Chapter 17PAGKATAPOS NILANG lumabas sa portal ay nabungaran nila si Jasper. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito pero bigla itong bumait sa kanila. Hindi iyon dahil kay James kundi mayroon pang ibang dahilan. Hindi niya lang malaman kung ano.
Humanda na sa pakikipaglaban si Stella. Hawak niya na ang dalawang dagger sa kamay at handa nang umatake. She can't wait. Matagal narin simula noong huling makipaglaban siya. Feeling niya tuloy, kinakalawang na siya sa larangan ng labanan sa sobrang tagal niyang natengga sa panggagamot.
Pinanood niyang rumagasa ang kalaban mula sa malaking gate at mas hinigpitan pa ang kapit sa Dagger. Nae-excite siya. Si James ay nakapamulsa lang sa tabi niya na parang wala lang ang digmaang ito. Napairap siya sa hangin. Ang yabang!
Hindi niya mapigilang ngumisi sa napakaraming kalaban na susugod na kanila. "This is gonna be fun!" Sambit niya at sinalubong ang mga ito.
Sinalubong niya ng mabilis ang apat na Dark Magic user. Dumaan siya sa pagitan ng dalawa at itinarak ang dagger sa mga leeg nito at ganoon din ang ginawa niya sa dalawa pa. Sunod-sunod ang mabi-bilis niyang mga pag atake. Tarak doon, laslas dito. Kaliwa't kanan ang mga duguan at mga patay ng iba't ibang lahi. Walang katapusan ang bilang ng kalaban.
Hinihingal na nilibot niya ang paningin para hanapin ang mga kasamahan. Okay, nasaan na sila?
Ang nakikita niya lang ay si James na nakapamulsa parin pero ang isang kamay ay duguan na at panay ang lingon sa kanya. She groaned in frustration. Nalingat siya.
Nilapitan niya si James na ngayon ay nakamasid na sa paglapit niya. Panay lang ang depensa at opensa niya habang lumalapit dito.
Nginisihan siya nito ng makalapit. "Hey! You don't look happy." Bati nito.
Bumusangot siya. "Nalingat ako-"
"No, matey. Hindi ka nalingat, nadala ka lang sa excitement ng labanan kaya nakalimutan mo ang misyon. Kaya heto, naiwan ka." Putol nito sa kanya sabay hapit sa beywang niya. Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Pero huwag kang mag-alala. Nandito parin naman ako at hindi ka iniwan sa simula't sapol." Bulong nito at nilapatan siya ng halik. Hindi niya naman napigilang kiligin.
Pero panandalian lang naman iyon. Syempre, mas priority parin nila ang digmaan at misyon. Hindi lamang siya makapaniwala na nagawa niyang makaligtaan iyon. Ang isang napakaimportanteng bagay at dahilan kung bakit siya sumasabak ngayon sa digmaan ay nakaligtaan niya dahil lamang sa pansariling rason.
"Enough teasing. Nakakainis." Bumitaw siya kay James at bumusangot na hinarap ang mga kalaban. Nakakamanghang walang may nagbalak umatake sa kanila habang naglalandian sila ni James. Mukha pa nga itong takot eh.
Nilingon niya si James. Nagulantang siya ng makita kung papaano nito binibigyan ng nakamamatay na tingin ang nakapaligid sa kanila. No wonder they looked scared. Dahil pala ito kay James, pati siya ay kinilabutan sa tingin nito. Nakakatakot ang mga mata nito na animo'y lalamunin ka ng buhay.
Napalunok siya. Kinalabit niya ito sa damit. "Susunod na ako sa loob." Paalam niya ng lumingon ito. Napakapula ng mata nito kaya hindi niya mapigilang tayuan ng balahibo sa katawan. Alam niyang hindi siya nito sasaktan pero may pakiramdam din siya. Siguro, kung hindi niya mate si James at ganyan ang tingin nito sa kanya, baka hinimatay na siya sa takot.
"Then, let's go." Ngisi nito. Ngumiti siya at tumango. Alam niyang nasa tabi niya lang ito para suportahan at protektahan siya. Hindi niya iyon maipagkakaila since napapansin niya naman iyon noong nagsimula siyang lumaban. Ito ang sumasalo sa mga atakeng hindi niya napapansin o kapag hindi niya kakayanin. Nag-aalala siya, syempre, pero hindi niya maikatwiran na safe talaga siya kapag naroon ito sa tabi niya.

YOU ARE READING
James Levi: Broken Man (COMPLETED) UNDER EDITING
Vampire|Matured Content| Be warned. A side story of My Vampire King Mate. James Levi is a broken pieces pretending to be fine like a hypocrite. Gumagala siya sa kung saan-saan at ginagawa ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa para lang makalimutan ang pa...