28. Rest

28.7K 1.8K 403
                                    

REST

[Xena]

Kahit sa nangyari ay nagawa naming makatawid sa border ng mga kasama ko. Ito na ang huling bayan na daraanan namin.

Ang sunod na border na mapupuntahan namin ay ang border na ng Frencide.

Hindi ko inaasahan na may makakaharap kaming mga Disciples sa huling bayan. At dahil doon ay wala sa oras kaming napalaban.

Napatingin ako sa nanginginig kong kamay. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong gamitin ang spell na 'yon sa isang indibidwal.

At that moment... all I can see was darkness... an obstacle—in front of me.

Biglang nanlabo ang paningin ko at nawalan ako ng balanse. Pero bago pa 'ko tuluyang matumba ay naramdaman ko ang paghawak sa akin ng kung sino.

Tinignan ko ang lalaking sumalo sa akin at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Raze. Pinagmasdan ako nito mabuti at humigpit ang pagkakahawak niya sa akin bago siya umismid.

"Let's stay here for tonight. Bukas na tayo magsimulang maglakad."

Mabilis akong napatayo nang maayos sa sinabi niya. "No, we can't afford to waste time," giit ko.

"Shut the hell up. Hindi tayo sigurado kung ano ang mga nag-aabang satin sa Frencide. Wala kang laban kapag ganiyan ang kalagayan mo," sagot niya. "At isa pa, hindi lang ikaw ang lumaban Xena. Ilang araw na tayong naglalakbay at wala pa tayong maayos na kain at pahinga. Wag muna nating ipilit. Kaya pa nating humabol."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Raze at pinagmasdan ko ang mga kasama namin. Doon ako natauhan na hindi lang ako ang napapagod ngayon. Ayoko silang pilitin.

Bumaba ang tingin ko. "Naiintindihan ko."

Napagpasyahan naming lahat na magpahinga muna rito sa gitna ng gubat. Kahit oras ang matinding kalaban ko rito ay ayoko ring abusuhin ang sarili ko.

"flotér," sambit ko.

Nagsilutangan ang mga maliliit na kahoy sa direksyon na itinuro ko.

"Fotiá," dagdag ni Zairah.

Lumabas ang apoy at nagsilbing panggatong ang mga kahoy. Umupo kami sa malalaking bato at nagpahinga.

"We're going to look for food," biglaang sambit ni Raze.

Kapwa niya ay tumayo rin si Lei para sumama sa kaniyang maghanap ng pagkain.

"A-Ah! Sasama rin ako," pagpresenta ni Tana.

Tatlo silang umalis sa pwesto namin para maghanap ng makakain. Tanging kami lamang ni Zairah ang naiwan.

"You're pretty lucky," biglaang sambit ng babaeng kasama ko.

Napunta ang tingin ko rito nang bigla siyang magsalita.

"Ha?" Pagtataka ko.

Nanatiling nasa apoy ang mga tingin niya habang nagsasalita.

"I mean, you've just met them right? Yet, they're already a fond of you."

Nabigla ako sa sinabi ni Zairah at hindi ko nagawang makasagot. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

"Well, mukhang normal lang naman na maging gano'n ang trato sa'yo ni Tana. But Raze? Jeez. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko na magkakaroon ng paki sa ibang tao ang lalaking 'yon," muling sambit niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses na nag-usap kami ng ganito.

"To be honest, I think Raze has the softest heart here," natatawang sagot ko.

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now