[21]

180 13 0
                                    

Jefferson's POV

Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko ng makitang dumating na sina Kreo at Steven. Sobrang weird ng mga ginagalaw ko ngayong mga araw.

Itinutok ko lang ang buong atensiyon ko kay Steven na inilalapag lahat ng pinamili nila ni Kreo sa gilid. May kinuha si Steven na box at isang medium-sized plastic na may laman na kung ano. Idineretso niya ang sarili niya sa akin.

Mas lumawak ang ngiti ko ng makita ang isang box ng strawberry donut na ibinigay niya sa akin. "S-salamat!" hindi ko mapigilang hilain siya papalapit sa akin at yakapin dahil sa saya. Hindi ko alam bakit ko nagawa 'yun.

Alam kong nabigla siya pero wala na akong pake 'dun. Naramdaman kong yumakap na rin siya pabalik sa akin at muli kong naramdaman ang kamay niya na minamasa-masahe ang buhok ko and I love it!

Hindi ko alam pero parang ayoko ng pakawalan si Steven sa pagkakayakap. Napaka-weird, napakagaan at napakasarap ng pakiramdam ko tuwing kasama ko siya. Feeling ko, walang masamang mangyayari sa akin kasi nandiyan siya palagi sa akin.

Ganito ba ang epekto ng pag-appreciate ko sa pagse-stay niya sa tabi ko?

"Ehem..." narinig naming dalawa na mukhang pinaparinggan kami nilang lahat. Nakakagulat na sunod-sunod sila. "PDA, ehem... " nakita kong napairap na lang sa kanilang lahat si Steven. 'Eh, may masama 'bang mangyayari kapag niyakap ko siya?

Humiwalay si Steven sa pagkakayakap. At napansin kong nakatingin silang lahat sa aming dalawa. Napasimangot na lang ako. Gusto ko siyang i-hug 'eh!

Mukhang napansin ni Steven ang pagsimangot ko. "Kukuha lang ako ng baso for your milk. I'm not leaving." yumuko lang ako at tumango sa kanya.

Gusto ko na palagi lang siya nasa tabi ko at minamasahe ang buhok ko. Gusto ko na hawakan niya palagi ang kamay ko para pakalmahin ako. Parati niyang pinapatibok ng mabilis ang puso ko this days for some reason na ewan. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman 'kong to.

Ramdam kong umalis na siya. Ramdam ko rin ang mga mata nilang lahat na nagbabagang nakangisi sa akin at para 'bang may hinihintay silang may sasabihin ako. Tiningnan ko sila. "A-ano?" nginisihan lang nila ako. Inakbayan ako ni Benedict at nginitian. "Jefferson, be honest ka nga muna sa amin sa itatanong namin sayo, okay lang ba 'yun?" hindi ko alam kung ano ang itatanong nila pero feeling ko may kinalaman 'to sa akin.

"Are you bisexual or gay? Or pansexual?"

Natigilan ako sa tanong niya. Kaagad naman siyang pinalo isa-isa ng mga kasama namin sa likod niya. "What the hell Benedict! Nakuha mo pa magtanong ng ganyan sa pinsan mo sa sitwasyon niya ngayon." ani Nathaniel.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tinanong sa akin ni Benedict. Hindi ako nagkakagusto sa parehong mga babae at mga lalaki. Kahit na sa mga students na nagbibigay sa akin ng mga regalo. Gaano man sila kaganda o kagwapo, kahit kailan hindi ako nagka-crush sa kanila.

Tanging kay Miss Pres lang. Pero hindi niya sinuklian ang romantic affection ko sa kanya. Hindi niya naman kasalanan. Wala siyang kaalam-alam na nahulog na ako sa kanya. May karapatan naman siyang mamili kung sino ang gusto niyang maging boyfriend. Ayun nga lang, napakasakit.

