Chapter 2

12 1 0
                                    

A/N: Sorry guys if maiksi lang yung chapter one , medyo bangag pa utak ko at di pa nagpaprocess ng maayus HAHAHAHA. But I hope you all like it. I'll try my best ng makapag update ng mas mahaba haba . At makapag update ng madami. Enjoy reading!

*

Ang daming estudyante ang nakakakalat kung saan saan at isa na ako don. Unang araw ng klase ngayon. Unang araw ko bilang grade 10 student. Kasalukuyan akong nasa learning dome at hinihintay na makarating ang apat. Nakita ko naman na papasok si Velle at Mitch, mukhang nagkasabayan din ata.

"Velle!" pag aagaw ko ng atensyon sakanila , sa dami ng palakad lakad na studyante ay hindi agad nila ako nakita kaya tumayo ako at kumaway kaway. Napalingon naman sa gawi ko si mitch at tinuro ako .

"Elle! Ang aga mo naman" panunuya ni velle

"7:00 na kaya at mamaya ay start na ang klase" sabi ko sakanya.

"Wala pa sina Ram at Dy, hihintayin pa ba natin sila? O hahanapin na natin mga section natin?" tanong ni mitch

"Nagtext sakin si Dy sabi nya otw na daw sila" sabi ko sanila. Naghintay naman kami ng ilang minuto at dumating na ang dalawa.

"Sana magkaklase ulit tayo!" sabi ni Dy. Napatingin naman kami sakanya .

Sana!

"Sus mangongopya ka lang naman eh!" pang aasar sakanya ni Ram

"Wow ha ! Kala mo naman di nangongopya!" pabalik na asar din sakanya ni Dy.

"Mag tuturuan pa kayo eh lahat naman tayo nangongopya HAHAHAHA" nagtawanan kami sa sinabi ni mitch. Sa aming lima si mitch talaga ang matalino . Magaling sya sa english at honor student din sya .

Napahinto kami sa isang room at nagbabaka sakali na nakalagay don ang pangalan namin.

" Ram magkaklase tayo!" excited na sabi ni velle

"Mars ang pangalan ng section nyo ,Palibhasa mga mukha kayong alien hahaha." sabi ni Dy

"Wow mas mukha ka pang alien kesa sa alien don sa mars!" hindi nagpapatalo na sabi ni velle.Nagsitawanan naman kami.

"Sino adviser nyo?" tanong ni dy.

Sa pagkakaalam ko si sir Harry ang adviser ng Mars ngayon dahil retired na yung dating adviser ng mars.

"Si sir Harry Famero ata ." Sagot ni Ram.

"Hindi ba bakla yun?" usyuserang tanong ni dy

"Parang"

"Sanaol magkaklase! Tara na sa kabilang room. Dito na kayo Ram at velle? Maghahanap pa kami ng section namin e." tanong ni dy

"Oo, kita nalang tayo mamayang lunch."

"Sige, mauna na kami" paalam ko sakanila.

Umakyat kami sa taas at don nga nakita nina mitch at dy ang section nila tulad nina ram magkaklase din sila , so ako ang napahiwalay?.

"Kita tayo mayang lunch ha?" pagpapaalala ko sakanila.

"Sige sige . Don tayo sa may Nitch"

Tumango ako at bumaba na pumunta ako sa kabilang building at nakita ko din sa wakas ang room ko. Sayang at di ko manlabg sila kaklase.Nasanay kasi ako na taon taon isa sakanila ay nagiging kaklade ko. Di bale nalang magkikita pa din naman kami e. Nasa Section Jupiter ako samantalang sa Mercury naman sina Dy.

Chasing the Wild HeartWhere stories live. Discover now