Chapter 4

9 1 0
                                    

Sabado ngayon. Hindi natuloy ang audition kahapon dahil may klase pa sina Micah, kaya ipinostpone muna at sa Huwebes nalang daw ng hapon dahil vacant nila yun. Nandito lang ako sa kwarto nakatambay at nagpapatugtog lang ng mga random songs na uso ngayon. Sinasabayan ko na din ang kanta ni Conan Gray na Maniac  at napapa head bang na din ako sa beat ng biglang may kumatok sa kwarto. Im sure si kuya to. We don't have a maids here except for aling Nena na kada linggo pumupunta para maglinis ng kung meron mang lilinisin. Bumaba ako sa kama at pinagbuksan ng pinto si kuya.

"What's that?" kunoot noong tanong nya.

nagtataka din akong nakatingin sakanya.

"What?" tanong ko.

"I heard you are shouting or something?"

Nanlaki naman ang mata ko .

Anong tinutukoy nyang something?

"Grabe ka  naman kuya! Kumakanta lang ako!" nagtatampo kong sabi sakanya.

"Really? You sounds bad. Para kang naiipit na kambing." pang aasar nya na sinabayan pa ng tawa.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bumaba kana muna at kumain." sabi nya at ginulo ang buhok ko tas umalis na.

Inayos ko muna ang kwarto ko bago bumaba at dumiretso sa kusina. Nakita ko naman na nakahain don ang favorite kong spaghetti! Pinagluluto talaga ako ni kuya ng meryenda at spaghetti yun . Umupo na ako at kumain . Grabe ang sarap! swear uubusin ko talaga to! Naka tungtong pa ang isa kung paa sa isang bangko na malapit sakin. Nasa kalagitnaan ako ng pagmemeryenda ko ng may nag dodoorbell sa labas ng bahay.

Huh? May bisita kami? Busy sina Ram dahil may group work sila ganun din sina Dy.

"Kuya! May tao sa labas!" sigaw ko , nasa kwarto kasi si kuya.

"Kuya?!" tawag ko ulit sakanya . Ng walang sumagot napagpasyahan ko na puntahan nalang . Nagpunas muna ako ng mukha baka kasi may nagkalat pa na sauce sa mukha ko ,nakakahiya. Lumabas na ako at binuksan ang gate. Ganun na lamang ang gulat ko ng makita kung sino ang mga nasa harapan ko.

Sina Vince!

"Hi elle ! Andyan ba si steve?" tanong ni vince.

"Nasa loob, bakit?" sagot ko sakanya.

"Dito kami mag jajamming ngayon eh " sabat ni william

"Pasok kayo." at nilakihan ko ang  bukas ng gate, nagsipasok naman sila, huling pumasok si Van na naka earpods pa at may dalang gitara , seryoso lang sya na naglalakad papasok ,sinundan ko na lamang sya ng tingin bago  sinaraduhan ko naman ang gate ulit. Sumunod ako sa kanila. Pinauna naman nila ako ng papasok na ulit sa pintuan.

"Saglit lang, Tatawagin ko lang si Kuya, upo muna kayo. "

Tumango naman sila at nag si upo din . Umakyat ako sa taas at kinatok si kuya sa kwarto.

"Kuya? Kuya! Sina Van nasa baba ." pag sasabi ko naman.

"Saglit lang." sagot naman ni kuya .

Umalis na ako at bumaba ulit. Nag gigitara na ngayon si Vince at nag huhumm naman si William samantalang komportable namang naka upo si Van.

Tumikhim ako . At naagaw ko naman ang atensyon nila. Nailang pa ako ng tinitigan naman ako ni Van, ayan nanaman sya sa patitig-titig nya'ng yan .

"a-ah saglit lang daw sabi ni kuya."

"Okay lang elle. Baka baba na din yun"

Tumango lang ako at iniwan na sila ,dumiretso ako sa kusina kasi naudlot ang pagkain ko ng spaghetti! Binalikan ko ulit yung kinakain ko at narinig ko din na bumaba na si kuya.

Chasing the Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon