Chapter 6

164 37 18
                                    

Chapter 6

Pag-uwi kong apartment galing sa condo, naabutan ko sila Zaiden, Isaac, at Adriel sa kusina. Sabay-sabay na kumakain. Naka-uniform na rin sila, handa nang pumasok.

"Sa'n ka galing? Overnight?" si Zaiden.

Hindi na 'ko nagtakang alam nilang wala ako buong gabi. 'Pag wala ako sa bahay, halatang-halata kasi madalas dala ko 'yong Civic.

"Ikaw Kael ha..." si Isaac. May pang-aasar at halong malisya sa tono.

"Oh ba't ka pa umuwi? Nahiya ka pa. Sana nag-three days, two nights ka na kung sa'n ka man nag-stay." si Adriel. Malakas na nagtawanan sila ni Isaac. Rinig ko ring tumawa si Zaiden.

Wala talagang kuwentang kausap ang isang 'yon. Hindi ko na lang pinansin.

Nilingon ko si Zaiden. "Nagkayayaan lang," sagot ko sa tanong niya.

Pansin ko 'yong pagsasalubong niya ng kilay, para bang naguluhan sa sinabi ko.

- -

Ilang linggo na rin nakalipas noong huli kong makita si Alta. 'Yong huli naming kita 'yong sa condo niya. Pagtapos no'n, wala na.

Kahit sa campus, hindi na rin kami nagkakasalubong. Hindi rin naman siya nag-t-text sa 'kin. Sa bagay, wala rin naman siyang dahilan para contact-in ulit ako.

No'ng weekend, gamit 'yong Civic, sabay-sabay kaming umuwi pa-Cavite. Matagal-tagal na rin 'yong huli kaming umuwi na magkakasabay. May mahalaga kasing okasyon kinabukasan kaya napag-usapan namin na gano'n 'yong gawin.

"Happy birthday, Ate Janna!" Lumapit ako sa kaniya't humalik sa pisngi. Inabot ko na rin 'yong regalo ko. Buti na lang at nakahanap na 'ko ng tiyempo. Ang dami kasing bisita kaninang lumalapit sa kaniya, hindi ako makahanap ng tiyempo.

"Salamat, Kael. Oh, nasa'n si Tita tsaka si Kaylene? 'Di mo kasama?" Tukoy niya kay Mama tsaka sa ten years old kong kapatid.

"Susunod na lang daw sila."

Tumango siya. "Ando'n na pala 'yong mga kupal sa likod. Nagtipon-tipon sila do'n. Ang ingay." Natawa ako. Tumawa rin siya.

Dumiretso na 'ko sa maliit na bakuran sa likod. Sa kusina pa lang, rinig ko na 'yong tawanan at sigawan nila.

Nang puntahan ko sila, naabutan ko silang nasa gitna ng paglalaro ng UNO cards. Nakaupo silang pabilog sa isang mat na nakalatag sa damuhan. May mga pagkain rin sa gilid na nakalapag.

Halos kumpleto na sila gaya ng sabi ni Ate Janna. Kumpleto na 'yong mga lalaki. Mga babae na lang 'yong kulang. Maliban kay ate Janna, Si Iris, 'yong nakababatang kapatid ni Isaac, tsaka si Kaylene, 'yong kapatid ko, at makukumpleto na ulit kaming magpipinsang Medrano.

Buti na lang at nasa loob ng bahay mga bisita ni Ate Janna. Solo naming magpipinsan dito.

"Talo na naman!"

"Pakiramdam ko sobrang makapangyarihan ko tuwing natatalo ko si Zaiden."

Lumingon sa 'kin si Dio. Napansin agad 'yon ng iba kaya napatingin rin sila sa gawi ko.

"Oh, Kael! Tagal nating 'di nagkita ah! Ang laki mo na!" si Isaac. Umakto pa siyang parang maiiyak na ewan. Kala mo talaga hindi kami nakatira sa iisang apartment. Sira-ulo talaga.

Nagtawanan kami.

"Nagpahuli 'yan kasi gusto niya grand entrance," sabi naman ni Jaric.

"Ah, kaya pala."

"Sana naglatag pa tayo ng red carpet, nakakahiya naman sa kaniya 'diba?" si Adriel.

Tawanan ulit.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now