Chapter 5

15 2 0
                                    


[ KENJIRO ]

Kinabukasan, ipinagpatuloy ko pa rin ang paglilinis ng bahay ko. Nagtungo ako sa sala at nakita ang photo album ko, tiningnan ko 'yun at napangiti sa huling litratong nakita ko. Ito 'yung bata palang ako at kasama ang aso ko.

9 years old palang ako nun, habang si Yesha ay 8 years old. Namatay ang aso ko nun kaya nilibing sya sa isang park na hindi naman na ginagamit dahil hindi na 'yun nalilinisan. Nagpaiwan ako nun para umiyak saglit, ang sakit para sa akin nun dahil kasama ko na 'yung aso ko simula nung sanggol palang ako. Gift sana 'yun ni papa kay mama nung pinagbuntis ako.

Habang naiyak ako ng sobra nun, biglang lumapit si Yesha at sinabing ang ingay ko daw. Nung nalaman nya kung bakit ako umiiyak, nag-sorry agad sya. Sabi nya sa akin nun, makakalimutan ko din daw ang sakit na 'yun dahil panigurado daw na may dadating na mas importante bilang kapalit sa namatay kong aso. Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Yesha ng araw na 'yun, pero ngayon na naalala ko ay napangiti ako.

Si Yesha ang pumalit sa aso ko, nung mga panahon na ang sakit ng pakiramdam ko dahil sa pagkamatay ng aso ko at wala na akong kalaro pero nagprisinta sya na maging kalaro ko para hindi na ako umiyak kahit paano.

Sinarado ko na ang photo album at inilagay ito kung saan ito nakalagay kanina nang makita ko si Yesha na naglakad palabas ng kwarto ko habang nakangiti sa akin. Nakasuot sya ng dress na kulay pula at may hawak na bag, may lakad nga pala sya ngayon.

"Samahan nalang kaya kita?" Pagprisinta ko para makasigurado na ligtas syang makakapunta sa pupuntahan nya.

Umiling naman sya kaya napatayo ako at lumapit kay Yesha, "Hatid nalang kita?" Wala akong kotse o kung anong pagmamayari na pwedeng sakyan namin pero kahit ganoon, gusto ko syang samahan sya.

Ngumiti lang sya sa akin at umiling ulit, "Okay na ako. Malapit lang naman pupuntahan ko at uuwi din naman ako agad, magpahinga ka nalang dyan pagkatapos mong tapusin 'yang ginagawa mo." Sabi nya sa akin kaya napanguso naman ako.

Okay lang naman maiwan ako dito sa bahay pero mas okay kung sasamahan ko sya. 'Yun nga lang ay  ayaw nya kaya wala na akong magagawa, respeto nalang sa desisyon nya. Alangan namang ipilit ko pa ang gusto kung ayaw nya talaga?

"Sige, ingat ka ha!" Sabi ko saka sya ngumiti at tumango habang naglalakad na paalis.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na mag-goodbye kiss sya sa akin kaso baka magalit. Nai-imagine ko tuloy sa future na kapag aalis ako ng bahay para magtrabaho ay hahalikan nya muna ako bago ako tuluyang makaalis.

Muntik ko nang masuntok ang sarili ko nang mapagtanto ang iniisip, masyado yata akong advance magisip. Pero sisiguraduhin ko na mangyayari 'yun, hindi man ngayon pero sa tamang oras at lugar.

Nang makaalis na si Yesha ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa kong paglilinis at nang matapos, naupo nalang ako sa sofa dito sa sala habang binabasa ang romance novel na binili ni Yesha para basahin nya kung sakaling hindi sya makatulog.

Mahilig sya sa mga ganito at nagtataka ako kung bakit kaya ito, gusto kong subukan kung ano ang mga nakasanayan at nakahiligan ni Yesha.

Napapaisip din ako kung bakit kadalasan sa mga babae ay hilig manood o magbasa ng mga love story, kung anong napapala nila doon at kung ano ang mga naiisip nila sa tuwing ginagawa nila 'yun. Dahil ba sa nakakakilig sa nangyayari sa mga bida? O may iba pang rason?

Habang nagbabasa ay may sumagi sa utak ko dahilan para maisara ko ang libro na hawak ko.

Para siguro akin, mahalaga ang point of view ng mga tauhan sa kwento. Sa love story, sa mga libro o kahit sa palabas. Doon naipapakita na lahat ng tao ay may kanya-kanyang buhay, pagiisip at paniniwala. Bawat tao ay may point of view kaya bago mo masabi na bida o kontrabida ang tauhan sa kwento, kailangan munang malaman mo ang pananaw nya.

Hindi man natin kayang basahin ang nasa isip ng mga tao sa paligid natin, kaya naman nating intindihin sila at bigyan sila ng advices dahil sa mga experiences ng mga bida sa kwento na napanood, narinig o nabasa natin. May hindi tayo kayang gawin pero masusulusyunan natin 'yun kung may sapat na kaalaman tayo.

Pero sa bawat libro, imahinasyon ang ginagamit ng mga gumagawa o sumusulat dito. Bawat happy ending din ay pinagisipan nila ng mabuti at inayos, pero bakit ang ibang manunulat ay ginagawang miserable at malungkog ang katapusan ng istorya imbes na masaya? Bakit ganoon ang imahinasyon nila? Bakit hindi pwedeng magkatuluyan ang dalawang bida sa istorya?

Ganoon ba talaga ng mapait na katotohanan sa mundo?

Nagpatugtog nalang ako ng kanta sa cellphone ko at isinalpak ang earphone ko para maiwasan ang pagiisip ng kung ano ano. Sa una ay nakakapagsayaw pa ako dahil masaya ang mga tugtog sa playlist ko pero nagbago ang mood ko dahil sa sumunod na kanta.

The One That Got Away ito ni Katy Perry, hindi ko matandaan kung bakit may ganitong klase akong kanta sa cellphone ko. Hindi naman ako naging broken hearted o naiwan ng girlfriend dahil si Yesha naman ang unang minahal ko at mamahalin.

Kahit ganoon ang kanta na nag-play ay hindi ko na 'yun nilipat dahil siguro tinamad ako-- dahil pinapakinggan kong mabuti ang mensahe sa kanta.

Naniniwala ako na sa bawat kanta ay binabase ang gumawa o nagsulat nito, dahil siguro sa mga nakikita nya o dahil sa mismong nangyari sa buhay nya. Basta ang alam ko ay bawat kanta ay may mensahe.

Ang pagkakaiba lang kasi sa kanta na ito, masaya ang beat pero ang lyrics mismo ang nakakalungkot. Kakaiba talaga.

Hindi ko na itinuloy ang kanta at itinigil agad ito, pumunta ako sa kusina dahil nauuhaw ako. Nang matapos naman akong uminom ng tubig ay nagtungo agad ako sa kwarto ko para matulog saglit dahil sabi nga ni Yesha ay magpahinga daw muna ako.

Pero nang makapasok ako sa kwarto ko ay nakita ko ang cellphone ni Yesha, naiwan nya yata kanina.

Nakabukas ito at nahagip ng mata ko ang pangalan ng kaibigan ko na si Nash. Alam kong bawal ang makialam pero hindi ko mapigilang magtaka kung bakit nagme-message sila Yesha at Nash sa isa't isa, sa pagkakaalam ko ay hindi naman sila close na dalawa.

Binasa ko ang palitan nila ng message hanggang sa nabasa ko ang huling message ni Nash, "Bb, I'm already here."

In Another LifeWhere stories live. Discover now