eighty nine

280 19 16
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ beomgyu — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

masakit. sobra, pero kasalanan ko rin naman. kung nagsalita lang ako agad, baka hindi aabot sa ganito.

wala sa sariling bumaba ako ng hagdan patungo sa ground floor pero naabutan ko si taehyun sa lower floor. akala ko bumaba siya pero mukhang hindi siya tumuloy.

probably, narinig niya lahat.

"kamusta?" tanong ni taehyun. hindi ko masagot dahil blangko ang isip ko.

"alam mo tol, sana in-admit mo na lang agad. kung hindi ka niya gusto, edi lugi siya—"

"potcha taehyun, malapit na ko umiyak 'wag ka na mag-joke." sabi ko, nabatukan ko tuloy siya.

"hindi na. ito, kidding aside, sabihin mo lang para alam niya. saka hanggang ngayon ba, hindi pa rin obvious?"

"obvious na alin?"

"hay nako, naniniwala na akong medyo tanga ka nga. napasukan na daw ng tubig 'yang ulo mo kaya medyo mabagal mag-function, akala ko rumor lang." sabi ni taehyun.

"puchangama." bulong ko.

"ano? gusto mo ba talaga si ryujin?" tumango ako. si taehyun pa talaga yung una kong nasabihan tungkol dito, hindi ko akalain. ang tagal ko dineny pero ito ako, kay taehyun unang umamin.

"oh, edi aminin mo."

"porket ikaw—"

"'wag mo sa'kin ibaling yung topic ha, ikaw 'tong manhid eh." sabi nito, 'di pa ko pinatapos amp.

"thank you, pare." sabi ko.

"oh gago, baka maiyak ka pa. hahahaha." sagot niya saka kami dapat magbo-bro fist.

hinanda ko na yung kamay ko para sa bro fist pero parang iba yung lalandingan ng kamay niya.

lumanding sa mukha ko. kang taehyun, sarap mong lunurin sa pool. bakit ngayon pa?

GORGEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon