Chapter 7

3 2 0
                                    

Lunch na. At nandito kaming lima sa Danna's Eatery.
Kakatapos lang namin kumain at napagpasyahan na sumaglit munang tumambay dito, pareho kasing puro vacant ang first period namin mamayang hapon , friday kasi ngayon at mamaya ay may P.e nanaman kami.

"Hala! May nag react na pogi  sa IG ko." si dy na halatang naghaharot nanaman.

"stalk mo!" sabi ni velle.

Nagsikumpulan naman kami sakanya at inistalk nga nya.

"Parang kilala ko yan." kunot noo na sabi ni Ram.

"Talaga? Mukhang hindi taga dito, baka sa ibang School to?" tanong ni dy.

"Taga ibang School talaga yan. Si Eugene Dale Evaristo yan!" sabi ni Ram na animo'y tama sya sa sinasabi nya. EudaleEv kasi ang username nitong inistalk namin.

"Hala! Ang pogi nya gosh!" sabi ni mitch.

"Taga CNHS yan" sabi ni Ram

"Talaga? Pano mo nalaman?" takang tanong ni velle.

"eh famous din yan sa Fb eh, pakalat kalat sa nf ko." sabi ni Ram na para bang di sya interesado manlang.

"Pero pagkakaalam ko may jowa yan eh, nakikita ko kasi sa mga mydays nya sa fb." dagdag ni ram, bumusangot naman ang mukha ni dy.

"Ay taken na pala eh!" sabi ni velle na animo'y nanghinayang din.

"mag bebreak din sila noh!" bitter na sabi ni dy. Humalakhak naman kami sa sinabi nya, para kasi syang na broken hearted .
Nakikinig lang ako sa mga kwento nila, asar na asar talaga si dy ng nalaman nyang may girlfriend na yung si Eugene.

"Asar! Crush ko pa naman sya." nakangusong sabi ni dy

"Sus basta pogi crush mo agad eh." si mitch.

"Wow hiyang hiya sainyo teh! Syempre kung magkakacrush ka din naman sa pogi na! Kaya nga crush eh." depensa ni Dy

"Oh bat ka galet dyan. Wala ka lang pag asa sa crush mo nagsusungit kana" sabi ni velle.

"mag bebreak nga sila diba" parang sure na sure na sabi ni Dy.

"asuss pano mo nasabi? Paghihiwalayin mo ganun? Kailan kapa naging kontrabida ha?"

"Kasi nga walang forever!" masungit na sabi ni dy. Badtrip na badtrip talaga ang isa na to.

"Uy mag o-one thirty na!" sabi ni ram

"Tara na! Baka saraduhan pa tayo ng gate ni manong guard eh."

nagsitayuan naman kami at bumalik na sa school.

"Hindi ba sina Kuya steve yun?" turo ni mitch sa unahan namin at nakita nga namin sina Kuya di kalayuan samin na pabalik na din ng school.

"Kasama nila si Gracy?" takang tanong ni velle. Tinignan ko ulit sina kuya at may kasama nga silang babae, si Gracy nga yun ka batch din nina kuya pero ibang strand ang kinuha . Kilala ko si Graciana o Gracy  anak sya ng ex mayor   na si Ramulo Repizo.
Kasabay sya nina kuya pero kay Van sya sumasabay maglakad.

"Bat sila magkasama?" curious kong tanong.

"Hindi mo alam? I know you already know Gracy but I didn't know na hindi mo alam ang relasyon nya kay Van?" natatawang sabi ni Dy.

Relasyon? May relasyon sila? Silang dalawa ba?

"are they in a relationship?" tanong ko . Tinitigan naman ako ni dy bago magsalita.

"Hindi. Pero magkababata sila. And I don't know either kung anong status nila.Pero minsan ko ng nakita noon na magkasama silang dalawa at medyo sweet sa isa't isa." paliwanag ni Dy.

Chasing the Wild HeartWhere stories live. Discover now