Chapter 3

9 1 0
                                    

Magdadalawang linggo na noong nag simula ang pasukan. Papunta ako ngayon sa Mapeh Club para mag apply na maging member nila. Mahilig ako sa pagsasayaw kaya dito ko naisipan na sumali. Ganoon din sina velle at ram. Si Mitch ay nasa English Club sila ang naghahandle kapag may English literature program  at si Dy  naman at sa Yes-O club. Papunta ako ngayon sa Senior High nandoon kasi ang president ng Mapeh club at doon daw ako magpalista. Ako lang mag isa kasi nakapagpalista na sina ram noong isang araw pa , pinag isipan ko pa kasi kung sasali ako o hindi.Umakyat ako at Hinanap si Micah Echavez na kaklase pala nina kuya steve. Walang klase ng sumilip ako kaya pumasok ako hanggang sa pinto lang

"Excuse me, Good morning po, nandito po ba si Micah Echavez?"

Tumingin naman sila sakin. At medyo nailang ako buti nalang at wala pa si kuya dito nakakahiya pala to.

"Hello, Im micah , how can I help you?"

"Ah kasi magpapalista sana ako as a member of Mapeh club." sabi ko sa nais kong mangyari.

" Ah ganun ba, wait kuha lang ako ng papel."
bumalik naman sya sa upuan . Maya maya ay may biglang pumasok sa room nila , sina kuya steve ! At sa mismong gilid ko talaga sila dumaan.  Yumuko ako . Hindi ko alam kung bat ako nagtatago. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko.

"Elle?" Tumingala ako sa tumawag sakin si william.

"H-hi" nahihiya kong sabi

"Uy steve si elle nandito!" balita nya naman kay kuya.

"Elle? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni kuya

"Magpapalista kasi ako kay micah para sa mapeh club" pagpapaliwanag ko naman sakanya. At parang narinig din ni micah na binanggit ko ang pangalan nya kaya nandito ulit sya dala dala ang notebook.

"Ano nga ulit name mo? " tanong ni micah sakin.

"Elleana Xin Tizon"

"Tizon? Kaano ano mo si steve?" takang tanong nya

"Pinsan ko yan micah" si kuya na ang sumabat.

"Ah kaya pala , akala ko magkapatid kayo medyo magkahawig kayo eh"

Ngumiti lang ako sakanya. Kung ano ano ang mga itinanong nya sakin. And may chance din daw na don ako mapunta sa dance group nila since nabanggit ko na mahilig ako sumayaw. Bukas daw ng 4 pm dito din sa classroom nila kami magtitipon para mag audition. Iniisip ko palang na mag au-audition kami bukas dito sa classroom nila ay kinakabahan na ako! Nilibot ko ang paningin ko sa classroom nila at napahinto ako ng makita ang hinahanap. Marunong pala sya mag gitara. Sabagay si kuya din naman . Hindi ko alam na magbarkada sila ni kuya. Saan kaya sya nag Junior High? DNHS ba or ANHS? Inaamin ko na gwapo talaga sya at halata naman na may lahi to. Naramdaman nya ata na may tumititig sakanya dahil luminga linga sya kaya naman iniwas ko ang paningin ko sakanya.

"So bukas ha? 4 pm, dito sa room namin." paalala ni micah

"Sige, salamat ." at umalis na .

Bumalik ako sa classroom namin at sakto din na pumaok ang teacher namin sa English . Pagkatapos ng discussion ni maam ay nag iwan sya samin ng assignment at pinarecess na kami, hindi ako nag recess dahil wala ako sa mood , tinext ko na din sina dy na sa lunch nalang ako sasabay sakanila at yun nga ang nangyari.

Hapon na at vacant namin ngayon. Nagkukulitan ang mga kaklase ko na mga lalaki . Yung iba naman na mga babae nag chichismisan.

"Nandon kami kahapon sa senior high building shet! ang daming pogi!" kinikilig na sabi ni crystal. Lumipat sya ng upuan noong pangalawang araw ng klase at tumabi sakin .  Dati ko pa na kilala si crystal pero ngayon ko lang sya naging kaklase, maputi sya at mahaba ang kanyang buhok.

Chasing the Wild HeartWhere stories live. Discover now