Chapter 1

24 2 3
                                    

"Nakapag enroll kana ba?" tanong sakin ni mama

"Kahapon pa ma" sagot ko naman sakanya.

Next week na kasi ang pasukan. Pa grade 10 na ako ngayon . Hindi ko man lang maramdaman yung excitement na sinasinasabi nila kapag tuwing malapit na ang pasukan sa kaisipang may mga bago nanamang kaklase. Excited din naman ako kaso hindi ganun ka excited sa mga naging kaklase ko dati, halos laman ata ng newsfeed ko sa facebook ay about sa pasukan next week. Minsan mauumay ka nalang dahil kada scroll mo yun ng yun nalang ang makikita mo.

Napatitig ako sa cellphone ko ng may mag pop up na message sa messenger ko. Binuksan ko ang message at si Dy lang pala.

Denise Ynna: Nakapag enroll ka na ba?

Nagtype naman ako ng irereply sa kanya .

Elleana Xin: Kahapon pa .

Denise Ynna: Hala! Bat di mo ko sinabihan!

Elleana Xin: Aba! Malay ko bang enrolled ka na o hindi ! Hindi ka din naman nag chachat!

Denise Ynna: Hindi ka din naman nagchachat!

Napahalakhak ako sa mga chat ni Dy. Para kaming nga tanga

Elleana Xin: Baka sina Ram at Velle wala pa din sumabay kanalang sakanila, kasabay ko kasi kahapon si mitch e.

Denise Ynna: Sige ichachat ko nalang mamaya.

Napailing nalang ako habang nakatitig sa cellphone. Si Dy talaga kahit kailan . Lumabas ako ng kwarto at Magtatanghali na kasi at medyo nagugutom na din ako. Napansin ko din na may nagluluto sa kusina . Si kuya Steve pala.

"Hungry?" tanong nya habang may kung anong hinihiwa.

"Medyo. Ano yang niluluto mo?" curious kong tanong, hindi talaga kami friends nitong kusina namin e . May mga alam naman akong lutuin kaso puro mga fried lang . Hindi kagaya ni kuya steve na magaling talaga as in magaling. Pagkakaalam ko coockery kinuha nya since gr.9 at hanggang ngayong gr. 11 H.E sya. Baka gusto nya ata maging chef?

"Chicken Curry" napa "ahh" nalang ako sa sinabi nya . Pinanood ko nalang si kuya kubg pano sya magluto . Gusto ko din naman matuto kaso kapag sumusubok na ako kung hindi kulang sa nga panlasa ,kadalasan na o-over coocked .

"Tapos kana bang mag paenroll?" tanong ni kuya

"Yan din tanong ni mama kanina haha. Actually kahapon pa kasabay ko si mitch."

"Mabuti naman. ICT ka pa din ba?" tinitigan ko kung paano sya naglalagay ng sangkap don sa niluluto nya baka sakaling gayahin ko din sa susunod kapag gugustuhin kong magluto.

"Oo. Yun naman kinuha ko ng grade 9 eh sayang naman pinag aralan ko don kung mag iiba pa ako." mahilig talaga ako sa computer. Like gusto ko matuto kung paano mag edit , marami kasing nagagawa sa computer eh .

"Sabagay sayang nga yun. Pero grade 10 ka palang naman eh . Malay mo magbabago pa yan kung mag Senior high kana."

"I don't think so kuya. I like computers."

Nagkibit balikat na lamang sya sa sinabi ko.

Ilang minuto din ako nakatunganga sakanya  bago maluto yubg niluluto nyang chicken curry . Pinag sandok ako ng kanin ni kuya at sabay nadin kaming kumain, wala kasi si mama umalis na babyaheng manila to handle our business there , I don't have a father anymore, hiwalay sila ni mama since I am 4 years old , and now balita ko may sarili na din syang pamilya which is may kapatid ako sakanya sa bago nyang asawa, Okay na din naman kami ni mama , ni minsan hindi ako naghanap ng papa sakanya dahil nabibigay nya naman lahat ng gusto ko.She became a mother and a father to me kahit hindi kami lagi magkasama she make sure na nabibigay nya ang mga kailangan ko, naiintindihan ko naman si mama, dahil ang mga gingawa nya ay para din naman samin, sakin .

Chasing the Wild HeartWhere stories live. Discover now