29. Second Disciple

27.8K 1.6K 103
                                    

Second disciple

[Xena]

Napaismid ako sa sinabi ng babaeng kaharap namin. Walang ni isa sa mga kasama ko ang sumagot sa tanong niya.

Tanging kami lamang ni Lei ang nakakita at nakakaalam ng pagkawala ng pang limang Disciple. Ang alam ng iba ay natakasan namin ito.

"Shut the hell up woman. Wala kaming alam sa sinasabi mo," giit ni Raze rito.

Napunta sa kaniya ang tingin ng babaeng Disciple. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa tingin nito.

"Ya? Then tell me kid. Saan kayo nanggaling? Bakit kayo nandito?" tanong ng babae.

"Wala kaming obligasyon na sagutin ang tanong mo. Tulad ng sinabi ng kasama ko, hindi namin alam ang tinutukoy mo," sagot ni Zairah.

Nagbago ang ekspresyon ng babaeng kaharap namin dahil sa sinabi ng kasama ko. I can feel the tension between us, and it's suffocating.

Pinagmasdan kami nito mabuti at tumagal ng ilang segundo bago ito natawa mag-isa.

"Well, yeah. Sorry about that kids," natatawang sambit ng Disciple habang umiiling.

"Of course. Bakit ko nga ba kayo pagbibintangan, eh mga bata lang kayo. Baka nga hindi pa kayo marunong gumamit ng matinong spell," dagdag niya.

Humigpit ang pagkakasara ng kamao sa sinabi nito. Alam ko ring nagtitimpi lang sa kaniya ang mga kasama ko.

Patalon siyang bumaba sa mga strings. "Well then. Goodbye. Have fun in your camp fire," pagpapaalam ng Disciple.

Nagsimula na kaming talikuran nito at maglakad nang may pahabol pa itong sinabi.

"Oh, by the way. I almost forgot to mention. The kid with the blonde hair." She glanced at Lei. "That was an amazing spell you did there...."

"You really are a noble. The son of the Frencide's ruler to be exact."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa kabila ng mabilis na pangyayari. Huli na bago matauhan ang mga kasama ko at isang patalim ang tumama sa balikat ni Lei.

"Lei!" tawag namin.

Napaismid si Raze sa ginawa nito. "Fotiá!" mabilis na sambit niya.

Lumabas ang apoy nang bumuga si Raze at pumunta ito patungo sa Disciple.

"apokroúo."

Nag-echo ang boses ng Disciple. Imbis sa kaniya ito tumama ay pumunta ang apoy na ginawa ni Raze papunta kay Zairah. Buti na lang at mabilis na nakakilos si Zairah at naiwasan ito.

"What the hell are you doing?!" Zairah exclaimed.

Hindi nakasagot si Raze na hindi rin makapaniwala at naguguluhan din sa nangyari. Sa parehong pagkakataon ay namilog ang mga mata ko nang masaksihan ang nangyari.

She repelled the spell.... She freaking repelled it!

"I hate liars, kids!" natatawang sambit ng Disciple.

Mukha itong nasisiraan na ng bait.

"Nasaan si Neo?! Nasaan?!" muling sambit nito.

Kung kanina ay nanatili itong kalmado ay nanlilisik na ngayon ang mga mata niya sa amin.

Bago pa ito muling gumawa ng spell ay kinuha ko na ang mga atensyon ng mga kasama ko.

"Takbo!" malakas na sambit ko. Mabilis kong nakuha ang mga atensyon nila.

Tumango ang mga kasama ko at tumakbo kami sa magkakaibang direksyon. Raze and Tana went to different directions. Habang si Zairah naman ay akay-akay si Lei at tumakbo rin sa ibang direksyon.

Tulad nila ay nagsimula na rin akong tumakbo. Maguguluhan ngayon ang Disciple kung sino ang hahabulin sa amin. Hiling ko nga lang ay ako ang habulin niya.

