Chapter 35

90 7 0
                                    


Chapter 35

DUGUAN NA SI James ngunit patuloy parin ang labanan nila ni Jarred. Katulad niya ay duguan narin ito at mas malala pa kumpara nang sa kanya. Nagpakawala siya ng isang solid blow sa mukha nito dahilan para tumabingi ang ulo nito. At parang slow motion ang nangyari na sumabay sa impact ang katawan nito at tumilapon sa pader kasabay ng pagtusok ng isang matulis na debris sa dibdib nito. Kitang kita niya ang pagkakatanggal ng ngipin at pagtirik ng mata nito sa impact.

Huminga siya ng malalim at mabilis na nilapitan si Jarred. Hinang hina na ito kaya kinuwelyuhan niya ito para suntuking muli. Hindi niya ito binitawan hanggang sa hindi ito manlanta.

"You piece of shit deserves to die!" Sigaw niya at nagpakawala ng isang heavy punch. Ngunit nabitin ito sa ere nang makita ang ilang butil ng luha na nagilid sa mata ni Jarred.

Nabitawan niya ito bigla at lupaypay itong bumagsak sa sahig. Nanlaki ang mata niya sa gulat.

"K-k-kill m-me." Pakiusap nito sa kabila ng kalunuslunos nitong kalagayan. Humugot siya ng malalim na hininga at marahas iyong pinakawalan. Nasabunutan niya ang sarili nang marealized kung ano ang nagawa niya sa kapatid.

He is his brother. Even if he did something wrong, he is still his brother. Nakagat niya ng labi. Katulad niya, biktima rin ito sa batas ng ninuno nila. Walang may gusto na ganito ang kapalaran nila ngunit may karapatan naman silang magbago at mamili.

"I'm sorry..." Napalingon siya kay Jarred. "I was jealous, Kuya... I-I was jealous of you... I was jealous na hindi ka magawang mapatay ni Dad nang lumabag ka sa batas dahil ikaw ang tagapagmana niya... Samantalang sa akin... halos patayin niya ako nang malaman niyang itinago ko rin ang mate ko..."

Nanlaki ang mata niya sa rebelasyon ng kapatid. Hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niyang magsalita pero walang lumalabas sa kanyang bibig.

"I've experienced it too. Ang magmahal. Too bad it only lasted for weeks 'cause she died too." Tumitig ang nanunubig nitong mata sa kanya. Gusto niyang umiwas ng tingin pero hindi niya magawa. "Nilamon ako ng selos kung bakit ikaw, na lumabag sa batas sa ikalawang pagkakataon, ay binigyan ka ng panahon para makasama ang mate mo. Bakit? Bakit, Kuya? Ano ang meron sa'yo na wala sa akin?" Umiyak ito. "Nagsilbi ako ng ilang taon kay Dad pero mas pinili ka parin niya. Hindi ko maintindihan. Loyal naman ako sa kanya..."

"J-jarred..."

"Kaya galit na galit ako sa'yo." Imbes na galit ay lungkot ang nakikita niya sa mga mata nito. "Galit ako sa'yo dahil nagkaroon ka ng pagkakataong sumaya sa piling ng mahal mo. You were given a second chance. Nang dahil do'n, sumidhi ang selos ko para sa'yo. You were once like us, cruel and a killer. Pero ikaw itong mas pinaburan ng tadhana. Nagseselos ako, Kuya... Nagseselos ako... Gusto ko rin namang sumaya at magmahal kagaya mo..."

Nangilid ang luha niya. Napaluhod siya habang nakatingin sa kapatid na umiiyak. He didn't know. All this time, all he knew is that his Family is a threat. Yes, they are. Pero pagkatapos marinig ang panig ni Jarred. Nagsisi siya. Nagsisi siya kung bakit hindi niya ito kinausap ng masinsinan. Like what a brothers supposed to do. But they aren't like a normal brother and that's what makes the difference.

"Jarred, I-"

"You won. Please, live the life you dreamed of." Ngiti nito. Hinawakan niya ito sa kamay. Kahit nahihirapan na ito ay pinipilit parin nitong magsalita.

"I'm sorry. Hindi ko naisip na iligtas ka mula kay Dad."

"Don't be. Pinili ko ang maging loyal kay Dad kaya huwag kang mag sorry."

"Kung alam ko lang sana..."

"Kung malalaman mo iyon ng maaga, hindi ka lalakas ng ganito. You see, you have to go through those hardship so you'll get strong and powerful. Look at you now. Kayang kaya mo nang talunin si Dad."

James Levi: Broken Man (COMPLETED) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now