Chapter 30

71 10 6
                                    

Chapter 30

Pagod ako sa trabaho pero pinili ko pa ring puntahan si Alta sa condo niya kahit medyo malayo ang biyahe at inaabot na 'ko ng gabi 

Okay lang, sulit naman. Tuwing nakakasama ko siya, napapawi ang pagod ko.

Ganito ang naging routine ko no'ng mga nakaraang buwan. Pupunta ako sa condo niya pagkatapos ng trabaho ko. Sa sobrang dalas ko nga rito ay may mga damit na rin ako ro'n sa closet niya.

Kinatok ko 'yung pintuan at tinawag 'yung pangalan niya pero hindi niya sinagot. Napakunot 'yung noo ko.

Makalipas ng ilang segundo na hindi niya pa rin binubuksan ay ako na mismo ang naglagay ng passcode ng unit niya.

Pagkapasok ko sa loob ay napansing kong nakapatay lahat ng ilaw.

"Alta?"

Nangunot 'yung noo ko. Umalis ba siya?

Pumunta ako sa kuwarto niya at roon nakitang nakahiga siya at mahimbing 'yung pagtulog niya, pero sobra 'yung pamumutla niya.

Agad ko siyang nilapitan at umupo ako sa gilid ng kama. Kinapa ko 'yung noo at leeg niya pero wala naman siyang lagnat. Nagising siya dahil sa ginawa ko.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Dalhin na kitang hospital."

Akmang bubuhatin ko na sana siya nang pigilan niya 'yung kamay ko.

"Wala, may dalaw lang ako," sinabi niya sa mahinang boses.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung ano nang nangyari.

"Mag-i-init ako ng tubig, wait lang," sabi ko at saka tumayo na at lumabas na ng kuwarto niya.

Dumiretso ako sa kusina, kinuha 'yung takure at pinainit iyon hanggang sa maging maligamgam na 'yung tubig.

Dahil wala akong makitang hotpack, naghanap na lang ako ng tuwalya at nilublob ro'n pagtapos ay kinuha ko iyon, ni-rolyo at piniga. Ganito kasi 'yung inuutos ni Mama sa akin tuwing siya naman ang madadatnan. Makakatulong daw sa period cramps.

Bumalik na 'ko sa kuwarto niya dala nung tuwalya. Nakaupo na siya ngayon, nakasandal sa headboard ng kama.

Umupo na 'ko ulit sa tabi niya at tinaas ko nang konti 'yung damit niya para ilagay sa tiyan niya 'yung towel.

"Magpahinga ka muna. Bibilhan lang kita ng pads."

Akmang tatayo na 'ko nang hawakan niya ako sa kamay. Napalingon ako sa kaniya.

"Huwag na, nakakahiya."

Tinignan ko siya, naguluhan sa tinuran niya. "Huh? Bakit naman ako mahihiya?"

Matagal niya 'kong tinignan, para bang pinag-aaralan 'yung mukha ko saka siya umiling at binatawan ang pulsuhan ko.

"Wala, sige na, pumunta ka na."

Bumaba na 'ko at bumili ng napkin sa isang convenience store at isang maliit na tub ng ice cream bago bumalik sa unit niya. Hindi ko siya iniwan nang araw na 'yun hanggat hindi ko nasigurado na okay na siya.

"May problema ba tayo?"

Napansin ko kasing kanina pa bumubuntong hininga si Alta sa tabi ko habang nanonood ako sa malaki niyang smart t.v.

Pinatay ko na iyong t.v para mapunta sa kaniya iyong buong atensyon ko. Hinarap ko siya.

"Wala," sabi niya, pero hindi niya 'ko malilinlang do'n. Alam kong may problema siya, kailangan ko lang ng kaunting tulak para masabi niya.

"Sige na, sabihin mo na, makikinig ako."

Napansin kong napatingin siya sa singsing ko sa kamay bago iniwas ang tingin sa malayo. Pinigilan ko ang mapangiti. Parang alam ko na kung anong bumabagabag sa kaniya.

"Wala nga, sandali, kukuha lang akong tubig." Tumayo siya at akmang aalis nang hawakan ko iyong pulsuhan niya at hinila ko siya paupo sa hita ko.

