Chapter.26

2.3K 48 20
                                    

The rival

The time flies so fast.

Her baby is now 9 months.

Kaun-ting araw nalamang ay due date na nya at manganganak na sya.

Medyo hirap narin syang magkikilos dahil talagang napakalaki na ng tiyan nya. Doble na ang laki nito kaya hindi tuloy nya maiwasang mapaisip na baka nga kambal ang anak nya.

Ayaw naman nyang ipa ultrasound dahil para sana surprise.

"Ate!"Masayang sigaw ni Lukas dahilan kung bakit sya napalingon dito. May hawak itong kung ano habang tumatakbo palapit sakanya kaya naman nangunot ang noo nya.

"Shh dahan-dahan naman Lukas baka madulas ka."Saway nya rito bago hirap na tumayo.

Nakangiti nitong iniabot sakanya ang isang maliit na kahon na may nakaukit pa na gintong dragon.

Halos mapasinghap naman sya ng buksan nya at nalaman ang laman niyon. Maliit na lipstick ang laman nito. Yun ang akala nya ngunit ng pindutin nya ang nakita nya buton dito ay Automatic itong humaba at naging katana na may nakaukit na simbolong dragon sa talas nito.

"Pinapabigay po ni kuya Dale yan sayo ate, diba po ang ganda?"

Mga ilang buwan ding syang nanatili sa lugar na ito. Marami syang nalaman tungkol kay Dale, maging kay Lewis.

Kapwa pala silang kasali sa isang Ilegal na Organisasyon.

Doon ay nasagot lahat ng gumugulo sakanya noon.

Kaya pala palagi nalang noon kung may magtangka sa buhay ni Lewis.

At napakahigpit din nito dahil hindi sya nito hinahayaang makalabas ng mansyon na walang kasamang bodyguard.

Nung una ay hindi sya makapaniwala.

Natakot sya.

Syempre, Dahil pumapatay sila.

Natakot din sya noon lalo kay Dale dahil baka patayin sya nito ngunit napatunayan nya namang mabait talaga ito ngunit palagi nga lang nagde-deny.

"Oo, Napaka ganda."She said while checking the katana. Napaka ganda nito. At kung sa unang tingin ay hindi mo talaga maiisip na kaya nitong maging katana dahil mukha lamang itong normal na lipstick.

"Hindi lang yan ate, Ito pa oh."Inabutan sya muli nito ng isang Hair Clip na may desenyong paro-paro.

Kagaya ng kanina ay may nakita syang buton kaya medyo lumayo muna sya sa bata dahil baka tamaan ito at masaktan pa pagnagkataon bago iyon pinindot.

The lovely butterfly hair clip turns into a deadly dagger na may nakaukit naman na paro-paro bilang desenyo.

Cool!

"Salamat, Pakisabi kay Dale lukas ha?"Masunurin namang tumango ang bata bago sumulyap sa tiyan nya.

"Pwede ko po ba syang hawakan ate?"Tumango naman agad sya rito dahilan upang masaya itong mapangiti.

"Ate pwede ko ba syang maging Girlfriend kapag lumabas na sya?"Nagulat man sa sinabi ng bata ay tumango nalamang sya rito.

"Salamat po!"Tapos ay nagmamadali na itong lumapit kay nanay Selsa.

Months had passed yet her memories still feel like it just happened yesterday for her.

The night when she and Lewis talked, And when he cleared things out to her.

"You're spacing out again."Halos mapatili sya sa gulat dahil sa pagsasalita ni Dale mula sa likuran nya. Mahina nya itong pinalo ngunit parang wala lang sa lalaki dahil ni hindi manlang sya nito nilingon.

My hot-Billionaire CEO DarkLove Series#1  (COMPLETED)✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon