayon.

Ang saya ko sa nalaman ko pero pakiramdam ko rin ay na-guilty ako na sinumbatan ko pa si Yesha without knowing the truth, para sa akin pala ang ginawa nya. Ang tanga ko para magselos at magalit sa kanya, wala naman pala akong alam. Ang tanga ko lang.

Hanggang ngayon ay nakikinig lang ako sa confessions ni Nash, kung ano pa ang mga bagay na hindi ko alam. Hindi ako nagsasalita, gusto ko lang maintindihan at pakinggan lahat ng katotohanan.

Pati ang pagkain nila sa isang restaurant, nilibre lang pala ni Yesha si Nash bilang pasasalamat sa pagsama nya rito.

"Thank you sa pagsabi lahat ng nito, Nash." Nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Sincere 'yun, walang halong kaplastikan. Maling mali na pinagdudahan ko sila ni Yesha at pinagselosan ko pa si Nash.

Tumayo si Nash kaya ganoon din ang ginawa ko, "Walang problema basta ikaw, bro!" Tumawa ito pagkatapos nyang sabihin 'yun, nag-bro fist kami tulad ng lagi naming ginagawa sa school.

Tinanong pa ni Nash kung ayos na daw ba kami ni Yesha pero sinabi ko ang totoo, na may hindi kami pagkakaunawaan na dalawa.

"Eh ano pang hinihintay mo? Pumunta ka na sa kanya!" Tinulak pa nya ako bilang pangaasar.

Nagpaalam na sya sa akin dahil may gagawin pa raw sya sa bahay kaya umalis na rin ako.

Pakiramdam ko lahat ng tao na nakausap ko ngayon ay ipinagtutulakan ako kay Yesha at sinasabing kunin ko sya. Napangiti ako sa pagiisip ko na 'yun.

Nang may mag-text sa akin. Binuksan ko 'yun at tumambad dito ang contact name ni tita, ang mama ni Yesha.

Muntik ko na ngang mabitawan ang cellphone ko sa mabasa. Naglayas daw si Yesha at hindi nila alam kung saan hahanapin kaya humihingi sila ng tulong sa akin, baka daw sakali alam ko kung nasaan sya at kung hindi naman ay sana daw tumulong ako sa paghahanap sa kanya.

Hindi muna ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko, pilit kong prinoproseso ang utak ko para maisip kung saan ba pwedeng pumunta si Yesha. Hanggang sa napagtanto ko nalang na naglalakad na ako papunta sa park kung saan kami unang nagkita.

Pagdating ko doon, nakita ko ang isang babae na nakatayo sa puntod ng namatay kong aso. Nakatayo sya doon habang walang reaksyon ang mukha habang naiyak, walang ibang tao dito kaya siguro dito nya napiling pumunta.

Tama nga sila. Silent tears holds the loudest pain.

Lumapit ako sa kanya pero mukhang wala syang pakialam na nandito ako, wala siguro sya sa mood na magalit sa akin ngayon dahil sa pagta-traydor ko sa kanya.

"I'm tired of living my life the way they want me to." Biglang sabi ni Yesha nang tumulo na ang luha na mukhang kanina nya pa pinipigilan.

Hindi ako nagsalita, mukhang kailangan nya lang ng makikinig sa kanya kaya kahit gusto kong patahanin at humingi ng tawad sa kanya, pinipigilan ko ang sarili ko.

Tumingin sya sa akin saka nya pinunasan ang luha nya, "Hindi mo alam na dadalhin nila ako sa ibang bansa, 'no? Gusto nila ihanap ako ng boyfriend doon, baka daw magbago ako." Nagulat naman ako sa kwinento nya.

Sira ba ulo ng mga magulang nya?

"Hindi nga," tawa ni Yesha nang makita nya ang reaksyon ko at halatang hindi ko alam ang tungkol doon.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso bago nagsalita, "Sadness doesn't last forever." Matipid na sabi ko.

"But neither does happiness. It's life." Agad nyang sabi sa akin at tumingin muli sa lupa kung saan nailibing ang aso ko.

Ilang minuto pa kaming natahimik sa kinatatayuan namin, tahimik lang kami at dinadama ang malamig na hangin na kanina pa napunta sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para matapos ang katahimikan namin kaya bahala na.

"Would you be my girl, Yesha?"

Napatingin sya sa akin nang marinig nya muli 'yun. Ilang beses ko na yatang naitanong sa kanya 'yun, ang huling beses ay noong kaarawan nya pa, ngayon naman ay kaarawan ko.

Tumawa lang sya at hindi sumagot. Alam ko na 'oo' ang sagot nya pero pinipilit nya lang na sabihin 'yun kapag nasa legal age na sya. Kaya ko pa naman. Kaya ko pang hintayin sya.

"Yesha, you're the best thing that came into my life. " Nakangiting sabi ko sa kanya.

In Another LifeWhere stories live. Discover now