Chapter 30

26.3K 604 76
                                    

Chapter 30

Saraie POV

"Mica nadala mo na ba sila Keefer kayla Dr.Moyie?" Tanong ko habang nag tatali mg buhok.

"Wala sila Dok umalis kasama yung asawa niya." Sagot niya kaya nagulat ako.

"Kung ganon san mo dinala ang mga anak ko?"

"Don't worry bessy nakay Irish sila." Aniya kaya naman naka hinga ako ng maluwag. Pero agad ring bumalik ang kaba ko ng makita ko si Irish na nag lalakad sa Hall way. Na mag isa!

"Irish!" Tawag ko sa kanya at dali daling lumapit.

"Nasan ang mga anak ko?"

"Nakay Dr. Jason sila. May pinagawa kasi sakin e" Sagot niya 

"Sino yun?" Kinakabahang tanong ko.

"Si Doc jason galing sa maynila isa rin siya sa mga member ng medical team. Wag kang mag alala mapag kakatiwalaan siya, kaibigan siya ng boy friend ko kaya kaibigan ko narin yon." Sagot niya

"Ayun ba siya?" Tanong ni Mica at tinuro ang isang matiponong lalaki.

"Oo siya yun." Sagot ni Irish kaya lumapit ako sa lalaking yon.

Loko ang mga ito! Pinag pasa pasahan na ang mga anak ko!

"Doc." Agad kong inagaw ang atenton niya.

"Ow hi." Sagot niya.

"Yung mga batang iniwan sayo ni Nurse Irish asan sila?" Hinihingal na natong ko.

"Iniwan ko. Sila kay bigboss." Aniya kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Bigboss!? As in yung big boss ng medical team?" Parang takot ma tanong Mica.

"Oo. Wag kayong mag alala ayos lang sila don, mas safe sila kasi malayo sila sa mga pasyente rito. Pag kukunin niyo na sila sabihin niyo lang sakin ako kukuha kay boss." Saad niya. Nakahinga naman ako ng maayos.

"Jusko kala ko kung saan na makakarating ang mga junakis mo bessy." 

"Tss sana ibinalik mo nalang sila dito. Mukang nakakatakot panaman ang bigboss nila."

"Tara na mag trabaho na tayo. Mababalik naman sayo ang mga anak mo." Sabi ni Mica kaya naman bumalik na kami sa trabaho dahil dumadami ang mga pasyente namin.

Keezer POV

Hindi ako maka pag facus dahil sa dalawang batang nasa opisina ko. Hindi naman sila maingay pero naririnig ko silang nag uusap. Hindi ko lang talaga mapigilang tumingin sa kanilang dalawa.

"Ponpon, Keemer gusto." Rinig ko sabi masbata. Wari ko ay nasa tatlong taong gulang pa lang at ang isa naman ay limang taon.

"Wala na oh, naubus mo na." Sagot nung kuya niya at binaligtad ang plastik na kanina pa niya hawak. Nahulog ang mga balat ng ponkan sa sasahig pero agad rin pinulot nung kuya niya.

"Ponpon gusto Keemer!" Nagulat ako ng sumigaw yung bata. Dali dalinamang bumaba sa pag kakaupo yung kuya niya at lumapit sa kanya na naka upo sa sahig pero may inuupuan naman siyang carpet.

"Shh wag kang maingay, magagalit yung lalaki. Pag na galit siya palalabasin niya tayo. At mahihirapan nanaman si mama kung saan tayo iiwan. Kaya wag kanang umiyak." Rinig ko pag papatahan niya sa kapatid niya pero rinig ko parin ang pag hikbi niya habang pinapatahan ang kapatid.

"Saglit na lang uuwi na tayo." Garalgal ang boses nito habang patuloy parin sa pag papatahan sa naka babatang kapatid.

"M-mama usto kita Keemer, Keemer usto kita mama."

"Mamaya dadating na si Mama. Kukunin niya na tayo." Pangungumbinsi niya sa kapatid niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Mukang nagulat yung isang batang lalaki kaya dali dali niyang pinunasan ang luha niya.

"M-Mister pasyensya na po sa ginawa ng k-kapatid ko. S-sorry po." Halata ang takot sa mata niya. Kala mo tuloy kakainin ko siya.

Lumuhod ako sa harap niya para mag kapantay kami. Akmang hahawakan ko siya sa pisnge ng lumayo siya.

"P-pasensya na po talaga, p-patawarin niyo ho kami. W-wag mo po akong saktan." Lumuluha niyang saad. Nang makita kong sunud sunud na tumulo ang luha ay parang may humapas sa bandang dibdib ko. Nasasaktan ako habang nakikita ko siyang umiiyak. Hinawakan ko siya sa kamay at niyakap siya.

"Wag kanang umiyak hindi kita sasaktan." Saad ko habang hinahagod ang likod niya.

"Nasaan ba ang mga mugulang niyo?" Tanong ko at humiwalay ng yakap sa kanya.

"Si Mama po ay isang nurse rito sa hospital. Si papa naman simula ng ipanganak ako ay hindi ko nasiya nakilala. Ang sabi ni Mama nag tratrabaho lang si papa pero hindi ako na niniwala alam kong iniwan kami ni Papa. Pinakita ko na lang kay mama na naniniwala ako sa mga sinasabi niya dahil ayaw ko na siyang bigyan ng problema. Nasabi sakin ng kaibigan ni mama na pagdumami ang problema ni mama mapipilitan siyang umalis at mag abroad. Kaya habang nandito pa siya ayaw ko nang dagdagan ang probpema ni mama. Ayokong umalis siya at iwan kami sa kaibigan niya
Ayoko yun." Kwento niya at pinunasan ang luha niya "Gustohin ko mang wag magalit kay papa dahil yun ang sabi ni Mama pero hindi ko mapigilan wag magalit dahil kung nandito lang siya hindi mahihirapan si Mama at hindi kami iiwan ni mama para lang maka pag trabaho sa malayo. Kung nandito lang siya hindi namin mararamdaman to."

May parts sa mga sinabi niya na natamaan ako. I don't know ang weird dahil na sasaktan ako sa mga sinasabi niya.

Napaka bata pa niya para maranasan ang ganitong sitwastyo. Tss walang ama ang gugustuhing iwan ang anak at maranasan ang ganitong problema. Kung ako man ang mag kakaanak gagawin ko ang lahat para lang iparadam sa kanya na siya ang buhay ko.

_____

Hiding My Son From My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now