Chapter 31

25.6K 546 0
                                    

Chapter 31

Saraei POV

"Nakakapagod!" Reklamo ni Mica matapos naman asikasuhin ang sampung pasyenteng bagong panganak.

"Yung mga anak mo nakay bigboss nanaman?" Tanong niya.

"Oo, wala pa naman sila doc moyie sa susunod na araw pa ata sila babalik. Siya ka wala namang problema. Wala rin naman akong naririnig na problema mukang okay naman sila doon. Mukang mabait naman ang bigboss nila."

"Sino ba yung bigboss nila?" Muli niya natanong. Hindi na namin natapos ang pag uusap namin ng biglang dumating is Irish.

"Kaylangan kayo sa labas may dumating na mga gamit at gamot na nagaling manila. Kaylangan ipasok dito sa loob." Saad Irish. Pagod man kami ni Mica ay na pilitan kaming tumayo at lumabas ng hospital. 

Pag labas namin ay nakita namin na may limang van na naka pili sa labas ng hospital. Ang mga medical team na galing sa manila ay nag tulong na ilabas ang mga gamit kaya naman tumulong na kami ni Mica.

Habang nag lalabas ako ay may namukaan ako. Kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Josh?" Pangingilala ko rito agad naman siyang lumingon sakin. Nagulat rin ito pero agad na ngumiti

"Mrs.Maderson!" Sigaw niya aambang yayakap na siya sakin ng pitikin ko siya sa noo. Kaya naman agad niyang hinawakan yon.

"Aww!" Reklamo siya pa. Simaaan ko naman siya ng tingin.

"Tigil tigilan mo nga ako josh." Inis na sabi ko. Kasi naman nung sumigaw siya ay nag tinginan ang ibang nurse samin yung iba ay halatang kilala ako.

"Binibiro lang kita e! Napaka ano mo kamo!" Inis na sabi niya.

"Bwisit ka kasi!"

"Wow ikaw nga tong may atraso sakin e!" Halatang may pag ka sarkastiko niyang sabi.

"Ano naman yon."

"Hindi ka nag paalam aalis ka pala! Kay doc keezer ko lang nalaman na hiwalay kayo." Nag tatampong saad niya at pinatong ang kahon na hawak niya sa gilid. Ngumit naman ako sa kanya at inakbayan siya.

"Sorry naman. Kaylangan ko na kasing umalis e." Sagot ko.

"Iniwan mo ko ate Saraie!" 

Para siyang bata habang naka labi kaya naman kinurot ko ang pisnge niya. Nag matured naman ang muka niya kaso hindi ang ugali niya.

"Bakit ka nandito? Diba may pasok ka tuwing sabado at linggo?" Takang tanong ko at bumalik uliit sa pag bubuhat.

"Kumuha ako ng pases para maka sama. Puno kasi ang duty ni Doc Keezer dito kaya naman kaylangan ko siyang tulungan."

Keezer? KEEZER?

"Andito si Keezer?!" Gulat na tanong ko. 

"Oo. Siya ang nag Lead ng Medical team normal lang na nadito siya? Bat pa parang takot na takot ka? Hindi mo na siya asawa ngayon kaya hindi kana niya masasaktan." Saad niya. Maslalo tuloy akong kinabahan. Ibig sabihin may posibleng makita niya ko? Makita niya kami----"

"Ayos na ang lahat?" Halos mang lamig ako sa kinatatayuan ko ng parining ko ang boses niya. Kaya dali dali akong tumalikod.

"Ayos na Doc Keezer!" Masiglang sagot ni Keezer. Ramdam ko naman ang pagtingin niya sa gawi namin. 

Habang patagal ng matagal ay may naririnig ang hakbang papalapit sa gawi ko. 

"Ipasok niyo na" Saad niya. Hindi nako maka galaw sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses niya sa likod ko habang kausap si Josh.

'Putang'namessss aatakihin nako sa puso!!!!'

_____

Hiding My Son From My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now