Prolouge

35 2 1
                                    

"Hindi ka na ba namin mapipigilan?"

Nilingon ko sya, sobrang swerte ko na nakilala ko sya, sila.

Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sakanya.

Napabuntong hininga na lamang sya.

"Basta nandito lang kami, tawagan mo kami kapag nakarating kana doon"

"Tatawagan ko kayo, wag kayong mag-alala"

Dumaloy ang mumunting luha sa kanyang mata. Kumirot ang dibdib ko.

"Promise? You will call us?"

Niyakap ko sya.

"Promise"

Tumingala ako .

Ilang taon na ang nakakalipas simula ng nangyari ang lahat.

Ilang taon na ang nakakalipas ngunit heto pa din ako.

Umaasa sa kawalan.

Umaasa sa mga pangako natin na sabay nating ginawa.

Umaasa sa mga pangarap natin na sabay nating aabutin.

Umaasa na sana ay panaginip lang lahat.

"ELLLLLEEEEEE!!!"

Isang matinis na boses ang sumalubong sa akin sa labas ng airport.

Andito sila! Alam nilang dadating ako.

Hindi ko mapigilan ang tuwa na akibg nararamdaman.

I missed them .I fucking missed them!

"Akala mo masosorpresa mo kami kasi di mo sinabi kahit kanino samin na dadating ka?, Oh? Sino satin na sorpresa ngayon?" mataray na sabi ni Dy.

"Oo na! Ako na ang nasorpresa sainyo!" natatawang sabi ko sa katarayan nya

"Pero nakakatampo ka! Hindi ka man lang nagpasabi ! Kung hindi pa sinabi ni Kuya Steve di din namin malalaman!" nagtatampong sabi ni ram.

Natatawa nalang ako sakanila.

"Nasan si yohan?" takang tanong ni mitch. Tumingin din sila ng may pagtataka sakin.

"Nasa yaya nya nag cr na distract kasi ako sa mga boses nyo kaya medyo nauna ako "

"ayan na pala e hi baby yohan! Come here to tita!" excited na sabi ni Dy.
At ayun . Pinag agawan na nila si Yohan, my little angel, my son. Mapait akong napangiti.

It's been a years, and Im still here stuck with you.

"Elle?"

Pilit kong inaninag ang kubg sino mang nasa harapan ko ngayon.

argh! Fuck Im so drunk! sino ba to?

"Do I know you?" pilit kong inaayus ang sarili ko at baka manyakis ang isang to.

"It's me, William. Kailan kapa nakauwi?"

Pinagsingkit ko ang medyo singkit kong nga mata.

"Will?, Oh! It's really you!"

"Yeah , Kamusta? Ngayon lang ulit kita nakita sa loob ng ilang taon?"

"Oo nga e, Im doing good, ikaw?" Gwapo si Will, naging crush ko sya sa dami ng naging crush ko noon. Malaki pinagbago nya , mas lalo syang naging maskulado ngayon. Huling naalala ko sila ni Mica.

"Me too. Im happily married to Mica". Nakangiti nyang sabi.

Napa "oh" naman ako . So sila nga talagang dalawa ang nagkatuluyan.

"Wow! Congrats!"

"Thanks!, ikaw? Kasal kana din ba?" Napatitig ako sakanya sa biglaan nyang tanong.

"Nope. Im not" tipid kong sagot sakanya

"Why? I mean , you are in the right age to get married "

Napatawa naman ako.

"It's complicated" nakangiti kong sabi sakanya. And then we talk a lot to catch up what I missed .

arrgh! I swear kukutusan ko sina Dy dahil iniwan lang nila ako dito ng walang paalam. Pa gewang gewang akong naglalakad pababa ng parking lot. San ko ba naparking ang sasakyan ko? May dala ba akog sasakyan? Sinunsundan ko ang tunog ng sasakyan ko hanggang sa nakita ko na ito sa di kalayuan . Tatawid na sana ako sa kabilang parking ng may bigla na lamang sasakyan ang humarurot bigla , sa sobrang kaba ko na masagasaan napa atras ako .

Hindi.

May humablot sa braso ko!

"Are you damn crazy?!"

gulat akong napatingin sakanya.

Hindi.

Am I dreaming? Or dala lang ng alak? bigla akong nahilo sa kaisipang marami nga pala akong nainom na alak. I stared to the man infront of me again.

"You're drunk"

Hindi ako nakapag salita. Sobrang lasing na nga yata ako.

"Let's go home, Im done chasing" napapaos nyang sabi.

Nasa gitna pa din kami ng parking area.

"Elle.. I said let's go home"

Napatitig ako sakanya.

after all this years.

Im infront of you again.

Nakakatanga talaga.

When you are inlove to that person.

Tinalikuran ko sya.

"I am not drunk, and I am not going with you."

But who am I kidding?.

I still hate him.

I fucking hate him!

Chasing the Wild HeartWhere stories live. Discover now