Chapter 3

173 41 6
                                    

Chapter 3

Kinabukasan, Monday. Gaya ng inaasahan ko, tinawanan ako ng tropa pagkakita nila sa band-aid ko sa ilong.

"Oo nga pala, tinamaan ka ng bola."

Sige, paalala mo pa, Gelo.

Lumipat 'yong tingin ko kay Brent. Nag-kibit-balikat siya. "Nakuwento ko sa kanila 'yong nangyare."

Halata nga.

Nasa library kami ngayon. Kakatapos lang ng lunch. Mag-aaral talaga dapat ako, pero sumunod silang tatlo. Ewan ko ba sa mga 'yan. Ang ending, 'di na 'ko nakapag-aral, nagkuwentuhan na lang.

Ingay kasi nila, e. 'Di ako maka-focus.

"Nakita mo ba 'yong bumato? Sobrang nanlabo paningin ko eh, 'di ko na nakilala."

"Bakit? Reresbakan mo?"

"Sira-ulo, hindi! Curious lang," sagot ko kay Gelo.

" 'Di ba si Alta nakatama sa 'yo?" si Brent.

"Alta? As in Altagracia Jane Braza?" Kumunot 'yong noo ko. Nalipat 'yong tingin kay Dale.

Teka.

Kaya pala pamilyar!

Siya na naman pala. Ba't ba lagi kaming nagtatagpo ng babaeng 'yon?

"Braza," pag-uulit ni Gelo. Parang may naalala sa apelyido. " 'Diba siya 'yong anak ni Dean Braza?"

"Oo, siya nga," si Brent.

'Nak ng tokwa, kilala pala nila si Alta? Ba't ako hindi?

"Kilala niyo siya sa personal?"

Sabay-sabay nila 'kong nilingon. Ayos ah, parang na-three chair turner ako sa The Voice.

"Nakalaro namin sa CS: GO isang beses ta's kinawawa si Gelo. Nakuwento na 'ata namin sa 'yo? Wala ka no'n eh. "

"Oo, lakas man-trashtalk, pre. Durog na durog dignidad ko." si Gelo.

Nagtawanan kami.

Sinubukan kong alalahanin kung kailan nila naikwento 'yon at kung bakit wala ako, pero 'di ko talaga maalala. Umuwi siguro akong Cavite no'n.

"Ano pala 'yong sinasabi mong anak siya ng dean?" Tanong ko.

"Dean ng accountancy dito si Sir Braza." sagot ni Dale. Bigla siyang tumawa. " 'Di halata noh?"

- -

Naglalakad ako papunta sa admin office. Napag-utusan kasi ako ng prof namin. Ewan ko ba 'do'n. Lagi na lang ako nauutusan. Pati sa recit, lagi ako 'yong tinatawag. Akala niya ba ako lang estudyante niya?

Napapansin ko 'yong mga sulyap ng ibang estudyante sa hallway. Napahawak ako sa ilong ko. Kinakapa 'yong band-aid.

Huminto ako sa tapat ng pinto, hahawakan ko na sana 'yong door knob nang biglang bumukas. Buti na lang mabilis akong gumilid at 'di ako natamaan!

"MISS BRAZA!"

Si Alta.

Nasa harap ko.

Nakayuko siya, natatakpakan nang konti ng mahaba niyang buhok 'yong mukha niya. Hindi siya nagsalita. Binangga niya lang 'yong balikat ko bago umalis. Hindi ko alam kung napansin niya ba 'ko o ano.

Sobrang kakaiba talaga ng babaeng 'to. 'Di ba siya natatakot sa lalaki?

Tsaka pansin ko lang, tuwing magkikita kami, palaging magulo.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now