Chapter 10

139 37 15
                                    

Chapter 10

"Gago, ano ba kasing nangyare?"

"Hindi ko rin alam. Puntahan na natin. Tara na!"

"Gisingin ba natin si Kael?"

"Oo, 'yong Civic gamitin natin."

Nagising ako dahil sa ingay. Naririnig ko 'yong boses nila Isaac, Adriel, tsaka Zaiden sa sala.

'Nak ng tokwa! Ba't ang ingay ng mga 'yon?

Hinanap ko 'yong cellphone at tinignan 'yong oras. Napakamot ako sa tungki ng ilong nang makitang alas onse pa lang ng gabi!

Sinubukan kong matulog ulit, pinikit ko na 'yong mga mata ko nang may malakas na kumatok sa pintuan.

"Kael!"

Hindi ako sumagot. Patuloy pa rin siya sa pagkatok.

Ang ingay, bad trip!

"Punta tayong hospital! Napaaway si Jaric!"

'Nak ng tokwa! Kahit inaantok at bangag pa, napabangon agad ako sa sinabing 'yon ni Adriel.

Mabilis akong nagpalit ng damit bago lumabas. Pagkarating ko sa sala, naka-upo sila Isaac at Adriel sa sofa. Si Isaac, hinahampas-hampas 'yong armrest habang si Adriel, parang ang lalim ng iniisip na nakatitig sa kawalan. Habang si Zaiden, kanina pa palakad-lakad habang nagtitipa sa cellphone.

Napakunot 'yong noo ko. Gano'n ba kalala 'yong nangyare para makita ko silang ganito ka-seryoso? Lalo na si Isaac tsaka si Adriel, minsan lang magseryoso 'yang dalawa.

"Ba't nasa hospital 'yon?" bungad ko. Napalingon sila sa 'kin. Agad na tumayo 'yong dalawa, naghahanda nang umalis.

"Hindi ko rin sigurado. Basta raw pauwi na siya galing gig tapos ayon," sabi ni Isaac.

Kumunot 'yong noo ko. Kung si Isaac o si Adriel maniniwala pa 'ko pero si Jaric? Hindi naman palaaway ang isang 'yon ah.

"Nauna na si Dio do'n kasi siya 'yong kinontak. Tara na!" si Zaiden.

Tahimik lang kami sa kotse habang papuntang hospital. Ako 'yong nagmaneho. Sa tabi ko si Zaiden ta's 'yong dalawa sa likod. Mabilis rin lang kaming nakarating. Buti na lang 'di na rush hour at wala na masyadong bumibiyahe.

Pagkapasok sa loob, nagtanong agad si Zaiden sa counter kung sa'ng kwarto. Sunod-sunuran lang kami sa likod niya. Para na siyang tatay tuwing ganiyan siya ka-seryoso. Sa bagay, sunod kay ate Janna, siya kasi pinakamatanda sa 'ming magpipinsan kaya parang responsibilidad niya na rin kami.

Nag-elevator kaming papuntang third floor. Lumiko siya sa kanan kaya gano'n rin kami. 'Di nagtagal, tumigil siya sa tapat ng isang pinto at pinihit 'yon.

Napalingon si Dio at Jaric sa 'min. Nakaupo si Dio sa isang stall chair habang si Alric naman nakasandal 'yong likod sa headboard ng kama.

Una kong napansin ay 'yong namamaga niyang pisngi. May benda rin siya sa ulo at band aid sa labi. Mayro'n rin siyang bandage sa may bandang kanang balikat. 'Nak ng tokwa, ang lala nga!

Pumasok na kami at lumapit.

"Anong nangyari?" si Zaiden. Mahinahon pero halatang nagpipigil na lang siya.

Nag-iwas lang ng tingin si Jaric sa kaniya. Huminga nang malalim si Zaiden.

"Pa'no natin sasabihin 'to kila Tita?" si Dio.

Natahimik kami. 'Yon 'yong problema talaga. Maliban sa lagot kaming lahat, mag-aalala sila panigurado.

"Ganito, huwag na lang tayo umuwing Cavite ngayong weekend," sabi ko.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now