30. Witch

28.5K 2.3K 686
                                    

WITCH

[Xena]

Tanging pag-ismid na lamang ang nagawa namin ng mga kasama ko. She's not in the second place for nothing.

"Ya, kids. Papunta kayo sa Frencide hindi ba? Ano naman ang gagawin niyo roon? Bawal ang mga bata roon." Pag-iiba ng babaeng kaharap namin.

Nanatili siyang kaswal na nakaupo sa strings at pinaglalaruan nito ang buhok niya.

I gritted my teeth out frustration—irritated and pissed. Pang myembro na ng council ang skills niya, o mas higit pa roon. Paniguradong pinaglalaruan niya lang kami ngayon at hindi pa siya nagseseryoso.

"Shut the hell up!" inis na sambit ni Zairah.

Itinapat nito ang palad niya sa lupa. "se apokaló-"

"katastréfo," pagsingit ng Disciple.

Parang nag-echo ang boses niya nang banggitin niya ang spell. Hindi naituloy ni Zairah ang pag-summon dahil sa spell na ginawa ng Disciple. Nagawa nitong patigilin ang pagbuo ng mga simbolo.

"na eínai mátaia," muling sambit ng Disciple.

Napakurap-kurap si Zairah sa pwesto niya na biglang nawalan ng balanse. Unti-unti siyang namutla na para bang hindi makahinga.

"Zairah!" pagtawag ni Lei.

Mas lalo akong nanlumo sa pwesto ko dahil sa ginamit na spell ng Disciple. Napako ang tingin ko kina Lei at Zairah.

Parang umuulit-ulit ang paghabol ng hininga ni Zairah sa tenga ko. Natauhan na lang ako nang muling banggitin ni Lei ang pangalan niya.

"katharízo!" mabilis na bigkas ko.

Bumalik sa dati ang kulay ng balat ni Zairah at nagawa nitong makahinga na ulit nang maayos.

"Oh? Ya, where did you learned that, kid?" Mabilis kong nakuha ang atenyon ng Disciple. Naagaw ko ang tingin niya.

"A cleansing spell. Where did ya learned that?" pag-uulit nito.

Hindi ko siya sinagot at nakipagtitigan lang ako sa kaniya. I don't owe her an answer.

"Ya. Tinatanong kita hindi ba?!" inis na sambit ng babae sa akin.

Muling nagbago ang akto at tono ng pananalita nito. Bumalik na naman siya sa pagiging may sira sa utak.

"When someone is asking you, ya freaking need to answer! Argh!" muling sambit ng Disciple. Sinasabunutan na nito ang sarili niya dahil sa sobrang pagkainis.

She's having a tantrum, as if she's a child.

"The fifth- I mean, Neo. I know where he is," seryosong sambit ko.

Nabigla sina Zairah sa narinig. "What are you doing Xena?!" naguguluhang sambit niya.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nasa Disciple ang tingin ko.

"If you let them go. I'll take you where he is," muli kong sambit.

Napalunok ako nang malalim. Sana ay kumagat siya sa pain. Pare-parehong may sugat ang mga kasama ko. Hindi ko na hahayaan na pati si Tana rin ay magkaroon.

She stopped doing a tantrum in an instant. "You'll take me to where he is?" marahang tanong ng Disciple. Muling nagbago ang ekspresyon at pag-akto nito. Her face softened and she slowly walked towards me.

For a moment I thought my planned worked.

Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na dulo ng patalim na unti-unting bumabaon sa sikmura ko.

Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon