Chapter 18SABAY-SABAY NA umalis sina James at ang mga kasamahan niya para puntahan ang kinaroroonan ni Veronica. Sigurado siyang nandoon na si Jasper at si Tom. Ngunit, bago pa sila tuluyang makalayo ay nakarinig na naman sila ng ingay na nagmumula sa Alpha.
Naalala niya, hindi niya pa pala napapatay ang alpha na nakalaban niya.
Binalingan nilang lahat ang alpha. "James, ang akala ko tinapos mo na?" Tanong ni Stella sa kanya habang nasa alpha ang tingin.
"He's tough." Kibit-balikat niya. He lied.
Lalapit na sana siya ng bigla nalang may dagger na lumipad patungo sa alpha at tumama sa noo nito. Bumaling siya kay Stella.
"What? Nagmamadali tayo!" Dahilan nito bago nagpatuloy sa pag-alis. Narinig niyang tumawa ang dalawa habang sumusunod kay Stella.
"He's mine!" Habol niya at sumunod narin. Tinabihan niya si Stella at hinapit sa beywang palapit. It felt so good being near her. So irresistible.
Nilingon niya pang muli ang Alpha na ngayon ay nakabulagta na sa sahig at wala nang buhay. Nagtaka siya. Hindi ganoon kadaling mpaatay ang alpha, lalo pa't dagger lang ang tumama rito.
"How did you do that?" Baling niya kay Stella.
"Ang alin?" Tanong nito pabalik at nilingon siya.
"Napatay mo ang alpha sa pamamagitan lang ng dagger."
"Ahhh. May poison ang dagger ko. It was a deadly one."
Nabigla siya. "You specializes in poison?" Naguguluhan niyang usisa.
"Yes." Tango nito.
"But you're a healer."
"I am. Sinabi ko na 'diba? Na mahilig akong mag experiment?"
"To poison?"
"Yes. To poison."
"Wow." Gulat parin siya. Hindi siya makapaniwalang gumagawa si Stella ng poison. He just realized that his mate is dangerous.
"Ang cool ko 'no?" Ngisi nito.
Hindi niya mapigilang mapangiti. Hinalikan niya ito sa noo. "My matey is so cool!" Puri niya.
Tumawa lang ito ng mahina. Naging tahimik na ang paglalakad nila. Their guard is up. Ready to defend themselves if an emeny will pounce. Nakikiramdam lang sila sa paligid.
Ngunit nagulat sila ng naging tahimik ang paglalakad nila at wala ni isang umatake. Tanging yapak ng paa at paghinga lang ang maririnig.
"Is it over?" Basag ni Keenalyn sa katahimikan.
"Not sure." Tugon ni Stella.
"We're here." Ani Ken at binuksan ang napakalaking pinto na magdadala sa kanila sa Throne Room ni Mye.
At ganoon nalang ang pagkagulantang nila nang mabungaran si Tom, Jasper at Veronica na duguan. Nanlaki ang mata niya. He could hear Veronica's faint heartbeat. And Jasper, he looked miserable and worried. Nasa sahig narin si Mye at wala nang ulo.
"What the f**k happened!?" Tili ni Keenalyn. Hindi niya ito masisisi.
Mabilis namang dumulog si Stella kay Veronica para tingnan ang kalagayan nito. Lumapit din si Ken at susunod na sana siya ng may mamataan siyang pamilyar na bulto sa likod ng trono.
Kumuyom ang kamao niya. Imbes na lumapit ay paatras siyang naglakad. He knew that figure.
Mabilis na nawala ang bulto kaya mabilis siyang lumabas ng throne room para hanapin ito. Nawala na sa isip niya ang mga naganap at maging si Stella. Kailangan niyang mahabol ang nagmamay-ari ng pigurang iyon. Nanlilisik ang mata niyang pinakiramdaman ang paligid at sinuyod ang buong kastilyo. Sa bilis niya ay hindi na siya napapansin ng mga kalabang nakakasalubong niya.

YOU ARE READING
James Levi: Broken Man (COMPLETED) UNDER EDITING
Vampire|Matured Content| Be warned. A side story of My Vampire King Mate. James Levi is a broken pieces pretending to be fine like a hypocrite. Gumagala siya sa kung saan-saan at ginagawa ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa para lang makalimutan ang pa...