forty six

282 29 14
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ beomgyu — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

"go, choi beomgyu!!" sigaw ni ryujin sa gilid ng pool. medyo pagod na rin ako since kanina pa akong nagpa-practice. kailangan ko kasing i-beat yung record ko last training.

"bilang ka ulit bago ka mag-blow ng whistle ha." sagot ko, nag-thumbs up naman siya. ngumiti siya sa'kin tapos napansin ko na naman yung whisker smile niya. sinuot ko na ulit yung goggles ko tapos pumwesto. "3, 2, 1, go!"

sinubukan kong bilisan yung galaw ko kaysa kanina, ilang months na rin akong nagpa-practice. excited akong i-represent yung school sa extramural since last year ko na as a high school student.

mas ganado akong mag-practice ngayon since may nagchi-cheer sa'kin. gusto ko yung mga bungad na ngiti sa akin ni ryujin kada aahon ako galing sa pool at babalik sa platform.

"woooh, go beomgyu!!!" rinig kong cheer niya. malapit ko nang matapos yung lap. nang malapit na ako sa unahan, hinawakan ko na yung wall sa starting point. nagpahinga muna ako ng konti bago umahon ulit sa pool.

pagkaakyat ko, tinapat na agad ni ryujin sa mukha ko yung timer. yes! na-beat ko yung own record ko! "congrats!!!" sabi ni ryujin, sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya tapos nabuhat.

na-realize ko bigla yung ginawa ko kaya binaba ko siya agad pero nakayakap rin pala siya sa'kin. hindi siya agad gumalaw pero bigla siyang kumalas tapos tumawa.

"sabi ko naman kaya mo eh."

kumuha siya ng towel tapos inabot sa akin. "thank you sa pagsama ngayon."

"sus, ikaw pa. nakakainis ka pero pride ka ng school. wala akong choice." ipinatong ko yung kamay ko sa ulo niya para guluhin yung buhok niya pero hindi nagulo dahil naka-ipit siya ngayon.

"bleh!" she stuck her tongue out para inisin ako pero hindi naman ako naiinis. hindi nakaharang yung buhok niya sa mukha niya ngayon kaya kitang-kita ko siya.

"sabay na ko sa'yo pauwi. tapos na ba training mo?" tanong niya. tumango naman ako. "saglit lang, bihis lang ako."

"okay! hintayin kita rito."

naglakad na ako papunta ng comfort room tapos nagbihis na ko. pagkalabas ko ng comfort room, tanaw ko na agad si ryujin na naghihintay sa benches at hawak ang phone niya.

"tara na, uwi na tayo." sabi ko pagkalapit ko.

"okay." naglakad na kami papuntang gate pero ang awkward dahil walang nagsasalita. wala rin akong maisip na topic bigla kaya hindi ko siya makausap. nakakapanibago since lagi naman kaming maingay pag magkasama.

hanggang sa sumakay kami ng bus at malapit na siyang bumaba, wala pa ring naimik.

"thanks for today. i'll see you sa athlete's night na lang?" tanong ni ryujin bago siya bumaba ng bus. tumango na lang ako. nang makababa na siya, kumaway siya bigla bago umandar ulit yung bus. kumaway din ako pabalik.

mukhang 'di ko makikitang walang kilay si taehyun ah.

GORGEOUSWhere stories live. Discover now