Habang tumatakbo ay tinapunan ko ng tingin ang Disciple at laki ang pagtataka ko nang hindi ito gumagalaw sa pwesto niya. Bagkus ay nagawa pa nitong ngumisi.

"klónous," walang kaemo-emosyong sambit niya.

Isang matinis na tunog ang dumaan sa tenga ko, sa parehong pagkakataon ay parang nanlabo ang paningin ko sa loob ng ilang segundo.

Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Nanlulumo akong nakatingin sa kaniya.

A Cipher Spell.

"Hinto!" malakas na sigaw ko sa mga kasama ko.

Mukha namang narinig nila 'ko dahil hindi pa sila gaanong nakalalayo. Sabay-sabay silang huminto sa pagtakbo dahil sa sinabi ko.

Hinintay ko ang epekto ng spell at tama nga ang hinala ko. Unti-unting umangat at namuo ang lupa sa harapan ng mga kasama ko. Isa-isa itong nabuo sa iisang mukha... kamukhang-kamukha ng Disciple.

She freaking cloned herself.

"Walang makakatakas sa akin," natatawang sambit ng Disciple.

Nawala ang tingin ko sa kaniya at napunta ang tingin ko sa clone na nasa harapan ko rin.

"neró," bigkas ko. "véli."

Lumabas ang mga tubig sa lupa at naghugis itong palaso. Nagsimula silang magsipunta sa clone na kaharap ko.

"Na stamatísei," sambit ng clone.

Nabigla ako nang huminto sa ere ang mga palasong gawa sa tubig.

Namilog ang mga mata ko sa pagkabigla.

That's impossible! Her clones can use spells too?!

"apokroúo," muling sambit ng clone na kaharap ko.

Nagsiharapan sa akin ang mga palasong gawa sa tubig at sunod-sunod silang nagsisuguran sa akin.

"empódio," mabilis na bigkas ko.

Lumabas ang isang barrier sa harap ko pero may nagawang nakapasok na isang palaso dahilan ng pagtama nito sa braso ko.

Napaismid na lamang ako nang hinila ko paalis ang palaso na kusang natunaw at naging tubig nang alisin ko.

Nang balikan ko ng tingin ang babaeng kalaban namin at kaswal na siyang nakaupo sa strings sa itaas ng apoy.

Bwisit. Dahil sa ginawa niya ay parang limang Disciple rin ang kalaban namin.

Mukhang wala kaming choice kung hindi lumaban. Pero kung gusto naming manalo ay kailangan sa totoong katawan kami sumugod.

Balak ko na sanang sabihin sa mga kasama ko ang nasa isip ko pero mukhang napagtanto na rin nila ito kaagad.

"ilektrikí enérgeia," Rinig kong sambit ni Raze.

I saw a lightning, followed by a thunder. It strucked in front of Raze, making a spear made in electricity. Hindi siya nagdalawang isip na patamain ito sa Disciple na kaharap namin.

Nakaupo lamang ang Disciple sa strings. Nakalagay ang baba niya sa kaliwang palad at walang gana niyang itinaas ang kanang kamay niya.

"píso se sas," walang kaemo-emosyong sambit niya.

Pare-pareho kaming natigilan nang imbis sa kaniya tumama ang sibat ay bumalik ito kay Raze.

"Raze!" tawag ko.

"elefthérosi !" mabilis na bigkas ni Raze.

Nagawa niya itong patigilin ngunit nagawa pa ring tumama ng dulo ng sibat sa dibdib niya. Kita ko ang unti-unting paglabas ng pulang likido sa damit ni Raze.

Umalingawngaw ang tawa ng Disciple sa nangyari.

"Hindi niyo 'ko magagawang hawakan o galusan man lang. Ibang-iba ako sa mga Disciples na nakaharap ninyo. Hindi hamak na mas malakas ako sa pinagsama-samang lakas nila," taas noong sambit ng Disciple.

Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko sa sinabi niya. Nag-iigting ang bagang ko at nagkukuskos ang mga ngipin.

"Come on kids. Entertain me more."

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon