Chapter 22

89 12 0
                                    


Chapter 22

NAIHILAMOS NI STELLA ANG kamay dahil sa iritasyon. Papauwiin siya ng daddy niya? Bakit? Nag-usap na sila. Kinausap niya na ito na hayaan na siya sa buhay niya.

Marahas siyang tumayo.

"Is that a no?" Maang na tanong ni Mash sa kanya. Nilingon niya ito.

"Never!" Matigas niyang tugon at nagpapadyak na pumanhik sa kanyang kwarto.

They already agreed! They'll let her live freely and independently as long as she finishes her mission. And she already complied! So, what's this? What changed their mind?

Nagpupuyos sa galit na marahas siyang pumasok ng kwarto at pabagsak sa sinarado ang pinto. She needs air.

Nagmartsa siya paupo ng kama at nilibot ang tingin sa buong silid. James was supposed to be in her room.

"Where is he?" Tanong niya sa sarili. Ang akala niya pagod ito, kaya ba't wala ito sa kwarto niya? Nilingon niya ang bintana nang mapansing bukas iyon.

Lumabas ba siya? Nang hindi nagsasabi sa akin?

Sumikip ang dibdib niya sa isiping baka iniwan na siya ni James. Pero hindi siya nagpadala. Ano naman ang rason nito para iwan siya? At bakit? Wala siyang mahanap na dahilan kaya hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano. Dahil baka pagmulan pa iyon ng matinding hindi pagkakaunawaan.

Dumungaw siya sa bintana at tinanaw ang maitim na kalangitan. She'll wait. He'll come back. May tiwala siya kay James at alam niya na babalik ito. Nararamdaman niya iyon.

"Waiting for someone?" Malakas siyang napasinghap at napalingon sa likuran.

"Keen!" Malapad ang ngiti niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap. "I miss you!"

"Me too!"

Bumitaw siya at tinitigan ito. "Ba't ngayon ka lang?"

"I was busy. Ang daming nangyari pagkatapos ng digmaan. Kailangan nandoon ako dahil isa akong prinsesa. The war's aftermath is still there. Nakakainis." Reklamo nito. Tinawanan niya lang ang pagmamaktol ni Keenalyn. She can relate.

"I am starting to hate my position." Tinampal niya ito sa braso.

"Baliw! Kahit pa anong gawin mo, hindi mawawala sa dugo mo na isa kang prinsesa." Panenermon niya.

"Hmmp! So, how's your week?" Pag-iiba nito ng usapan. Hinila siya nito paupo sa kama -na paborito na nilang tambayan, actually.

"It was fun!" At iyon nga, ikinuwento niya rito ang mga masasayang araw niya kasama si James sa loob ng isang linggo. It was remarkable and unforgetable moments in her life. She even shared the truth na may nangyari sa kanila ni James.

"You really did it, huh? It was heaven, I pressume?" Taas kilay nito sa kanya.

Tumawa lang siya. Hindi siya makasagot at alam naman na niya na alam nito ang pakiramdam.

"So, where is he? Gusto ko siyang makausap." Pagkuwa'y usisa ni Keenalyn habang nililibot ang tingin sa kwarto. Nag-iwas naman siya ng tingin. Ano ba dapat ang isasagot niya? Na bigla nalang itong nanlamig sa kanya? Na umalis ito ng walang paalam? Na iniwan na siya nito?

Kapag sinabi niya iyon, baka mas lalong magalit si Keen at sabihing kasalanan niya dahil nagpaloko siya. At mas lalong kamuhian nito si James dahil sa ginawa nito sa kanya.

"He was out for awhile. May pinuntahan lang saglit." Dahilan niya.

Tinitigan siya ni Keen ng matagal bago niya ito nakumbinsi. Malakas ang pandama ni Keenalyn kaya pinatatag niya ang sarili sa mga titig nito para hindi siya mahalata na nagsisinungaling.

James Levi: Broken Man (COMPLETED) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now