SPECIAL: VIVI AND THE GRINCHES!

2.5K 81 23
                                    

A/N: MERRY CHRISTMAS, EVERYONE! <3 I hope you are all having a joyful holiday! Because today's such a special day, here's an update, a special chapter specifically, featuring our Professor Vivi and his beloved Grinches—pardon—I mean his students! Have a nice read!ヽ(o^ ^o)ノ

—————

/ 𝕾𝖕𝖊𝖈𝖎𝖆𝖑 𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 -𝕮𝖍𝖗𝖎𝖘𝖙𝖒𝖆𝖘 𝕿𝖗𝖔𝖚𝖇𝖑𝖊 /

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

/ 𝕾𝖕𝖊𝖈𝖎𝖆𝖑 𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 -
𝕮𝖍𝖗𝖎𝖘𝖙𝖒𝖆𝖘 𝕿𝖗𝖔𝖚𝖇𝖑𝖊 /

VIVI

   "Hala ka, Tofi! Bakit ka nag-nibble?! I have already given you a treat kanina, diba? Hindi 'to para sayo, e! " naiinis kong suway sa kulay puti kong rabbit na si Tofi nang bigla niyang sinunggaban ang isang cookie na ilalagay ko na sana sa isang maliit na kahon.

   Lakas ng loob ng bubwit na 'to, ah? Porke't sinama ko lang siya rito sa lamesa para gumawa ng cookies kasi mahal na mahal ko siya at gustong makasama siya palagi, kakagat na siya kung kailan gusto niya? Ang sweet kaya ng mga cookies, a rabbit's stomach won't be able to handle it!

   "Spit it out now!" I gently smacked his tiny nose but my baby just won't budge.

   "Tofi!" nai-i-stress kong wika at muling sinapak—joke—I mean pinindot ang ilong niya! Napasinghap nalang pero ako nang kinagat niya ako, tila napikon sa aking ginawa. Hindi lang yun, tinalikuran pa talaga ako ng hayop! Halos mapanganga ako. Tofi?!

   Oh my God! Paano niya nakakayanang gawin sa'kin yan?! Ako nga, wala pa siyang ginagawang kasalanan, pinapatawad ko na agad siya para lang mag-cuddle kami!

   "Ha! Pasalamat ka Tofi, cute ka!" gigil kong turan at pinanggigilan ang puwet niya. Ugh, ang taba-taba kasi, sarap pisilin!

   Well, lahat naman ng bunnies ko ay cute! Wala akong favorite sa kanila and actually, hindi lang naman talaga si Tofi ang nasa lamesa ng kitchen ko. Halos lahat sila narito, tinitignan ako habang gumagawa ako ng cookies. And I must give them all a commendable applause kasi they are all well-behaved! Hindi kagaya ng isa diyan, 'di nakunteto sa treats niya at talagang kinagatan yung cookie na ginawa ko.

   Pasimple kong tinignan si Tofi kaso nakatalikod pa rin sa akin ang gago at wala talaga paki. Wow! Gold ka? Joke. Gold talaga yan. Diamond pa nga. Buong buhay ko, ibibigay ko sa kanila. Hays.

   Anyways! Back to my work, if someone were to see me baking dozens of rabbit-shaped cookies at 5:00 in the morning and packing them up in a tiny, black box with pink rabbit stickers attached onto it and a white ribbon that finishes the exterior design of the box, they'd probably think I'm preparing them as presents. Well, guess what, peeps? They are!

Professor, We Adore You [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon