32. The person I look up to

28.8K 1.8K 114
                                    

THE PERSON I LOOK UP TO

[Zairah]

I can't believe in what did just happened. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga naganap ngayon-ngayon lang.

The person that I've been looking for was with us the whole time. The person that I doubt to be exact.

No wonder why. Nang pumunta kami ni Lei sa Gretta para hanapin si Astria, wala kaming nakuhang patunay na roon nga talaga siya nakatira. Akala ko ay mali ang nakuha kong impormasyon.

Pero hindi ko alam na kasama ko na pala si Astria pabalik sa Bernice. Xena is the greatest witch of all time.

The witch that I've been looking for.... The person I look up to.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayon. Wala akong maipakitang emosyon sa sobrang saya ko. At last...

"Z-Zairah. Nanaginip lang ba ko?" biglaang sambit ni Lei.

Napaismid ako sa sinabi niya at diniinan ko ang kamay niyang nakatakip sa sugat niya. Napaaray ito sa sakit.

"Ano? Nanaginip ka pa rin ba?" sarkastikong sagot ko.

Tulad ko ay hindi rin makapaniwala si Lei sa nangyari. Alam kong hindi lamang siya kung hindi lahat kami. Lalong-lalo na siguro si Raze.

"A-Anong gagawin mo Zairah? Nahanap na natin siya!" marahang tanong ni Lei.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. Ayokong ipakita na sobra akong natutuwa sa nalaman ko lalo na't mukhang ako lang naman ang naging masaya sa nalaman.

I glanced at the guy not so close to me, making sure that he can hear me.

"Of course. Ipagpapatuloy ko pa rin ang pagsama kay Xena. Kagaya nang sinabi ko mula umpisa pa lang, dadalhin ko siya sa Frencide."

Tuluyan kong tinapunan ng tingin ang lalaki na kasama namin na nanatiling tahimik at nakayuko.

"You heard her Raze. Hindi ko alam kung anong meron sa pagitan niyo at ni Astria. Pero isipin mo muna na si Xena ang kasama natin," walang ganang sambit ko.

I know I'm being selfish right now. Hindi ko alam kung ano bang pinagdaanan ni Raze kaya sobra-sobra ang galit na pinapakita niya kay Astria.

Pero hindi ko hahayaan na masira n'on ang plano ng taong hinahangaan ko. Sisiguraduhin kong makararating si Xena sa Frencide ng walang galos. Mahahanap niya ang Grimoire.

"Come Lei, gagamutin ko ang sugat mo," tawag ko sa kababata ko.

Sinenyasan ko ito na sumunod sa akin. Mabilis akong naintindihan ni Lei at sumunod din ito kaagad.

Mas mabuting iwanan muna namin mag-isa si Raze.

"Tana, tara," pagtawag ko kay Tana.

Imbis na sumunod siya sa akin ay nanatili lang itong nakatayo sa kinatatayuan niya.

"A-Ah. Susunod din ako," nauutal na sagot nito.

Hindi ko siya sinagot at hinayaan ko na lang siyang manatili roon. Baka kahit pa paano ay mapagaan niya ang loob ni Raze.

Nauna akong maglakad at sinundan ako ni Lei na hawak-hawak ang sugat niya.

"A-Are you sure we should left him?" marahang tanong sa akin ng kasama ko.

"Of course I am," deretsong sagot ko. "Hindi ako 'yong tipo ng tao na nag-co-comfort. Mas mabuting hayaan na lang muna natin siya mag-isa."

Totoong hindi ako 'yong tipo na nagpapagaan ng loob ng isang tao. Alam ko sa aming lahat ay si Raze ang pinakanabigla ngayon.

What do I expect? That jerk liked Xena.

Hindi ako katulad ng ibang kasama ko para hindi mapansin 'yon. But now, his feelings got mixed.

His love for Xena, and hatred for Astria... how can he deal with his feelings?

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng lalaking kasama ko hanggang sa nakalayo kami ng hindi gaano. Huminto ako sa paglalakad at tinignan ang sugat na natamo ni Lei.

Marahan kong hinawakan ang balikat niya.

"Aray!" Reklamo nito.

Napaismid ako sa kaniya at diniinan ko pa lalo ang pagkakahawak ko.

"A-Aray sabi! Ano ba!" muli nitong giit.

Sumimangot ako rito bago ko kapain ang bag na dala ko. Alam ko ay may dala-dala akong healing potion.

Matapos ko itong halukayin ay nahanap ko rin ito kaagad.

"Wag kang gagalaw."

Tinignan ko mabuti ang sugat sa balikat niya at dahan-dahan itong niligyan ng healing potion. Mabilis lang ang epekto nito kaya sigurado akong mabilis ding gagaling ang sugat niya.

"Hey, Zairah," biglaang sambit ng lalaking kaharap ko.

Napatingin ako sa kaniya nang tawagin niya 'ko.

"Yeah?"

"Do you think Raze will really kill Xena after this?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at tila natigilan ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang healing potion na hawak-hawak ko.

"I don't know."

"I-I mean. He won't do it right? Kahit gaano niya pa kagalit si Astria. Hindi niya kayang saktan si Xena," nag-aalalang sambit ng lalaking kaharap ko.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. I hate to admit it but I'm not sure about that.

I know that Raze is not that kind of person. Pero iba ang nagagawa ng galit at sama ng loob. Lalo na kapag matagal na niya itong kinikimkim.

"I don't give a fuck about his revenge or hatred or whatsoever," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Sa sobrang diin ng pagkakasara ng kamao ko ay hindi ko namalayan unti-unting nagka-crack ang potion.

Kung darating sa puntong hindi kayang kontrolin ni Raze ang sarili niya ay hindi ako tutunganga lang. Hindi ko siya hahayaan na gawin ang gusto niya.

Alam kong wala akong alam tungkol sa kaniya at wala akong karapatan na pigilan siya. Pero matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na 'to

Astria is the person I look up to.

At kahit binigyan pa siya ng permiso mismo ni Xena na gawin ang kahit anong gusto niya sa oras na matapos ang lahat ng ito, hindi ko hahayaan na mapahamak niya si Xena.

I spent my life looking for her. And now I found her, I won't let her die just like that.

"Kung darating man sa puntong iyon. Ako mismo ang papatay kay Raze."


Mageía High: Grimoire of AstriaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora