Chapter 6

3 1 0
                                    

"Kuya! tara na! Malelate na ako!" kanina pa ako dito sa baba sa sala namin. Nalate kasing magising si kuya , nagreview ata kagabe kasi daw may exam sila. Hindi na nga sya nakapag luto ng almusal eh, kaya nakape nalang ako .

Mga ilang minuto pa ako nag hintay, 7:40 na at 8:00 start ng klase namin.

"Ang tagal mo naman!" reklamo ko sakanya.

"Sorry, tara na, pareho lang naman tayong malelate".

Nagkibit balikat nalang ako at lumabas na ng bahay. Nilock ko naman ang pinto at umuna na si kuya sa garahe para kunin ang sasakyan. Binuksan ko ang gate para makadaan naman sya at sinarado ulit at pumasok na sa kotse.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa school. Pagkaparking ni kuya bumaba ako agad.

"Kumain ka ng breakfast sa canteen! Bawal ka magutuman!" paalala ni kuya.
Kumaway nalang ako sakanya at dali daling naglakad papuntang room namin.
Pag dating ko sa room ay medyo nagkakagulo mga kaklase namin. Napakunot noo naman ako.

Anong meron?

Binaba ko ang bag ko sa upuan ko at umupo na. Kinalabit ko naman si crystal at nagtanong .

"Uy anong meron?" tanong ko sakanya.

"Huh?"takang tanong nya din.

"bat nagkakagulo kaklase natin?" nagtataka ko talagang tanong sakanya.

"Ah, yun ba? nagkokopyahan sila ng assignment sa math."  sabi niya.

"H-huh?" naguguluhan kong tanong.

"oo! May assignment kana ba?" tanong nya sakin.

"May assignment sa Math?!" gulat na tanong ko sakanya. Napalakas ata boses ko at nakatingin ang ibang kaklase namin samin. Hala! May assignment pala sa math! Oh my god I forget!

"wala ka pang assignment noh?" umiling naman ako sakanya bilang pagsang ayon. Kinuha nya naman notebook nya at iniabot sakin.

"Yes! Thank you crystal! Ililibre nalang kita sa Josephina mamaya!"

Agad ko namang kinuha ang notebook ko at kumopya na kay crystal. I swear next time , hindi na to mauulit! Ano nalamang sasabihin sakin ni kuya? my god!.

Pagkatapos kong kumopya ay binalik ko na din sakanya. Nag thank you ulit ako .Hindi din nag tagal pumasok na adviser namin at nagdiscuss . Nakinig naman ako kahit medyo wala akong naiintindihan sa mga lectures, halos lahat naman siguro lalo na sa math wala akong naiintindihan!. Natapos din ang discussion at sunod na subject namin is math.

"Good morning class!" bati ni Ms. Mingo samin.

Tumayo naman kami at binati sya.

"Good morning Maam!"

"Okay please sit down. So  Im not going to discuss today because we have a assembly meeting ,all of the mathematics teachers. "

Hindi pa natatapos ang sinasabi ni maam at marami ng nag iingay, basta talaga walang klase ang aactive.

"But, you need to submit your assignment right now, so get your assignment and pass it in front."

Pagkasabi naman ni maam na ipasa ang assignment namin ay kanya kanya naman namin kinuha mga notebook namin at ipinasa sa harap.

"So that's all for today ,good bye class!"   paalam nya samin.

"good bye maam!"

At kanya kanya ng mga pwesto at labas ang mga kaklase namin.  Bigla naman akong nakaramdam ng gutom , hindi nga pala ako kumain kanina.

"Crystal? Tara kain tayo?" anyaya ko sakanya.

Chasing the Wild HeartМесто, где живут истории. Откройте их для себя