Epilogue

113 13 12
                                    

Epilogue

Sa wakas dumating na rin 'yung araw na pinakahihintay ko. Ilang beses akong napalunok, pero nanunuyo pa rin 'yung lalamunan ko. Pinasadahan ko ng tingin iyong white na tuxedo na suot ko habang hinihintay ko 'yung pagdating ni Alta.

'Nak ng tokwa, hindi ako mapakali. Sa bawat segundong lumilipas ay lalong lumalakas at bumibilis 'yung tibok ng puso ko. Parang mapupugto 'yung hininga ko.

Ginala ko 'yung tingin ko sa mga nandito. Kakaunti lang 'yung mga tao, mga kamag-anak ko, mga magulang ko at kapatid ko, mga magulang ni Alta, at ilang mga kaibigan lang namin.

'Yun naman kasi ang gusto ni Alta. Beach wedding sa Coron, Palawan kasama ang mga taong malapit sa amin para maging intimate itong wedding.

Um-oo agad ako sa gusto niya. Siya ang masusunod.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin siya. At nagsimula na ang ceremonya.

Umawang iyong labi ko nang makita siya. Biglang lumabo ang paligid at siya lang ang nakikita ko.

Pakiramdam ko ay parang hinahatak iyong puso ko. Nanlalamig iyong mga kamay ko.

Alam ko na maganda si Alta, pero ngayong, habang suot 'yung puting wedding dress at lumalakad siya papalapit sa akin ay iba 'yung ganda niya. Para siyang nag-g-glow sa mga mata ko.

Habang papalapit siya ay napansin kong umiiyak siya at bahagyang umaalog 'yung balikat niya. Kinagat ko 'yung pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.

"Salamat po," sabi ko 'kila Sir Braza nang tuluyan silang makalapit sa akin.

Tumango siya sa akin. "Take good care of my daughter."

Hindi nagtagal ay dumating na ang pinakahihintay ko... ang pagbibigayan ng wedding vows.

Tumikhim muna ako bago tuluyang magsalita, nakatuon 'yung buong atensyon ko kay Alta na para bang siya lang ang tao rito ngayon.

"Akala ko dati masaya na 'ko sa buhay ko," panimula ko. "Ang cheesy pero... no'ng dumating ka, alam mo 'yun, para kang oil pastel, you colored my life so vibrantly."

"Ang cheesy nga pre, nagdudugo tainga ko!" sigaw ni Adriel.

"Ah! Aray! Ang daming langgam, kinagat ako!" sabi naman ni Isaac.

Nagtawanan 'yung mga tao. 'Nak ng tokwa talaga ng dalawang 'to, mga sira ulo.

"I promise that through your highs and lows, I'll remain by your side." Napahinto ako. Ilang beses akong lumunok para pigilan iyong pag-iyak ko pero sunod-sunod na kumawala iyong mga luha sa aking mga mata.

Tinitigan ko si Alta direkta sa mga mata.

Ano bang nagawa ko at nagkaro'n ako ng ikaw?

"Always remember, I love all sides of you. At sisikapin kong maging pinakamagandang bersiyon ng sarili ko dahil 'yon ang deserve mo, you deserve nothing but the best in life. Lahat ng mga nakuha kong tagumpay sa buhay ay dahil sa 'yo, my success is yours and your success is mine.
Alta..." pagtawag ko sa kaniya sa malambing na boses. "Love is where you are, and i want to be with the love you bring."

Pagtapos ko ay sumunod naman si Alta sa pagbibigay ng wedding vow.

"Alam mo noong una kitang nakilala, Kael, hindi ko aakalaing magiging ganito kalaki 'yung papel mo sa buhay ko. Lagi mong alam 'yung mga tamang salita na sasabihin sa akin tuwing kinakailangan ko. Napaka-understanding mo." Tumigil siya sandali para punasan 'yung mga luha niya pero patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"Salamat sa pagiging patient mo. Salamat kasi hindi mo ako sinukuan..." Napahinto siya, pansin ko 'yung panginginig ng mga kamay niya habang hawak-hawak 'yung pinagsulatan niya ng wedding vow.

"Kaya simula ngayon, Kael, hindi mo na ako kailanman kailangang ihatid pauwi dahil ikaw na 'yung uuwian ko. Pangako ko na sa mga darating pang kabanata sa ating buhay ay kaagapay mo 'ko. Ang pagmamahal ko sa 'yo ay kailanman hindi mababali, o masisira ng anumang pagsubok."

Pagtapos, ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin kami sa pagbibigayan ng I do's namin.

"Do you, Kairo Emmanuel Medrano, take this woman, Altagracia Jane Braza, to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in heath, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?" tanong ng pari.

Nilingon ko si Alta bago ako sumagot.

"I do."

"Do you, Altagracia Jane Braza, take this man, Kairo Emmanuel Medrano to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and health, to love, honor and obey, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?"

"I do."

Isinuot na namin sa isa't isa ang mga singsing. Nang hawakan ko 'yung kamay niya ay naramdaman ko 'yung pamamawis no'n.

"By the authority vested in me by the State of Church, I now pronounce you man and wife... You may now kiss the bride."

Narinig ko 'yung palakpakan ng mga tao. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinanood ko kung paano dahan-dahang pumikit 'yung mga mata niya saka ko siniil ang labi niya ng labi ko. Pumikit rin ako. At pinalalim ko 'yung halik, tumugon naman siya.

Nang maghiwalay 'yung mga labi namin ay pinahinga ko 'yung noo ko sa noo niya. Pareho kaming hinihingal at kapos ng hininga.

Tinitigan ko 'yung mukha niya, mula sa mga mapupungay niyang mga mata, pababa sa ilong niya, hanggang sa dumapo 'yung tingin ko sa mapupula niyang labi. Hindi ako makapaniwala na sa 'kin na siya, at sa kaniya na ako at ang apelyido ko.

"I love you," bulong ko.

Altagracia Jane Braza, Ikaw ang habambuhay ko.

END.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now