Chapter 29

67 12 15
                                    

Chapter 29

"Magandang umaga, Sir!" bati no'ng isang construction worker nang makasalubong ako pagkapasok ko sa site.

"Magandang umaga rin po! Si Engr. Braza po?"

"Nando'n pa po sa second floor, Sir, may chinecheck. Hintayin mo na lang po siya sa office niya."

"Okay po. Salamat po."

Kilala na 'ko ng mga tauhan nila Alta kasi ilang linggo na rin akong bumibisita rito sa site nila. Pagtapos ng shift ko sa trabaho sa kumpanya nila Alta, ay dumidiretso na 'ko rito. Mga bandang alas syete ng gabi na ako nakakarating, o minsan alas sais, kapag walang traffic.

Umupo ako roon sa sofa at pinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay si Alta. Iidlip muna ako.

Nagising ako nang marinig kong bumukas iyong pintuan. Nandito na si Alta. Tinignan ko iyong orasan sa cellphone ko, mag-s-seven thirty na pala.

"Huwag kang lumapit! Amoy pawis ako."

Tumayo ako para lapitan sana siya pero napatigil ako dahil sa sinabi niya. Hawak-hawak niya iyong puting hard hat sa kaliwang kamay.

Napangiti ako. Si Alta, na-c-conscious sa sarili niya, kailan pa?

"Okay."

Umupo ulit ako. Hinintay ko siyang magpalit ng damit at mag-ayos sa restroom niya dito sa office. Niyaya ko kasi siya na pumuntang Baguio ngayong gabi, wala lang, para makalanghap ng sariwang hangin at pampatanggal ng stress sa trabaho, pumayag naman siya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na siya, tumayo agad ako. Nakasuot siya ng itim na v-neck shirt na tinernuhan ng high-waisted na jeans.

Lumapit siya sa akin. Agad kong naamoy iyong pabango niya, amoy vanilla. Napansin ko rin na nag-make-up siya nang kaunti.

"Tara na," sabi ko at pinadausdos iyong braso ko sa baywang niya saka ay lumabas na kami sa office niya.

Pagkasakay namin sa sasakyan ko ay agad kong pinaandar 'yung makina.

"Pwede ba?"

Tanong ko saka bumaba iyong tingin sa hita niya at pagtapos ay ibinalik sa mukha niya iyong tingin. Mukhang naintindihan niya naman iyong ibig kong sabihin.

Napansin kong namula iyong pisngi niya. Dahan-dahan siyang tumango.

Ipinahinga ko iyong isa kong kamay sa hita niya. Naramdaman kong parang may dumaloy na kuryente sa kamay ko paakyat sa braso ko.

Hindi ko inalis ang kamay ko, tinanggal ko lang 'yon nang makarating kami sa destinasyon namin.

Pumunta muna kami sa isang restaurant para maghapunan. Pagkababa ni Alta sa sasakyan ay niyakap niya 'yung sarili niya. Bumaba na 'ko, tinanggal ko 'yung suot kong jacket at inilagay ko sa balikat niya.

"Salamat."

Napangit ako nang isuot niya 'yon. Bagay pala sa kaniya mga damit ko.

Hinawakan ko 'yung kamay niya at sabay kaming naglakad. Nang matapos kumain ay dumiretso na kami sa night market.

"Kael, gusto ko no'n!" Turo ni Alta roon sa barbecue stall, at hinatak-hatak iyong t-shirt ko. Napangiti ako.

"Hmm. Sige."

Tinitigan niya 'ko, hinihintay 'yung susunod kong sasabihin. Mas lalong lumawak iyong ngiti ko.

"Bili ka."

Hinampas niya 'ko sa braso sa naging pilosopo kong sagot. Tumawa ako. Lumapit kami roon, at binilhan ko siya. Bumili at kumain rin ako nang para sa sarili ko. Pagtapos no'n ay nag-try pa kami sa iba't ibang stalls ng street food.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Where stories live. Discover now