ninety

300 18 15
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ ryujin — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

tumayo na ko para umalis sa fire exit at hindi na lumingon dahil bumagsak na yung luha ko. pagkadaan ko sa comfort room ng girls, lumabas naman si yuna kaya naabutan akong umiiyak.

"eonni! anong nangyari, sa'yo ba't ka naiyak?" muntik ko nang masapok dahil ang lakas ng boses niya. nilapitan niya ako agad at tinulungan akong mag-ayos.

nag-hilamos muna ko sink para na rin pakalmahin yung sarili ko, inaalalayan naman ako ni yuna. "eonni, baka naman pwede ka nang mag-kwento. what happened ba?" curious na tanong nito.

"nakausap ko kasi si beomgyu. technically, hindi dahil hindi naman siya masyadong nagsalita—"

"wow, technically. big word." pagsingit ni yuna na may pagpalakpak pa.

"gusto mo bang mag-kwento ako o ipainom ko sayo 'tong tubig sa lababo?"

"sabi ko nga, mag-kwento ka na dakyung eonni." sabi niya.

"iniiwasan niya kasi ako these past few days.." sabi ko, tinitigan lang ako ni yuna. "napapansin nga rin namin, eonni. alam naman namin kung ga'no kayo ka-close before tapos ngayon, 'di namin kayo makitang magkausap."

"oh, alam mo naman pala. ba't ka pa nagtatanong?"

"oh, gusto mo ba? ba't mo iniiyakan?" balik ni yuna.

okay supalpal.

"nice, natahimik ang kabit." sinamaan ko agad siya ng tingin. "charotism lang, unnie. ano raw bang dahilan? nasabi niya ba?"

"hindi eh."

tumango siya at parang nag-iisip. "alam mo eonni, for sure naman may dahilan yan."

"sumagi lang naman once sa isip ko... pero hindi kaya naiisip niya ring sagabal ako sa pangarap niya? alam mo yun, like what happened with felix. kasi since extramural, dun niya na ako in-avoid. baka... may kailangan ulit siyang i-prioritize." ito talaga yung gumugulo sa isip ko. hindi ko mapigilan dahil nangyari na yun once.

"i don't think he's like, you know... your ex. hindi naman ganun si beomgyu oppa eh. the way he looks at you, alam mo yun. naol." kulet mo na naman, yuna.

"naol naol ka jan, baka gusto mo talagang magsimula ako."

tinakpan niya agad ang mga tenga niya para hindi ko siya mainis, "la la la la la~"

pero baka nga mali rin ako. totoo naman yung sinabi ni yuna. "tingin ko eonni, hindi yun lovelife vs. career eh. hindi yun yung problema ni oppa."

"eh ano?"

"alam mo yun, battle of the self. self vs. self, ganon. yung siya lang yung need maka-solve kaya hindi niya pa kayang sabihin ngayon." napatingin ako kay yuna, bakit ang bata pa nito pero siya pa talaga nag-aadvice sa'kin sa lovelife?

"hintayin mo lang, eonni. he'll come to you." sabi nito habang nakangiti. salamat din at nakausap ko siya dahil gumaan talaga yung loob ko. "thanks, huss." i hugged her.

"eonni, favor. pwede ko naman 'tong ichika sa other eonnies diba?"

"hay nako, manang-mana kay chaeryeong."

"okay, sabihin ko sinabi mo yan. tara na, eonni. dalian na natin, nasa mall na raw sila naghihintay." nagtaka naman ako.

"huh? akala ko ba hindi sila makakasama?"

"hahaha! yes, nanalo na ako sa pustahan kay yeji eonni. sabi na nga ba lutang ka nung pinag-usapan eh." tawa pa 'to ng tawa nang malakas. after lia, ako naman napagdiskitahan ngayon.

oo nga, sabi nga ni yeji nun, "saka na pag time mo na." ito na nga, time ko na. i'm happy na they're with me during this time.

beomgyu, bilisan mo ha?

GORGEOUSWhere stories live. Discover now