Napakasakit, sobra. Ikaw 'yung palaging nandiyan para sa kanya pero iba 'yung pinili niya. Ikaw 'yung naging kasama niya sa paglaki pero kahit kailan hindi mo narinig sa kanya ang salitang 'I love you' kahit na hanggang kaibigan lang ang meaning 'nun.

Mas mabuti na ako na lang ang masaktan. Masaya na ako na masaya na siya sa iba. Kahit na ikakamatay ko 'to, tatanggapin ko. Siguro hindi nga kami 'yung para sa isa't-isa.

'Di ko kayang hindi masaktan sa mga naiisip ko. Napakasakit. Parang gusto ko na isigaw ang lahat ng 'to sa kung saan. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa mga iniisip kong 'to. Gusto kong maglaslas, gusto kong paulanan ng suntok ang sarili ko at iuntog ng malakas ang ulo ko sa pader.

Pero natatakot ako na makita nila akong sinasaktan ang sarili ko. Mabuti na nga lang naka-bandage ang braso ko kung saan ako parating naglalaslas. Natatakot ako na makita nila ang mga naiwang bakas na ginawa ko noon.

Natatakot ako.

"Jefferson?" rinig kong tanong ni Whisley na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Napansin kong ganun rin ang iba.

Sandali, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko maramdaman ang buong katawan ko? Bakit feeling ko wala ako dito? Ano ang nangyayari?

Hinawakan ni Hugi ang mga kamay ko pero hindi ko nararamdaman ang paghawak niya sa akin. Hindi siya mapakali kung ano ang gagawin niya. "Jefferson look, can you feel my touch?" hanggang sa hindi na ako makahinga ng mabuti. Kinakapusan ako ng hangin. "H-hindi..."

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Bakas ang takot at pag-aalala sa kanilang mga mukha ng marinig nila ang sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Hugi sa naging sagot ko. Nagawa niyang bitawan ang kamay ko dahil 'dun. "Tumawag kayo ng doctor, bilis!" rinig kong halos sigaw ni Axel na mukhang pinakalma si Miss Pres. Agad naman na nagsitakbuhan palabas sina Luke at Chynna.

"The fuck can we do to help him? He's in bad-"

"Baby, he'll be okay." at hinalikan ni Axel si Miss Pres sa noo.

And then I realized. Bakit ba napaka-pabigat kong kaibigan sa kanila? Nahihirapan silang lahat dahil sakin. Napaka-walang kwenta kong kaibigan. Parati ko na lang silang sinasaktan.

"What's happening?" narinig ko ang boses ni Steven. Naramdaman kong inalis na ni Benedict ang kamay niyang naka-akbay sa akin. Tiningnan ko si Steven na nakatingin rin sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

Ginamit niya ang isa pa niyang kamay para i-masahe ang buhok ko. Muli kong naramdaman ang mga kamay niyang nagbibigay ng napakagandang pakiramdam sa akin. I can only feel his touch. Parang kagaya 'nung kay papa.

Speaking of, asan na kaya si papa? Bakit wala siya dito? Siguro may business meeting na naman siya. Si papa talaga, masyado na minsan nag-ooverwork. Sana kumain na siya 'dun ngayon.

Napaka-pabigat kong kaibigan. Hindi ko man lang inalam kung ano ang mararamdaman nila kung mamamatay ako. Halos mamatay na sila sa pag-aalala dahil sakin. Sinayang ko pa ang mga oras nila.

Wala akong kwenta! Wala man lang ako may inambag sa kanila. Puro katarantaduhan at kalokohan lang ang alam ko. Napakasama kong klaseng kaibigan.

Mas bumigat pa ang paghinga ko dahil sa mga naiisip ko. Mas nahihirapan akong huminga. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag-isip ng ganun. Gusto kong saktan ang sarili ko para matapos na itong sakit. Pero paano? Nandito silang lahat na nakapaligid sa akin.

"Jefferson! Naririnig mo ba kami?" rinig kong sigaw ni Nall. Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng biglang dumilim ang buong paligid.

Ano ba ang nangyayari sa akin?

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon