Chapter 4

19 2 1
                                    


[ KENJIRO ]

"Happy birthday to you..." Pagkanta ko sa harapan ni Yesha habang maingat na hawak ang cake na nasa ref kanina. Dapat ito talaga ang kakainin namin kagabi pero mas gusto nya daw ng alak, hays.

Nginitian nya ako at hihipan na sana ang kandila nang inilayo ko 'yung cake sa kanya na ipinagtaka nya naman, "Mag-wish ka muna."

Nakita ko pa na nagisip sya kung ano ang hihilingin nya, late na ito pero mas okay naman na late kaysa hindi na nagawa ang ganitong bagay. Nakatingin lang ako sa kanya na nakapikit habang nakangiti na ikinatuwa ko. Ang ganda ni Yesha.

"Anong wish mo?" Tanong ko nang tapos nya nang hipan ang kandila sa cake.

Ngumiti sya ng nakakaloko bago sumagot, "Hiniling ko na sana hintayin mo ako kahit gaano pa katagal." Tumawa sya pagkatapos nyang sabihin 'yun kaya tumawa nalang din ako habang umiiling.

Alam ko naman kasi na hiniling nya na maging ayos na sila ng pamilya nya, gusto ko rin 'yun para sa kanya. Ang laki na ng problema ng pamilya nya kahit nung hindi pa kami magkakilalang dalawa. Gusto kong i-convince sila tito at tita na maging maayos na magulang kay Yesha pero hindi na siguro ako kailangan dumagdag sa problema nila at makisawsaw.

Habang naghahanda ng mga gamit si Yesha para makain na namin ang cake, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng short na suot ko. Pagkatapos kong basahin ang message na galing sa isang tao, agad akong nag-reply at binura 'yun para hindi makita ni Yesha kung sakaling hiramin nya ang cellphone ko.

"Malapit na rin ang birthday mo, next week na." Rinig kong sabi ni Yesha habang hinihiwa ang cake. Lumapit ako sa kanya at tipid na ngiti habang tumatango sa kanya.

Tumigil si Yesha sa ginagawa at seryosong tumingin sa akin, "Ipakilala mo naman ako kay tito." Nakangiting sabi nya, natigilan naman ako sa sinabi nya.

Dahil nga magkahiwalay kami ni Papa dahil may ibang pamilya na ito, hindi pa sya nakikilala ni Yesha. Nakikita nya lang sa mga pictures dito sa bahay pero kung para sa akin, ayoko pa. Hindi pa ako handang makita ang papa ko, hindi ko pa rin matanggap na pagkatapos mamatay ni mama ay nagkaroon agad sya ng bagong pamilya.

Halata din naman na sinabi ni Yesha ang bagay na 'yun para pumunta ako kay papa at patawarin na sya, para maging ayos na ako. Pasimple sigurong ginagawa ni Yesha 'yun.

Agad akong natigilan. Parehas pala kami ng sitwasyon ni Yesha, parehas naming sinasabihan ang isa't isa na patawarin na ang mga magulang namin at magsimula ulit ng mas magandang buhay pero parehas din kaming tumatanggi dahil hindi pa kami handa at natatakot pa kami na mas lumala lang ang lahat.

"Sa birthday mo, ipakilala mo ako kay tito." Nakatingin si Yesha nang darecho sa mga mata ko, seryosong seryoso talaga sya sa sinasabi nya.

Hindi ako nakapagsalita at inilagay nalang ang isang hiwa ng cake sa platito at ibinigay kay Yesha para iwasan ang pinaguusapan namin.

Bakit kaya ganito, 'no? Madalas tayong nanghihikayat ng mga kakilala natin na magpatawad ng mga tao at kalimutan ang masasamang nakaraan pero tayo mismo ay natatakot gawin 'yun. Takot ang iba sa atin na harapin ang katotohanan, katotohanan na hindi perpekto ang buhay ng lahat.

"Sa sunday pala, aalis ako," paalam ni Yesha, nakita nya na nagtaka ako kaya nagsalita ulit sya. "May kikitain lang ako, friend ko hehe."

Ngumiti lang ako at tumango, wala namang mawawala kung papayagan ko sya, wala rin naman akong karapatan na pagbawalan sya. Pero may bumabagabag sa akin na hindi ko naman alam kung ano, sa pagkakaalam ko kasi ay ako nalang ang kaibigan nya ngayon.

Nagpatuloy nalang kaming dalawa sa pagkain ng cake nang tahimik.

Nang matapos naman ay sinabi sa akin ni Yesha na sya nalang ang magligpit ng pinagkainan namin dahil wala rin naman syang ginagawa kaya pumayag ako, maglilinis din kasi ako ng kwarto ko.

Ilang beses nang nandito si Yesha sa maliit na bahay ko at magulo akong tao, alam nya 'yun pero nakakahiya pa rin kung hindi ko aayusin ang sarili at bahay ko kahit nandito si Yesha, baka ma-turn off sya sa akin.

Bago ako magsimula sa pagaayos ng kama ko ay napatingin ako sa teddy bear na pinangalanan ni Yesha na Lili. Napangiti ako at binuhat ko ito.

"Sana teddy bear nalang din ako para yakapin ako ni Yesha tuwing gabi," humagikgik ako pagkatapos kong sabihin 'yun, binatukan ko din ang sarili ko kasi para akong baliw dito na pati teddy bear kinakausap.

Parang alak kasi si Yesha, kapag palagi ko syang nakikita at nakakasama, ang lakas na ang tama.

Natawa naman ako sa sarili kong pagiisip, hindi ko na nga siguro alam kung anong nangyayari sa akin at baliw na baliw na ako kay Yesha. Ito na nga siguro ang sinasabi nilang pagmamahal, 'yung tipong kapag may nangyari sa kanya o may problema sya, to the rescue agad ako.

Ngayon ko lang nararanasan ang nararamdaman kong pagmamahal ngayon at hinihiling ko na si Yesha na ang una't huli kong mamahalin.

Napasilip ako kay Yesha sa kusina na tahimik na naghuhugas ng mga plato. Ang ganda nya talaga kahit saang anggulo pa sya tingnan, ganoon talaga siguro kapag patay na patay ka sa isang tao, 'no?

Sabi nila, kapag pinaghirapan mo ang isang bagay na gusto mong makamit ay paniguradong makukuha mo 'yun sa tamang panahon. Tulad ko at ni Yesha, siguro naman ay pinaghihirapan ko na sya ngayon at hinihintay nalang ang sagot nya sa akin kaya parang sigurado na ako na sya na nga. Sya lang.

Lahat ng paghihintay ay sulit, kung hindi mo minamadali ang isang bagay ay tiyak na makukuha mo 'yun kahit anong mangyari. Importante ang perfect timing, hindi masaya kapag nagmamadali.

Ngumiti ako, nai-imagine ko kasi madalas ang future namin ni Yesha. Nai-imagine ko na sya ang magiging girlfriend at asawa ko, gagawin ko ang makakaya ko para maging maganda ang resulta ng paghihintay ko. Sana nga magkatotoo ang lahat ng 'yun.. Sana.

In Another LifeWhere stories live. Discover now