"Anong problema natin, hmm?" tanong ko sa malambing na boses, ipinulupot ko iyong braso ko sa kaniya.

Naramdaman kong parang may gusto siyang sabihin, pero pinipigilan niya 'yung sarili niya.

"Tungkol sa kasal..."

Nahinto siya nang biglang mag-ring 'yung cellphone ko. Agad ko 'yung kinuha at nakita 'yung pangalan ng isa kong workmate sa caller id. Agad akong nag-excuse para sagutin 'yung tawag.

'Yun na rin 'yung huling beses na nabanggit ni Alta sa akin 'yung tungkol sa kasal. Hindi na ulit namin iyon naging topic.

"Kael, halika na! Malalate na tayo sa flight natin!"

Kinuha ko na 'yung maleta ko at ni-double check 'yung laman, kung may nakalimutan ba 'ko o ano. Buti na lang at wala naman.

Papunta kasi kami ngayon ni Alta sa France  Matagal na rin kasi namin 'tong napag-usapan, napagplanuhan, at napag-ipunan.

Kami lang dalawa ang magkasama. Nag-ask na rin kami ng leave sa kaniya-kaniyang trabaho kaya wala na ring problema.

December 28 na ngayon. Ang balak kasi namin ay mag-n-new year's eve kami sa Paris, France.

Pareho kaming excited pero base sa kilos ni Alta, ten times na mahigit iyong excitement niya kaysa sa akin.

Nang makarating kami sa destinasyon ay agad-agad kaming nagpahinga sa kaniya-kaniyang kuwarto sa ni-book naming hotel. Pareho kaming may jetlag at napagod sa biyahe.

Nang gabi ring 'yon ay lumabas kami at gumala sa lugar. Pareho kaming manghang-mangha sa ganda ng mga imprastraktura.

Nang magutom na kami ay nag-decide kami na kumain sa isang restaurant sa loob ng hotel na tinutuluyan namin.

"Alta," pagtawag ko.

Nag-angat siya ng tingin habang ngumunguya no'ng kinakain niyang pasta. Na-timing-an ko at na-pictur-an ko siya na bahagya pang nagulat sa ginawa ko.

"Delete mo 'yon! Ang panget ko do'n."

Napangiti ako. Kinalikot ko 'yung cellphone ko para gawin 'yung lockscreen.

"Ang cute kaya. Ginawa kong lockscreen," ngiti ko at pinakita sa kaniya.

Huminga siya nang malalim. Bumagsak 'yung balikat niya na para bang sumusuko na siya. "Bahala ka, kung sa'n ka masaya."

Nang gabi ng december 31 ay pinuntahan namin 'yung Eiffel Tower at nag-picture-picture roon. Sayang at hindi kami nakaakyat dahil sarado.

Habang palapit nang palapit 'yung bagong taon ay parami nang parami 'yung mga tao rito sa plaza. Hanggang sa dumating na 'yung countdown.

Hawak-hawak ko sa baywang si Alta habang nakikisabay kami sa countdown. Nagkatitigan kami bago namin ibinalik ang tingin sa fireworks.

"5, 4, 3, 2, 1... HAPPY NEW YEAR!"

Bumitaw ako sa kaniya, nilingon niya 'ko. Namamawis 'yung mga kamay ko at nanginginig kong binuksan iyong ring box, saka ay lumuhod ako. Ito pa 'yung singsing na nabili ko sa Italy.

Pinanood ko kung paanong manlaki 'yung mga mata niya. Tinakpan niya 'yung bibig niya gamit ang parehong kamay. Pansin ko 'yung pangingilid ng luha sa mga mata niya. Kahit tuloy ako ay hindi ko rin mapigilang maging emosyonal 'nak ng tokwa.

Pakiramdam ko parang may kung anong humahatak sa puso ko at nahihirapan akong huminga.

"Altagracia Jane Braza, will you marry me?"

Tumango siya at pinatayo ako saka ako niyakap, pinalibot niya iyong parehong braso niya sa leeg ko. Ipinahinga ko 'yung ulo ko sa pagitan ng braso't leeg niya at saka ako tuluyang naiyak. Niyakap ko rin siya nang mahigpit.

Sobrang saya ko, ito 'yung klase ng saya na parang pinipiga 'yung puso ko... at sa kaniya ko lang 'to naramdaman.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now