Chapter.13

3K 62 10
                                    

Dangerous

TULALA at hindi nya parin alam ang gagawin ng sumapit ang umaga. Mag-isa syang natulog sa dating kwarto nila ni lewis habang ito naman ay natulog nalamang sa medical room nito upang maobserbahan. Ayaw pa sana nitong pumayag ngunit nagpilit na sya kesa naman dun pa ito matulog sa tabi nya. Hindi na pupwede pa iyon dahil nga sa may nobya ito.

Mabilis ang naging paggaling nito at mukhang ilang araw nalang ay maaari na muli nitong magawa ang mga pang araw-araw nitong gawain.

Ng tignan nya ang oras ay alas dos na ng madaling araw. Napailing nalamang sya. Madalas na talaga syang nagigising ng madaling araw para lamang kumain ng Strawberry mula ng magbuntis sya ay madalas na iyong mangyari.

Bakit nga ba hindi nya manlang napansin noon pa na nagdadalang tao na pala sya? Ang madalas na pagsakit ng ulo nya at pagsusuka ay isa naring posibilidad ngunit ipinagsawalang bahala nya lamang.

Maingat syang bumangon at bumaba papuntang kusina upang kumuha sana ng strawberries sa ref ngunit nakarinig sya ng isang putok ng baril mula sa labas dahilan upang kabahan sya. Bakit ba napapadalas nalang ang pagdating ng kapahamakan?

Natatakot man ay lumabas parin sya ng bahay upang tignan ito na alam nyang isang napaka tangang desisyon. Ganon nalang ang pagkagulat nya ng makita si lewis na duguan at nanghihina na.

Nanginginig nya itong nilapitan habang wala na syang marinig na iba kung hindi ang malakas na pagtibok ng puso nya gawa ng kaba.

"L-lewis!"Nanginginig nyang tawag sa pangalan nito ng makalapit na sya sa kinaroroonan nito. Ng suriin nya ito ay may dalawa itong tama. Isa sa tagiliran at ang isa ay sa balikat. Naluluha na sya at hindi na alam ang sunod pang gagawin dahil sa nakikita nyang dami ng dugo na nagkalat mula dito. Making her almost lose her conciosness.

"L-little girl.. Why are you here?It's dangerous here.. Go back inside."Namumutla man dahil sa mga dugong nawala dito ay hindi parin nawawala ang awtoridad sa boses nito. Gigil nitong kinasa ang baril habang nakatiim bagang pa bago nagpaputok sa kung saan.

"Ano ba lewis!?Mapapahamak ka lalo kung iiwan kita dito!"Hindi nya na rin naiwasang pagtaasan ito ng boses dahil sa sinabi nito gusto ba nitong mapahamak?Hindi nya magagawang iwan ito.

Ng hindi sya nakinig dito ay basta nalamang itong tumayo at binuhat sya papasok ng mansion kahit pa nanghihina na ito at marami ng dugo ang nawawala rito.

Binuhat sya nito na parang sako habang patuloy parin sa mabilis nitong pagbaril sa kung saan. Gusto nyang magpumiglas upang mabitawan sya nito ngunit kung gagawin nya iyon ay mahihirapan lamang ito dahil sa dami ng nawalang dugo rito. Di na nya maiwasan ang mapaluha ng makita ang patuloy na pagdugo ng balikat nito at tagiliran. Hindi na sya nagpumiglas pa dahil ayaw nyang mas mahirapan pa ito kahit na alam naman nyang nahihirapan na ito dahil sa may tama na nga ito ngunit buhat parin sya sa kabilang braso.

Mahina syang napadasal bakit ba palagi nalang ditong may nangyayaring masama? Bakit ba palagi nalang may nagtatangka sa buhay nito? Hindi pa nga ito ganon kagaling ngunit naulit nanaman ang pagkakabaril dito at ngayon ay mas malala na.

"Lewis m-mag-ingat ka.."

"I will.. Don't worry."He said reasurring her before mercilessly pulling the trigger non-stop. Anger is visible in his dark green eyes na kahit sya ay natakot.

"Kill those fucking bastards now!Secure the whole mansion."Sigaw ni lewis sa mga tauhan nito ng mabilis na pumalibot sakanila habang may kanya-kanyang baril na ang mga ito napapikit na lamang sya sa takot ng magsimula na ang putukan habang naipasok na sya ni lewis sa kwarto nila. Alvarez appeared out of nowhere. Nakilala nya ang lalaki bilang bodyguard ni Lewis. Being too wealthy don't seem so good too. Sinuri pa nito ang katawan nya habang sya ay tulala lamang.

My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon