16. Sydros

31.9K 1.9K 211
                                    

SYDROS

[Xena]

Nakarating kami sa bayan ng Sydros. Parang ordinaryong bayan lamang ito at hindi gaano maingay o magulo. I can't help but to remember the town where I lived, Gretta.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin pero mula nang makarating kami sa Sydros ay nanatiling tahimik si Raze.

"We'll stay here for a couple of days," biglaang sambit ni Zairah.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit? Kailangan nating makapunta sa Frencide sa lalong madaling panahon," giit ko.

Napaismid si Zairah sa sinabi ko at deretsong tumingin sa akin. "Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko kanina? Ibang route 'tong pinuntahan natin. Kaya hindi ito dinadaanan ng iba ay dahil doon," sambit ni Zairah, sabay turo sa portal sa gitna ng capital ng Sydros.

"Once a week lang gumagana 'yang portal. Natural lang na walang dadaan sa city na 'to," walang ganang dagdag niya.

Natigilan ako nang makita ang portal na tinutukoy niya. Hindi na 'ko nakipagtalo pa at sumang-ayon na lang.

"At isa pa," muling sambit ni Zairah. Tinignan nito ang mga itsura namin ni Tana at Raze. "Umalis kayo ng Mageía High ng hindi nagdadala ng gamit?" nakakunot noong tanong nito.

Natauhan ako sa sinabi niya at umangat ang parehong kilay ko. Pare-pareho kaming napaiwas ng tingin nina Raze. Nawala sa isip kong magdala ng kahit anong gamit.

Napasinghap na lamang si Zairah sa inakto naming tatlo at tawa ang naging reaksyon ni Lei.

"How about some money? Come on, of course may dala kayo hindi ba?" muling sambit ng babaeng kaharap namin.

Wala ulit nakasagot sa aming tatlo at nanatili kaming nakaiwas ng tingin.

"Are you freaking kidding me?!" iritadong sambit ni Zairah. Balak na kami nitong sugurin nang mabilis siyang pinigilan ni Lei.

"Pupunta kayo ng Frencide na walang dalang pera o kahit anong gamit?! Baka pati ang mga utak niyo ay nakalimutan niyo na ring dalhin?!" inis na dagdag niya.

Napaismid sa sinabi nito si Raze habang mukhang paiyak na naman si Tana. Napabuntong-hininga na lang ako sa reaksyon ng dalawa kong kasama.

"Look, we're sorry okay? Nawala sa isip namin."

Hindi ko alam kung bakit mukhang kami pa ang may mali rito at ang pinapagalitan. Sa pagkakaalala ko ay si Zairah mismo ang nagpresenta na dalhin kami sa Frencide.

Huminga nang malalim si Zairah at pinakalma nito ang sarili niya. "Okay. Dahil ilang araw rin tayo rito ay gumawa kayo ng paraan para kumita kayo. You're witches. Kadalasan ay mas gusto ng mga tao na humingi ng tulong sa atin," pangunguna niya.

May inabot ito sa akin na parang ordinaryong papel lamang.

"Ano 'to?" marahang tanong ko.

"I've casted a spell on that piece of paper. Gamitin niyo 'yan para mahanap niyo 'ko. Maghahanap lang ako ng matutuluyan natin ngayong gabi. Siguraduhin niyong kikita kayo ngayong araw."

Nauna na itong umalis at iniwan kami nina Lei at ng mga kasama ko sa gitna ng capital.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Lei, na iniwan din ni Zairah kasama kami.

Tawa ang pinakita sa akin ni Lei at napakamot ito sa ulo niya.

"Hehe. Wala rin akong dala eh."

Napangiwi ako sa sinabi niya at napabuntong-hininga na lang. Nalipat ang tingin ko sa dalawa kong kasama na may kani-kaniyang mundo.

Mas maganda kung may kasama kaming humanap ng pwedeng trabaho.

Napunta ang tingin ko kay Raze na matalim ang tingin sa paligid at kay Tana na nagpipigil ng luha dahil pinagalitan kami ni Zairah.

Kahit saan ko tignan ay hindi sila pwedeng magkasama. Malamang sa malamang ay iyak ang aabutin ni Tana kapag kasama nito si Raze.

Hindi rin pwedeng magkasama si Raze at Lei dahil hindi pa rin maganda ang relasyon nila sa isa't isa.

Napabuntong-hininga na lang ako. So, no choice.

"Lei, magsama kayo ni Tana. Magkita tayo rito kapag lumubog na ang araw," sambit ko kay Lei.

Walang umangal sa kanilang dalawa. Bagkus ay naging masigla pa nga sila. Hindi na 'ko magtataka dahil madali lang namang magkasundo ang mga isip bata.

"And you, you're coming with me," ma-awtoridad na sambit ko kay Raze.

Napaismid ito bago sumunod sa akin sa paglalakad. Inilibot namin ang capital at tumingin ng mga tindahan na mukhang nangangailangan ng sobrang tulong.

Hindi nagtagal ay nakahanap kami ng isang tindahan na mukhang kulang sa trabahador. Nabigla ako nang mabilis kaming tinanggap ng may-ari nang malaman nitong pareho kaming witch ni Raze. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Zairah na madali lang kaming makakahanap ng trabaho rito.

Isang kainan ang napasukan namin ni Raze. Hindi kami nahirapan sa trabaho dahil gamit ang mga spells ay napadali namin ang paggawa ng mga ito.

"Thank you po!" nakangiting sambit ko sa may-ari nang bayaran na kami nito.

"Sige, bukas ulit!" masiglang sagot niya.

Mabilis na natapos ang trabaho naming dalawa ni Raze. Medyo maliwanag pa at ang usapan namin nina Lei ay gabi pa kami magkikita-kita.

"You want to roam around?" marahang tanong ko sa lalaking kasama ko.

Hindi ako sinagot nito bagkus ay sinundan niya lang ako sa paglalakad. Pasimple akong napasimangot sa malamig niyang sagot. Ano bang problema nito?

Naglakad-lakad kami ni Raze sa capital ng Sydros. Dahil pagabi na, karamihan sa mga tindahan ay nagsisimula na ring magsara. Sobrang payapa ng Sydros lalo na kapag hapon.

"Woah," namamanghang sambit ko nang maaninag ko ang kalangitan.

Naghahalo ang iba't ibang kulay at hindi maipagkakaila ang kagandahan nito. Balak ko pa sanang pagmasdan ito nang matagal nang hindi ko na maabot ang tanawin dahil sa mataas na bahay sa Capital.

"Tsk," mahinang pagrereklamo ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Raze sa inakto ko. Nabigla na lamang ako nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako sa kung saan.

"E-Eh? Saan tayo pupunta?"

Hindi ako sinagot ng lalaking kasama ko at nagpatuloy lang 'to sa paghila sa akin. Nagpasikot-sikot kami ni Raze sa mga daanan.

Balak ko na sanang magreklamo sa kaniya pero natigilan ako nang makarating kami sa labasan ng eskinita na dinaanan namin. Bumungad sa akin ang karagatan kung saan mas lalo kong tanaw ang paglubog ng araw.

Hindi ko magawang makapagsalita at nanatiling nakapako ang tingin ko sa napakagandang tanawin. Wala akong kaalam-alam na malapit pala sa dagat ang bayan ng Sydros.

"W-Woah, paano mo nalaman 'tong lugar na 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaking kasama ko.

Hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa dagat at sa palubog na araw. Parang kumikislap ang mga mata kong nakatingin dito.

"I used to go here whenever I feel sad," kaswal na sagot ni Raze.

Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang sinabi niya. Unti-unti akong natauhan at napaawang ang bibig ko. Mabilis na napunta ang tingin ko kay Raze na kapwa ko ay nanatiling nakatingin sa dagat.

"H-Huh?"

Sinagot ako ni Raze ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Nanatiling nakatutok sa karagatan ang pares ng mga mata niya.

"This is where I was born. Grew up. And became an orphan."

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now