Warning! Please, skip if you don't like mature scene. Nasa unahan pa iyon, but still! Huwag matigas ang ulo, minors. 😕
Chapter 14
MALALIM ANG PAG-IISIP NI James nang magising siya sa marahas na pagbukas ng pinto at pumasok ang isang diwata. Mukha itong si Keenalyn pero mas bata lang ito ng ilang taon.
Tuloy-tuloy ito sa pagpasok at dumeretso sa kusina. Paglabas nito at may dala na itong pagkain at pabagsak na naupo sa sofa sabay patong ng paa sa lamesita at kumain.
Umawang ang labi niya sa pagkabigla. Ganito ba ang mga kaibigan ni Stella?
Tumingin ito sa kanya. "Bampira." Anito sabay irap. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob?
Tumikhim siya. Ngayon pa siya nainsulto ng harap-harapan sa pagiging bampira niya. Hindi niya nalang ito pinansin pero hindi niya mapigilang silipin ito. Kampanteng kampante ito sa pwesto nito.
"Kaibigan ka ba ni Ken? O ni Stella?" Biglang tanong nito.
Tumikhim siya bago sumagot. "Mate ako ni Stella." Amin niya.
Tumango-tango naman ito. "Nag **x na ba kayo?"
Nanlaki ang mata niya sa naging tanong nito. Ano bang klaseng babae itong kaharap niya? Umupo siya ng maayos. Napaka-straight forward naman nito.
"No. We just met, so..." Sana naman maintindihan nito ang gusto niyang iparating. Kabata-bata pa nito pero ang dami nang alam sa bagay na iyan.
"Okay." Tipid nitong sabi. Lihim naman siyang nagpasalamat. Nag-iwas siya ng tingin. Ang tindi ng kaharap niya.
"Nasaan na sila?" Tanong nitong muli.
"Nasa mga kwarto nila." Sagot niya ng hindi ito tinitingnan.
Nakita niya sa gilid ng mata na itinabi nito ang pagkain at tumayo sa sofa. Na-curious siya sa gagawin nito.
"Keenalyn! May ka-**x si Harper sa kastilyo niya!" Sigaw nito bigla. Pagkatapos ay nag-crouch ito.
Nagulat siya nang bigla nalang may marahas na lumabas sa kwarto ni Stella at tumalon mula roon si Keenalyn na aatakihin ang kaharap niyang diwata.
Mabilis na umiwas ang babae at nagka-pirapiraso ang sofa na siyang tinamaan sa atake. Nanatili lang siyang nakaupo habang pinapanood ang dalawa na nagpapalitan ng sipa at suntok.
"Huwag na huwag mong gagamitin ang Fiance ko sa kagaguhan mo, Gen!" Sigaw ni Keenalyn sa babaeng nagngangalang Gen.
"Bakit, totoo naman ah? Bakit? Sino ba ang ka-**x niya noong isang araw?" Balik-sigaw naman ni Gen na ikinatigil ni Keenalyn. He's guessing na si Keenalyn iyong tinutukoy ni Gen.
"Leche ka!" Sigaw ni Keenalyn sabay talikod.
"Leche kayong dalawa! Sinira niyo na naman ang bahay ko!" Biglang sulpot ni Stella. Bumaba ito ng hagdan kasunod si Ken, na parang sanay na sa nadatnan.
"Aayusin na nga." Sambit ni Gen at nagliwanag ang kamay. Kusa namang bumalik sa dati ang mga nasira. "Ang bait ko talaga. Kahit hindi ako ang nakasira, ako pa 'yong umayos."
"Huwag kang bait-baitan diyan, Gen." Sermon ni Keenalyn.
"Manahimik kayong dalawa. Bwesit talaga kayong magkapatid kayo." Busangot ni Stella at lumapit sa kanya. Napangiti siya nang dumeretso ito sa kandungan niya para maupo. Mabilis niya itong hinawakan sa beywang. Sumandal ito sa kanya at masama ang ipinukol na tingin sa dalawa.
Umupo naman ang dalawang magkapatid, maging si Ken. Pagkatapos ay napatingin silang lahat kay Gen. Nagtataka niya ring tiningnan si Gen. Anong nangyayari?

YOU ARE READING
James Levi: Broken Man (COMPLETED) UNDER EDITING
ערפדים|Matured Content| Be warned. A side story of My Vampire King Mate. James Levi is a broken pieces pretending to be fine like a hypocrite. Gumagala siya sa kung saan-saan at ginagawa ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa para lang makalimutan ang pa...