47. The future

25.3K 1.5K 71
                                    

THE FUTURE

[Lei]

Matapos 'kong mahiwalay kina Zairah at Tana ay mabilis kong inikot ang kastilyo. Ngayong gabi na ang blue moon, at nagsimula na ang plano namin... pero hindi kaagad ako sumama sa kanila.

Kahit pa sabihin na wala silang paki sa akin at pinapabayaan lang nila ako ay hindi mawawala ang katotohanang mga magulang ko pa rin sila.

I really like to see Xena and Raze but at the same time, I wanted to make sure that both of my parents were safe.

Sigurado akong kasama nila ang council ngayon.

Lakad at takbo ang ginawa ko. Tinitignan ko ang kada kwartong nadaraanan ko. Kailangan ko ring bilisan dahil alam kong kailangan nina Tana ngayon ang tulong ko.

Nasa paghahanap ang buong atensyon ko at hindi ko namalayan na may kalaban na pala akong kaharap. Hindi ko siya kaagad napansin at natauhan na lang ako nang magbigkas siya ng spell.

"lepídes neroú."

Lumabas ang mga blades na gawa sa tubig at nagsipuntahan ito sa akin. Mabilis ko itong iniwasan pero nagalusan pa rin ako ng isa.

Tumama itong sa kanang braso ko. Balak ko na sana itong takpan para hindi na tumulo ang dugo pero nabigla ako nang wala akong maramdaman na sakit.

Nang tignan ko ang braso ko ay wala itong sugat man lang. Kumunot ang noo ko nang tignan ko 'to. Paanong?-

Kahit naguguluhan ako ay mabilis kong iniling ang ulo ko at hindi ko na muna ito pinansin. Binigay ko ang tuon ko sa kaharap ko. Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras dito.

Huminga ako nang malalim bago bigkasin ang spell na gagamitin ko. Isa ito sa mga spells na ako mismo ang gumawa at maipagmamalaki ko.

"vrykólakas."

Lumabas ang bilog at mga simbolo sa tinatapakan ng tagasilbi ng mga Disciples. Lumabas ang dilaw na liwanag sa tinatapakan niya. Nabigla ito sa ginawa ko at hindi kaagad nakakilos.

Nang akmang tatakbo na siya papalayo rito ay natigilan siya sa paggalaw. Para bang literal na huminto siya sa ere.

Nang tumagal ng limang segundo at hindi pa rin siya gumagawa ng kahit anong kilos, dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

Nang nakalapit ako ay sinibukan ko siyang pitikin pero wala pa rin siyang kibo. Unti-unting kumurba ang labi ko sa isang ngisi.

I freaking did it. I have my own zombie.

"Take me where the members of the council are," ma-awtoridad na sambit ko.

Hindi sumagot sa akin ang kaharap ko bagkus ay nagsimula na itong maglakad. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at sumunod ako sa kaniya.

Naglakad kami sa pinakadulong parte ng kastilyo sa ika-apat na palapag. Huminto sa harap ng isang pinto ang kasama ko.

Mabilis akong pumasok sa silid na hinintuan niya at halo-halo ang naging reaksyon ko. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang parehong magulang ko. They're both still breathing.

But I'm not sure if I'm going to be happy about it or not. Pareho pa silang buhay pero pareho rin silang walang malay.

Hindi lamang sila kung hindi lahat ng taong nasa silid na ito. Nandito rin ang ibang myembro ng mga councils.

Hindi ako makapaniwalang natalo silang lahat ng mga Disciples. It only means that they're too strong, or hindi inaasahan ng council ang pag-atake nila.

May posibilidad na may pinagkakatiwalaan sila sa mga myembro ng mga Disciples.

Muli kong tinignan ang mga magulang ko. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at kinuyom ang kamao.

I'll find a way to break the spell. Sigurado rin akong malaki ang maitutulong sa akin ni Xena.

Tinapunan ko ng tingin ang tagasilbi ng mga Disciples na ginawa kong zombie ko.

"Guard them. Make sure they're safe at all cost."

Dahan-dahan itong tumango sa sinabi ko na para bang naiintindihan ako. Isang oras lang ang epekto ng spell na ginawa ko pero alam kong malaking tulong na ito.

Mabilis akong umalis at lumabas ng kastilyo. Kailangan ko ng tumulong sa mga kasama ko.

Sinunod ko ang plano namin. Pumunta ako sa west part ng Frencide para puntahan ang mga sibilyan. Sa iba't ibang parte kami nakatoka na kailangan naming puntahan. Kailangan naming makisugurado na walang mapapahamak sa kanila.

"Go to the capital!" malakas na sigaw ko sa kada bahay na nadaraanan ko.

Iyon ang sinabi ni Xena sa amin. Papuntahin namin ang lahat ng sibilyan sa capital at doon namin sila poprotektahan. Sa laki ng Frencide at sa dinami-rami ng mga mamamayan dito ay mahihirapan kaming tulungan sila kung kalat-kalat sila.

Habang pinapatakbo ko ang mga tao ay napako ang tingin ko sa ilang mga tagasilbi ng mga Disciples.

Hindi ako nagdalawang isip pang atakihin ang mga 'to.

Balak ko na sanang magbigkas ng spell nang mabigla ako sa pagdami nila. Doon ko lang napansin na napalilibutan na nila ako.

Napaismid ako nang umikot ang tingin ko sa kanila.

Freaking idiots. Hindi ko alam na ganito na pala karami ang mga nauto ng mga Disciples. But I can't just stand here.

Habang nag-iisip ng paraan para magawa ko silang atakihin lahat, bigla na lamang akong nakarinig ng mga spells.

"Fotiá!"

"neró."

"gi!"

Sunod-sunod ang mga basic spells na narinig ko. Mabilis na napunta ang tingin ko sa mga gumawa n'on at tila nanlambot ang puso ko sa bumungad sa akin.

"Don't worry! We will help you!" sambit sa akin ng isa sa mga batang tumulong sa akin.

May mga hawak pa silang wands para mapadali ang paggamit nila ng mga spells.

"We are also witches kuya!" dagdag ng isa.

I was too stunned to speak—dumbfouded. Unti-unting kumurba ang labi ko sa mga sinabi nila.

"Thanks! Malaki ang naitulong ninyo sa akin!"

Itinapat ko ang kamay ko sa lupa. I can't afford losing now that I have audiences.

They are the little witches.

The future.

Pinakiramdaman ko ang mga kilos ng kalaban. Nang nagsimula na silang gumalaw ay mabilis kong binigkas ang spell.

"ánthropos trógon gi."

Naramdaman namin ang paggalaw ng lupa. Lumabas ang malaking bilog dito at ang mga simbolo. Mabilis na naghugis bunganga ang mga tinapatakan ng mga Disciples, at isa-isa silang nilamon nito.

Medyo nawalan ako ng balanse sa ginawa ko, at kaunti ring nanlabo ang paningin ko. Using two Rank SS spells in a row drained me... I don't think I can do more spells now...

I heard the kids cheering me. Pilit akong napangiti sa ginawa nila.

Hindi dapat ako ang chini-cheer nila ngayon....

The greatest witch of all time is fighting for us right now.

"Go kids! Pumunta kayo sa capital!" sambit ko sa mga bata.

Pare-parehong sumaludo sa akin ang mga bata at sumunod sa sinabi ko. Isang ngiti ang sinagot ko sa kanila.

Kahit na medyo nanghihina, tinuloy ko pa rin ang tungkulin ko at muli akong naglibot sa bayan para tignan kung meron pang mga taong naiwan.

Paika-ika akong naglalakad at pilit kong binabalanse ang katawan ko. Nagsisimula na 'kong magpapikit-pikit nang may nakakuha ng atensyon ko.

Mabilis na luminaw ang mga mata ko nang makakita ko ang isang pamilyar na lalaki.

Raze is fighting one of the Disciples.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon